Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Chasing Pavements

Mel9dy
--
chs / week
--
NOT RATINGS
6k
Views
Synopsis
Bata pa lang ako alam ko ng di pantay ang pag-ibig na ipinapakita ng mga magulang ko sa aming dalawang magkapatid. Si ate Lily ang laging first priority nila mama at papa, lahat ng atensiyon at pagmamahal ay napupunta sa kanya, paano naman ako? Lagi na lang bang tirang pagmamahal ang ibibigay sa akin? Pakiramdam ko tuloy ay may kulang sa akin, na hindi ako kasing kaibig-ibig katulad ni ate. Pero sa paglipas ng panahon, natuto akong maging kuntento kung anong kayang ibigay sa akin nila mama at papa, syempre hindi madaling maging maunawain pero mahal ko ang pamilya ko, hindi ba sabi nga love is patient and selfless kaya bakit pa ako magtatanim ng mga negative vibes ako lang din naman ang mas magiging dehado kaya good vibes lang lagi. Ako nga pala si Carys, kinuha daw ni mama sa welsh name ung pangalan ko na ang meaning ay LOVE. Kaya nga naguumapaw ako sa pag-ibig, so sapat na sa akin kung ano man ang maibigay ng family ko para sa akin. Pero kaya ko pa bang takpan ng pag-ibig ang kasalanang ginawa ng aking pamilya at ng lalaking minahal ko ng lubos? --------------------------------------------------------------------------- Romance, Drama, Martial Arts

Table of contents

VIEW MORE

Chapter 1 - We Meet Again

"Hoy! Natutulala ka na naman dyan, may nasinghot ka na namang rugby ano?" Isang matipunong lalaki ang lumapit kay Carys at walang pasabing inakbayan sya, dahil sa pagkagulat ibinalibag ni Carys ang walang modong lalaking umakbay sa kanya.

"Aray!! Tatang ko po ang likod ko ang sakit!"

"Idiot! Sino ba kasi ang may sabing manggulat ka, yan tuloy ang napala mo." Carys smirked to further tease her comrade.

"Tsk! Di mo ba ako tutulungang tumayo?" Naiinis na sabi ng kanyang kasamahan at dahil mabait syang tao at mukhang nasaktan nga ang kumag, tinulungan na ni Carys ang lalaki. Natawa pang lalo si Carys ng makitang may nahigaan itong tae na lalong ikinabuwist ng huli.

"Stop laughing! I am still your senior, do one hundred push ups and sit ups as your punishment!" Nanggigigil na saad ng kanyang superior.

Bumubungisngis na sumaludo si Carys, "Aye Aye Sir Lucas!" Bago pa sya tuluyang mabatukan ni Lucas ay kumaripas na sya ng takbo papunta sa training ground nila.

---------------------------------------------------------------------------

"Hoy, Carys balita ko pinainit mo na naman ang ulo ni Sir Lucas."

Napaangat ang tingin ni Carys sa nagsalita, "Nag a-andwopausena kasiiyon kayamwadaling uminit angulo. Ouchaman bakitka banambabatok Shiela!" Mangiyak-ngiyak na hinimas ni Carys ang kanyang noo.

Naningkit pa lalo ang chinitang mata ng kanyang kaibigan. "Paano ko maiintindihan ang sinasabi mo eh punong puno ng pagkain ang bibig mo! Umayos ka nga Carys, san ang table manners mo?!"

Carys pouted. "Nasa kangkungan."

"Argh...!! Nakakainis na talaga iyang pagiging pilosopo mo pasalamat ka talaga mahal kita kundi pinakain na kita sa mga pating!" Nakasimangot nasabi ni Shiela sa matalik na kaibigan, pagminsan talaga nakakapikon ang pagiging pilosopo nito ang sarap tirisin grabe!

Tumabi si Carys sa kaibigan upang amuhin ito, "Kaya lab na lab kita friend eh kasi napakamabait at napakabusilak ng iyong puso!" At para mawala na ang inis ng kanyang kaibigan minasahe nya ang mga balikat nito.

Inikutan lang ni Shiela ng mata ang kaibigan, "Mmph...! Di mo ako madadaan sa pabola bola mo, naiinis pa rin ako sa iyo."

Alam ni Carys na hindi naman talaga nagtatampo ang kaibigan gusto lang nitong makarinig ng mga papuri galing sa kanya, "Oh my prettiest friend, the fairest of all my friends ano ba ang kailangan kong gawin para mapatawad mo na ako?"

Tumingin sa kanya si Shiela na parang inaalam kung tutupad ba sya sa sinabi nya. "Totoo gagawin ko lahat para lang mapatawad mo ako kahit na mababaw ang dahilan ng tampo mo," ng makita ni Carys na tumaas ang isang kilay ng kaibigan agad siyang kumabig. "Hehehe so ano na ang iyong kahilingan mahal na reyna."

Content na tutupad si Carys sa kanyang sinabi ngumisi si Shiela ng nakakaloko, "Mm... nakakatakot naman iyang ngiti mo fren." Napadilat ang mata ni Carys ng makita ang nakakalokong ngiti ng kaibigan, 'God help me please!'

"Huwag kang mag-alala fren madali lang naman ang ipapagawa ko," Shiela smiled sweetly. "Lalabhan mo lang naman ang damit ko at lilinisin ang apartment ko ng isang buwan." Napahalakhak si Shiela ng makitang pumuti na parang suka ang mukha ni Carys, ayaw na ayaw kasi ng kaibigan ang maglaba lalong lalo na ang maglinis kaya iyon ang napili niyang ipagawa dito.

Hindi makakontra si Carys kasi may pangblackmail si Shiela laban sa kanya, nakita kasi ng kaibigan niya ang ginawa niyang pagdrawing sa mukha ni Lucas gamit ang permanent marker. Lagot siya kung malaman ng Lucas na siya ang salarin kung bakit mukha siyang panda ng isang linggo. Carys shivered in fear sa mga naimagine niyang mahihirap na training na ipagagawa sa kanya ni Lucas kapag nalaman nito ang totoo.

Napangiti si Shiela ng makitang naginig ang kaibigan, umandar na naman ang over active na imagination nito. Alam niya kung bakit ganun ang reaction ng kaibigan, di naman niya talaga isusumbong si Carys panakot lang niya ito sa kaibigan kasi kung minsan sumusobra ang pagiging pasaway nito. Maihahambing niya si Carys sa isang makulit at mischievous na bata, once na umandar ang pagiging pilya nito walang nakakatakas sa kanyang mga pakulo at sa kasamaang palad ang kanilang team leader ang laging biktima.

"Huwag mo akong tignan ng ganyan kasi alam mong hindi iyan uubra." Napasimangot si Carys ng dinedma lang ni Shiela ang kanyang famous na panggagaya kay Puss in the boots nung ito ay nagpapaawa.

"Fine, ako ay magiging labandera at katulong mo sa isang buwan." Labag man sa kalooban pumayag pa rin si Carys, takot lang niyang maisumbong kay Lucas. Mas nanaisin pa niyang maglaba at mahlinis kaysa matorture sa ibibigay na training ng magaling nilang team leader.

"Mabalik tayo sa topic, bakit mainit na naman ang ulo sa iyo ni Sir lucas?" Curious si Shiela kung anong kalokohan na naman ang ginawa ng kaibigan.

Tumingin si Carys sa kanan tapos sa kaliwa, Shiela just rolled her eyes dahil sa antics ng loka lokang kaibigan. Ng makitang walang nakikinig sa usapan nilang magkaibigan ibinulong ni Carys ang sinabi nya kanina, "Ang sabi ko nag a-andropause na kasi si Sir Lucas." Nagkatinginan ang dalawa sabay bunghalit ng tawa. Dahil sa lakas ng tawa nila napatingin ang malapit na mga kasamagan nila, they were looking at them like they are lunatics.

Nagpupunas pa ng luha si Shiela ng tanungin niya kung ano talaga ang rason kung bakit galit si Lucas.

"Naibalibag ko sya sa may tae." Iyong tawa ni Shiela na papawala na eh bumalik ng times two. Pulang pula ang mukha ng dalaga sa kakatawa halos hindi na nga makahinga si Shiela sa sobrang tawa.

"Hoy! Mahanginan ka niyan, sige ka baka maging abnoy ka." Natatawang sabi ni Carys sa kaibigan.

"Hahahaha... grabe ka talaga fren! Sa iyo yata mamamatay si Lucas at hindi sa mga bala." Pinaypayan ni Shiela ang mukha sabay punas ng pawis. Grabe naexercise sya ng wala sa oras katatawa.

Napakamot lang ng ulo si Carys, "Masamang damo iyon kaya mahirap mamatay. Pero maiba tayo fren narinig mo ba na may code red daw na mission ang agency natin?"

Napailing na lang si Shiela sa mga pinagsasabi ng kaibigan, "Yup, nasabi nga rin ni Tom sa akin iyan kanina narinig daw niya na nag-uusap si Lucas at si Sir Matt kung sinong mga agent ang iaasign sa kaso."

Napatango tango si Carys sa sinabi ng kaibigan, "Matagal tagal din bago tayo nakatanggap ng isang S class na kaso, sa tingin mo terrorist attack kaya o rescue and retrieval operation ang gagawin ngayon?"

Napaisip din si Shiela, tama ang kaibigan matagal din silang walang natanggap na high class na mga kaso. "Baka pwede ring pag- aresto sa isang drug lord o kaya ang pag destabilize sa drug cartel."

The two were both in deep thoughts, iniisip nila ang iba't ibang pwedeng maging dahilan ng pagkakaroon ng code red sa kanilang agency, "Aiyoo...! Sumasakit ulo ko sa kaiisip ng mga dahilan kung bakit tayo nagkaroon ng code red as far as I know eh wala namang immediate threat galing sa mga terrorista kasi nahahandle naman ng ating AFP iyon, pati nga sa usapang drugs nahahandle na din ng ating government."

Napatango si Shiela sa sinabi ng kaibigan although hindi pa one hundred percent ang pagkawala ng mga terorista at drugs sa bansa pero kahit papaano nakakayanang labanan ng government ang mga ito, "Bakit hindi natin tanungin kay Lucas kung anong mission iyon?"

"Tsk! Sa tingin mo sasabihin niya sa atin iyon, alam mo naman kung gaano ka tight lipped iyon." Isa iyon sa hinahangaan niya kay Lucas alam niyang magtago ng mga sikreto kaya kampante siyang ikinuwento dito ang nakaraan niya nung baguhan pa lang siya sa ahensya nila, nung mga panahon na iyon hirap na hirap siya dahil sa sakit na idinulot ng kanyang sariling pamilya at ng lalaking sobra niyang minahal. Halos di siya makatulog at makakain dahil sa depression, she felt like dying hanggang sa maisipan niya ngang magsuicide at kung hindi siya binisita ni Lucas sa kanyang tinitirhan noon siguro ngayon isa na siyang bangkay. Malaki talaga ang pasasalamat niya sa kaibigan dahil kung hindi sa pakikinig niya at pagtulong niya sa akin hindi siya makakarecover sa kanyang depression.

"Oo nga, sana tayo iyong maiassign sa mission na ito."

"Sana nga sayang naman iyong mga torturous training na ipinapagawa sa atin ni Lucas, mas gusto ko pa talagang sumabak sa delikadong mission kaysa pahirapan ni Mr. Akuma." Nakakunot noo na tumingin si Carys kay Shiela, ano na naman ang tinira ng kaibigan niya at humahaba ang nguso. "Anong nangyayari sa nguso mo bakit humahaba?"

"Ahem, Ms. De Leon hindi pa ba sapat iyong one hundred push ups at sit ups na ipinagawa ko sa iyo?" Mabilis na napabaling si Carys sa kanyang likuran, "Akuma! Ay este Sir Lucas!" Napatayo si Carys at Shiela upang sumaludo.

"Pfft.. wala tayo sa military kaya bakit kayo sumasaludo sa akin?" Nangingiti si Lucas sa inaasal ng dalawa, napaghahalataang guilty lalo na si Carys butil butil na ang pawis ng dalaga, mapagtripan nga pangbawi man lang sa madalas na pang-aalaska nito sa kanya. "Ms. De Leon." Halos mapatawa si Lucas sa itsura ng dalaga, para itong natatae na ewan.

"Sir!" Pinagpapawisan na ng malagkit si Carys, ano na naman kaya ang magiging parusa niya. Bakit pa kasi niya naulit ang pagtawag dito ng akuma/devil.

"Mag alsa balutan ka na, hindi ka na kailangan sa ahensya." Lucas was trying his hardest not to laugh and break his cool character, nagulat na lang siya ng makitang maiiyak na ang dalaga.

"Wag po Sir Lucas, wag niyo po akong paalisin! Promise di ko na kayo guguluhin at pagtritripan, magiging well behave na din ako basta wag niyo lang akong paalis!" Di na napigilan ni Carys ang maluha, napayakap na din siya sa isang hita ni Lucas habang umiiyak.

Naitakip na lang ni Lucas ang palad sa mukha, nakakahiya pinagtitinginan sila ng kanilang mga kasamaan, lunch break pa naman kaya maraming tao sa canteen ng kanilang ahensya. "Carys jinojoke lang kita, stop crying ok!" Pang- aalo ni Lucas sa dalaga pero parang walang naririnig ang dalaga patuloy pa din ito sa pag-iyak at pagyakap sa kanyang hita.

"Grabe naman si Sir Lucas pinapaiyak niya si Carys."

"Oo nga, ba't kaya niya pinagtritripan si Carys eh napakabait niyang tao. Tsk!"

Hindi malaman ni Lucas ang gagawin, pinagtsitsismisan na siya ng mga katrabaho niya. Tsk! di niya akalain na ang joke niya ay magiging ganito ang epekto, madaragdagan na naman ang marami niyang titulo sa loob ng ahensya. Ano na naman kaya ang ibabansag sa kanya?

"Tumayo ka na dyan Carys hindi naman totoong pinapaalis kita, how can we possibly drop an excellent agent. Di tanga ang agency upang pakawalan ang isa sa pinakamagaling nilang agent. Sorry I crossed the line dun sa joke ko, so please stop crying." Lucas spoke in a endearing way.

Hearing Lucas' apology made Carys' day. "Hehehehe....!! Mwuahahaha....!! Sir Lucas ok ba ang acting ko? Alam ko namang di ako papaalisin ni Tito Matt favorite kaya niya akong agent!" Proud na tinapik tapik pa ni Carys ang kanyang balikat di niya napansin ang pagdilim ng mukha ni Lucas.

Shiela and the rest of the staff inside the canteen sighed, good luck Carys.

---------------------------------------------------------------------------

Gulat at nagtatakang nakatingin si Matt Vega sa dalagang pumasok na naligo yata sa putik kasunod nito si Lucas at si Dan. "Anong nangyari sa iyo Carys? Uso na ba iyan ngayon ang maligo gamit ang putik?"

Nang makita ni Carys ang paboritong Tito agad siyang lumapit diyo at nagsumbong. "Si Sir Lucas pinagapang ako sa putikan ng fifty times." Naniningkit ang matang tumingin siya kay Lucas. Ang sakit ng braso at tuhod niya sa kagagapang, halos matakpan na nga ang buong katawan niya ng putik.

Napangisi si Lucas sa itsura ni Carys, para itong basang sisiw. "You deserve it, calling your superior names and making him look like a fool is against our agency's rule."

"Totoo ba iyon Carys?" Tumingin si Carys sa tito niya and with a sheepish look tumango siya bilang pagsang- ayon. Napabuntong hininga nalang si Matt at napapailing na lang si Dan sa kapilyahan ng pinakabata nilang agent.

Minasahe ni Matt ang kanyang sintido, what will he do with this child kailangan sigurong hanapan na niya ito ng lalaking magpapatino dito. "Nabalitaan nyo na siguro ang tungkol sa isang S class na mission, kayong tatlo ang napili kong gumawa nito. Aside from you're one of the best agents in this agency, kayo rin lang ang pinakamagaling pagdating sa reconnaissance at pagbabantay ng isang subject. Our mission is to protect a very high profile person, nakikipagtulungan siya sa gobyerno para matukoy kung sino ang mga drug lords dito sa ating bansa."

"Isa ba siya sa mga spy natin?" Napatingin si Carys at Lucas kay Dan, gusto din nilang malaman kung nanganganib ang isa nilang kasamahan.

"Hindi, matagal ng plano ng presidente na humingi ng tulong sa mga mayayamang negosyante dito sa bansa to infiltrate the biggest drug cartel in our country. Their mission is to gather enough evidence against suspected drug lords, mga ebidensyang magdidiin sa kanila na sila talaga ang ulo ng pinakamalaking sindikato dito sa atin. Everything was going smoothly until may nagleak sa pangalan ng mga informants sa black market, hindi pa alam ng military kung kaninong files ang naileak at kung sino ang salarin dahil nag-iwan ng virus ang kumuha ng mga impormasyon."

Nagkatinginan ang tatlo, napakakomplikado naman pala talaga ng kasong ito. "Sir ilang informants po ba ang nanganganib ang buhay?"

"Tatlo sila at lahat sa kanila ay prominenteng tao sa larangan ng business. Ang isa ay may- ari ng pinakamalaking maritime business sa buong Asia, ang isa naman ay may- ari ng malalaking banko dito sa Pilipinas at sa ibang bansa at ang isa pa ay arms dealer, siya ang supplier ng ating militar ganun na din ng U.S at Russia."

Napasipol si Dan, di niya akalain na bigatin pala ang isa sa proprotektahan nila. Napadilat naman ng mata si Carys samantalang tahimik lang si Lucas at malalim ang iniisip.

Tumingin si Lucas sa kanilang boss, "Sino sa tatlong ito ang babantayan namin?"

Binuksan ni Matt ang kanyang drawer at inilabas ang isang folder iniabot niya ito kay Lucas, "That's the profile of your subject. Alam niya na may ipapadala ang gobyerno na proprotekta sa kanya, ikaw ng bahala sa briefing bukas kapag nagkita na kayo."

"Sir bakit kailangan pang maghire ang gobyerno ng proprotekta sa kanila kung kaya namang gawin iyon ng military?" Nagtataka si Carys imposibleng walang qualified sa AFP na pwedeng promotekta sa tatlo.

"Sa tingin ko nag-iingat ang ating gobyerno lalo na at sa loob pa ng army nangyari ang paglileak ng mga impormasyon."

"Tama si Lucas, naninigurado lang ang presidente na hindi mabulilyaso ang mission na ito. Dan pagkatapos ng meeting natin dumiretso ka kaagad sa Fort Bonifacio tulungan mo ang mga I.T personnel nila na matukoy kung sino ang hacker and discreetly gather informations kung sino ang mga kalaban natin sa loob ng army. Carys sumama ka kay Lucas sa meeting niyo sa ating client and please be professional." Namumula ang mukhang napatango si Carys. "Good. Kapag nakalimutang uminom ng gamot ni Carys ipaalam mo sa akin agad Lucas."

Napangisi si Lucas. "Don't worry sir kapag tinopak nanaman si Carys pwede naman natin siyang ibalik sa training camp."

---------------------------------------------------------------------------

"Carys maligo ka at magpahinga maaga tayong luluwas papuntang Manila para imeet ang ating client." Napasimangot lang ang dalaga.

"Sino ba ang client natin?"

Binuksan ni Lucas ang folder at binasa ang laman nito. Napakunot ang noo niya ng mabasa ang pangalan na nakasulat doon, parang familiar sa kanya iyong pangalan, saan niya ba narinig iyon?

"Sino na nga ang client natin?"

"Maligo ka na nga at ayusin mo na din ang mga gamit mo para bukas." Lumakad ng palayo si Lucas ng maihatid nya ang dalaga sa apartment nito na nasa loob ng compound ng kanilang ahensya.

---------------------------------------------------------------------------

"Grabe talaga ang traffic dito sa Manila." Reklamo ni Carys, sino ba naman ang di maiinis kung dalawang oras ka ng stranded sa traffic.

"Malapit na tayo sa Makati bakit hindi ka muna umidlip para mawala ang pagkabagot mo."

Lalong nainis si Carys ng makitang cool na cool ang aura ni Lucas parang di man lang apektado sa init at traffic. "Mabuti pa nga, gisingin mo na lang ako kung andun na tayo."

Nagising na lang si Carys na nasa tapat na sila ng isang matayog na building, grabe nakalulula ang taas niyon. Pagkapark nila ng sadakyan bumaba agad sila at lumapit sa reception.

"Miss saang floor ang opisina ni Mr. Marco." Napatulala ang receptionist sa harap ni Lucas.

"Miss tulo ang laway mo." Napahagikgik si Carys ng pasimpleng pinunasan ng receptionist ang kanyang non existent laway.

Siniko siya ni Lucas, at sinenyasang tumahimik she just rolled her eyes. Grabe naman itong receptionist na ito wagas kung makatingin kay Lucas, parang any moment eh aatakihin niya at pagsasamamtalahan ang kanyang friendship. Sabagay di din niya masisi ang babae talaga naman kasing guwapo ang kanyang friend. Boy next door ang appeal samahan pa ng malalim na dimple sa magkabilang pisngi talagang mangingisay sa kilig ang mga kababaihan.

"Salamat miss." Nginitian ni Lucas ang babae na dahilan ng pagkapigtal ng kanyang panty. May nadagdag na naman sa mga babaeng nahumaling sa kaibigan niya.

"Para saan iyong buntong hininga mo?" Tanong ni Lucas pagkapasok nila sa elevator.

Tumingin siya kay Lucas at napailing. "Di ka na naman uminom ng gamot no?"

"Ewan ko sa iyo my fren. Napakahina mo talaga pagdating pag-ibig."

Tumaas ang kaliwang kilay ni Lucas. "Wow ha, ikaw na ang expert."

"Totoo naman kasi, napakadense mo. Todo effort na mga ung paglalandi sa iyo nung receptionist waley lang sa iyo."

Nagtatakang tumingin sa kanya si Lucas. "Huwag mong sabihing hindi mo nahalata, halos maghubad na nga ung receptionist sa harap mo kung magpakita ng cleavage."

"Hindi ba kadama iyon sa yrabaho nila, ang maging mabait sa clients nila?"

Natampal na lang ni Carys ang kanyang noo. "Wala ka ng pag-asa may fren." Bago pa makasagot si Lucas bumukas na ang pinto ng elevator. Nauna ng lumapit si Carys sa table ng secretary upang ipaalam na dumating na sila pero laking gulat niya ng makita niya kung sino ang makaupo.

"Ate."

Babalik na sana siya sa elevator ng mag-angat ng tingin ang ate niya. Time stood still at pareho silang naestatwa sa kinaroroonan nila.

"Ba't naestatwa ka dyan." Ang pagsulpot ni Lucas ang bumasag sa tensyon na namuo sa pagitan nilang magkapatid.

"Long time no see Carys, hindi mo ba yayakapin ang big sister mo?"