Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

The Diary of the Lost

🇵🇭InfraredCeres
--
chs / week
--
NOT RATINGS
4.5k
Views
Synopsis
Sahara lives alone in Outcast, Ireland. The foggy evening drove her into the dark alleys as she tries to go to the Northern districts for a new beginning. Along her way, a van stopped and drops a man, too close to death and drove away. Out of curiosity, Sahara checked on the body only to be mesmerized by the kindest face she'd ever seen. A lost soul... A lost boy... half dead and not... A black diary, and the story behind the Diary of the Lost. Will she be able to stand the consequences of being the reader? Let's find out in this roller coaster ride of the Rebel Montisenes.

Table of contents

VIEW MORE

Chapter 1 - Prologue

His eyes were shut when the uniformed men dropped him in the dark alleys. I was hiding behind the empty drums and I was scared. I was so scared and was never ever scared like that before. Pero, may kung ano sa kaniya na tila humihila sa akin papalapit. I dont know but I just found myself taking him in my cart as I headed home. Napakalaking bulas niya at hirap na hirap akong buhatin siya dahil maliit lang naman ako. Tulog na ang buong Outcast nang kami ay dumating. Tamang-tama dahil hindi ako sigurado kung makabubuti ba ang pagdadala ko ng isang taong halos patay na.

Sa dulo ng abandonadong compound, naroon ang aking tahanan. Tulad ng isakay ko siya sa aking kariton ay ganoon din kahirap ang pagbaba sa kaniya at pagpasok sa silid kung saan ako tumutuloy. Napagtagumpayan ko rin sa awa ng Diyos. Alas dos na ng madaling-araw subalit gising na gising pa rin ang aking diwa. Sa maliit na higaan kung saan ako madalas humiga ay siya ang naroon.

We are both untidy, ako mula sa maghapong paghahanap ng puweding ilaman sa sikmura samantalang siya, sa suot niyang maduming pajama at sleeveless shirt na pinatungan ng leather na jacket ay mabango pa rin. Napakatangos ng ilong niya. His face seemed to be carved by the best carvers of the past. Subalit, putok ang gilid ng kaniyang labi at may pasa din siya sa kaliwang mata. Marahil ay isa siyang gang member na nabiktima ng mga kalaban nito. Natakot na naman ako dahil posibleng madamay ako kung sakali, subalit noong tinanggal ko na ang jacket niya ay may nahulog sa sahig. Isang itim na libro na may nakaukit na limang letra.

AZTEC.

Marahil nakatadhana na nga na magtagpo ang aming landas. Pinulot ko ang libro at umupo sa gilid ng kama kung saan siya nakahiga. Makintab ang itim na kulay nito at ang gintong guhit sa mga letra ay natanglawan ng liwanag ng ilaw. I dont know if its just me or something but I can feel the weight that the book has. Its a lonely feeling and the man lying beside me—not knowing where he was, chilled and got me panicking, hurtling around the little dark room of Outcast at 2 am in the morning with the man who got lost in the middle of the City of Dublin.

Ipinatong kong muli ang libro sa kama at lumabas ng kwarto patungong bathroom at kinuha ang lumang palanggana. Nakapagtatakang hindi na siya nanginginig. Banayad na rin ang paghinga niya at nabawasan ang aking kaba. Tuluyan ko nang tinanggal ang jacket niya at isinunod na ang kaniyang pajama. Ilang beses din akong napalunok dahil hindi naman siya basta-bastang tao lang. Sa kinis pa lang ng balat, alam ko nang may sinasabi na siya sa buhay. And, his bulge is also not a joke. Malinis ang sleeveless niya kaya hindi ko na iyon inalis. Sa unang pagdampi pa lang ng basang bimpo sa kaniyang mukha ay umungol na siya. Dali-dali kong tinakpan ang kaniyang bibig dahil baka akalain ng mga kapitbahay na may ka-anuhan na akong lalaki dito sa kuwarto.

Kung ilang segundo o minuto akong nakatulala sa mukha niya matapos ko siyang linisan ay hindi ko na alam. Everything about him is perfect. Mula sa hugis ng kaniyang mukha, sa tangos ng ilong, sa labi niyang natural na mapula---ang lahat sa kaniya ay nakakabighani. At kahit pa nakapikit ang mga mata niya ay alam kong hindi ito pagkaraniwan. Napaluha ako sa hindi ko malamang dahilan. Sa wakas, may dumating nang para sa akin. Mula ngayon, akin na siya. I decided to take care of him and I have no plans in giving him away. Sa akin na siya. Muli kong kinuha ang itim na libro ni AZTEC. He could be one of those Mexicans who went missing weeks ago sa isang gubat sa North, but I dont care. I will take care of him.

Alam ko, na sa araw ding ito ay magbabago na ang takbo ng aking buhay. Sa unang pahina, sa unang pahina pa lang ay naramdaman ko na. Ramdam ko na ang sakit at hirap. But I took all the courage to continue.

June 4, 2008

The only person who loved me the most is gone. She is gone and shes never coming back.

Two days ago, she took me to a mansion in Forbes. We stopped in a huge white mansion in the middle of a wide solar. The place was very wonderful that it suits my moms beautiful face. She is so beautiful but when the doors opened, a man came out and shouted at us telling his men to drag us away. One of his men pushed my mom and she fell to the grounds. I was beyond horrified. No one has ever done that to my mom before. I dont know but the mans face softened and he moved closer to my mom and helped her stoop up. I heard another voice from the back and a beautiful lady in flesh silk came out. I heard her asked the man whats happening before my own mom spoke the biggest bomb Ive ever heard. Aztec is your son!!! He's your own flesh and blood! He is your son! Your blood run in his veins!

What would you want me to do? The woman who just came in went to my mom and helped her stand. She took us inside, fed us, pampered us but the man—who happened to be my father showed only disgust. We stayed in a huge room in the second floor. I thought everything will be fine but the next morning, my mom did not wake up. She was cold as ice. I had no one in the house. When I asked for help it was already too late. The beautiful lady came late. I saw her cried. She was my fathers wife and she cried but I didnt. I was not able to cry. I was not able to cry for myself even at the day she was buried. I lost her very suddenly and I dont know what to feel. I wanted to ask my father what happened to my mom but he already disappeared.

Nawala siya agad at alam ko, naiintindihan ko na wala naman talaga siyang pakialam sa akin, sa amin ng mama ko. Ang sakit na habang nakaharap ako sa hugis parihaba ng semento na may nakasulat na Criselda Vox Salmiente ay nararamdaman ko naman ang aking pag-iisa. Na kahit ilang metro sa likod ko ay nakatayo doon ang magandang babae kasama ang dalawa nitong anak ay pakiramdam ko parin ay nag-iisa ako at di na babalik si Criselda. Hindi na siya babalik at iniwan na niya ako. Iniwan niya ako sa amang ayaw naman sa akin.

Naramdaman ko ang yakap ng magandang babae sa likod ko pero hindi iyon si Criselda. Hindi iyon ang mama ko dahil wala na siya. Wala na siya. Na kahit hindi naman ako inaaway ng dalawang lalaking kapatid ko sa ama ay hindi ko parin mahanap ang sarili ko dahil hindi ko iyon mundo. Hinahanap ko ang maingay na paligid ng Subic. Gusto kong makita ang patay-sinding ilaw ng Casa Mayores kung saan kasama ko ang mga kaibigan ni Criselda. Hinahanap ko siya. Hinahanap ko ang amoy niyang sumasama sa hangin dahil baka sakaling maramdaman kong muli ang yakap niya.

Diary, masama ba akong bata? Bakit kailangang mawala ni Criselda? Ang sakit-sakit kasi. Di bale na sanang wala akong bisekleta, ayos lang yun bumalik lang siya. Kailangan ko si Criselda, Kailangan ko ang mama ko. Si Aztec lang naman ako, kailangan ko parin ang mama ko.

------AZTEC

Pagkakataon lang ba, o tadhana na marunong ako sa lenggwahe ng mga Pilipino? I fully understand what Aztec mean. Pasikat na ang araw but I was still there, sitting beside the sleeping Aztec. At kahit tulog siya ay ramdam ko parin ang bawat letrang nabasa ko. Sa isang batang Aztec na nasa libro---I just fell hard, very hard. I just found a lost Aztec.

Open the door!!! Open the god damn door!! I know youre inside, come out and pay your rent or else Ill kick your ass out and feed you to the police you TNT. Open the god damn door!!

Napahawak ako ng mahigpit sa nanlalamig na kamay ni Aztec. Ang galit na boses ni Rupert ay nagpanginig sa akin. Mag-aapat na araw na mula noong magpunta siya sa akin at naningil ng upa kuno sa aking tinutuluyan kahit pa pareho lang naman kaming squatter. Aalis naman na sana ako ng bahay na ito subalit nagyari si Aztec. Hindi natuloy ang paglayas ko dahil dumating siya sa akin. Siguro nga kailangan ko pang magsipag dahil kakailanganin namin ng matutuluyan.

D-don't worry Aztec, sa akin, hindi ka na mag-iisa. Gagawan ko ng paraan. Dito ka lang sa akin. Sa akin ka na ngayon.

On that same day, I gave Rupert some of my money. I needed a home for Aztec and I. Ilang linggo ko rin iyong pinaghirapan but I am beyond happy in giving it away dahil hindi na ako mag-iisa. Nandito na si Aztec. Meron nang ako at siya.

Kill me now... kill me 'coz if you dont, Ill find a way to kill you instead!

Nakapikit pa rin si Aztec, but his words shook me big time!!

What trouble have I got myself into?