Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Liwanag ng Anino

🇵🇭pichi_ichie
--
chs / week
--
NOT RATINGS
41.2k
Views
Synopsis
Isang wirdong binata at kung paano niya haharapin ang kanyang magulong buhay. Babala: May mga salitang di ka aya aya.
VIEW MORE

Chapter 1 - Kabanata #1: Sariling Mundo

"Pasindi po, ate" mahinahon kong sabi sa ale ng isang tindahan.

"Oh, iho." dahan-dahang abot ng ale sakin ng lighter. Kita sa mga mata nya na nagdadalawang isip syang iabot sakin iyon. Siguro dahil sa naka uniform pako pampasok o kaya naman dahil sa menor de edad pa lang ako.

Ako si Gino, 16 na taong gulang pa lang ako, Grade 11 student. Di ako tulad ng mga tauhan sa mga babasahin na makisig, mayaman at hindi rin ako koreano. Isa lang akong payat, maputla, tahimik at makasariling studyante.

Wirdo ako, tanggap ko na yon sa sarili ko, kaya, kaibigan? What's that?

Ah alam ko na! Kaibigan, yung lagi mong maasahan 'pag malungkot ka? 'Yong tutulungan ka sa mga bagay na nahihirapan ka? 'Yong makaka-kulitan mo tuwing gusto mo magpaka-tanga?

Tama nga ako, wala ako nyan.

*knock! knock! knock!

"To, pabukas po ng pinto!!" sigaw ko habang tinatapakan ang ubos na sigarilyo ko.

"Tulak mo!! Bukas naman yan ah!!" galit na galit na sigaw ng Tito Jeds ko, kapatid ni papa. Ewan ko nga ba't ako dito sa babaerong to iniwan.

2 taon na noong pumanaw si papa, at si mama naman, bata palang ako iniwan nako. Mag isa lang akong anak eh. Dito ako sa bahay ni Tito Jeds pinaiwan at pinabilin ni papa, may trabaho kasi 'to 'di tulad nung isa nyang kapatid. Tattoo artist 'to si Tito Jeds.

"Pag nakikita mong bukas naman yung pinto buksan mo na!! Gusto mo pinagbubuksan ka pa eh!!" sigaw nya sakin habang nakikipaglampungan sa bagong uwi nyang babae galing trabaho.

"May ulam na?" pagod na pagod kong tanong sa kanya.

"Meron dyan sa ref, teka bumalik ka muna dito..." Nakangiti nyang tawag sakin.

"Hmm, 'no na naman yun?" naka-simangot kong tanong.

"Batiin mo ng magandang gabi si Ate Helena mo." Excited niyang pakilala sa pang anim na babae niyang inuwi dito sa bahay ngayong linggo.

"Hello po, ate number 6!!" nakangiti kong sabi.

"Bumalik ka na nga dun bastos ka talaga kahit kailan." naka-kulot na kilay nyang bigkas. Bakit? May sinabi ba ko mali? Hihi.

"Akyat na ko tito, nakakain at nakapag urong nadin ako." sigaw ko habang humahakbang paakyat ng hagdan.

Tahimik, madilim at walang buhay. 'Yan ang kwarto ko. Siguro matatawag siyang impyerno ng iba, pero sakin, langit ko to dahil mas kilala pa ako ng kwartong ito kesa sa mga nakakasalamuha ko. Dito ako laging nakatambay, nakahiga, katabi ang mga unan, na kasama ko sa tuwing nilalamon ako ng mga demonyong tanging ako lang ang nakakakita at nakakaramdam. Ang mga libro na handa akong bigyan ng saya at konting kaalaman sa mga bagay bagay, ang wirdo pero Oo, sinisigaw ko dito lahat ng galit, hinanaing at problema ko sa buhay. Sanay na 'ko etong kwarto ko lng ang kasangga ko sa pang araw araw kong buhay.

*sniffs* Tulog na.

"Gino!! Bumaba ka na 6:35 na malelate ka na!!!" umagang pambubulabog ng Tito ko. Agad na kong nag ayos at naghandang umalis ng kwarto kong tangi kong kaibigan.

"Alis na 'ko, To." sigaw ko habang sinisintas ang sapatos.

"Sige na, umuwi ka ng maaga Gino ah, pag ikaw ginabi nanaman sinasabi ko sayo." sermon sakin nitong kalbong to.

*vrooom* *beep*

"CROSSING ILALIM!" sigaw ng konduktor.

Nakasakay na ko sa jeep at sa hindi inaasahang panahon, nakasabay ko yung babaeng bumihag sa mga puso ng mga manyakis kong kaklase at crush ng buong school.

"K-Kim?" bulong ko sa sarili ko habang mabagal at slow-mo ang lahat.

"Pwede akong tumabi?"