Cyan roamed his eyes around the field. He let out his smile. Those chubby cheeks stretched with his action. He got amazed with the featured of his new school. Sky Academy is one of the most expensive school in the Philippines.
Napahigpit ang hawak niya sa bag. Balak nga sana niyang mag-aral nalang sa isang semi-private o kaya sa hindi ganitong kamahal na paaralan. But her mother refuses his proposal.
Her mother always make him feel a typical 'baby'. He was now 17 years old. And a fourth year highschool student.
Napatingala pa siya nang maisip na naman ang ginawa ng mommy niya sa kanya kaninang umaga. Binuksan niya ang kanyang bag. Napangiti siya nang makita ang three layer na tuna sandwich at isang C2. Alam talaga ng mommy niya kung ano ang kanyang mga paborito.
Kinuha niya ang sandwich at sinimulan itong kainin. Humanap siya nang mauupuan. Nakita ni Cyan ang isang waiting Shed. Malapit lang 'to sa gate. Excited niyang binuksan ang kanyang inumin. Kapag talaga nakikita siya ng mga pagkain ay laging kumakalam ang kanyang sikmura.
Hindi pa man siya nangangalahati ay nagulat siya nang marinig ang sigawan ng mga tao sa di-kalayuan.Nangunot ang noo niya. Hindi nalang sana niya 'to papansinin nang mas lumakas pa ang ugong ng hiyawan.
Naku-curious tuloy siya.
"Is it okay if I will just eat you later? You starve me but you can wait, right?" pakiusap niya sa sandwich niya. He smiled once again before he place again the sandwich in his bag. Napahangak pa siya nang tumayo siya. The weather was so hot. Hindi katulad sa Amerika na medyo malamig kahit na tag-araw.
Kinuha niya ang bimpo sa pocket ng uniform niya. Pinunasan niya ang namumuong pawis sa noo.
Nakita niya ang kumpulan ng mga estudyante pagdating niya sa pinangyarihan. Nakakunot ang noo niyang tiningnan ang nasa gitna. Dahil mataas siya ay kitang-kita niya ang nangyari.
Napalunok siya nang makita ang isang babae. Matangkad ito at makinis na maputi. Kitang-kita rin niya ang make-up nito. Binubuhusan nito ng juice at hamburger ang isang lalake mismo!
Napalinga-linga tuloy siya sa mga tao.
'Can't someone help the poor guy?' nasa isip niya. Pero parang nadismaya siya ng sa halip na awa ang makikita niya sa mukha ng mga tao, humahalakhak lang ang mga 'to. Natutuwa pa sa ginagawa ng babae sa gitna.
"Should I add some salt to complete the recipe? O baka naman gusto mong ako ang kokompleto ng araw mo?" rinig niyang saad ng babae. Napatingin tuloy siya rito. May nginunguya 'tong bubble gum habang iniikot ng daliri ang sariling buhok.
Alam niyang bullying na ang ginagawa ng babae. Pero kapag pumunta naman siya sa gitna at pigilan ito sa mga pinanggagawa nito ay siguradong agaw iyon ng atensyon. At 'yon ang ayaw niyang mangyari.
He wanted to help that poor guy over there. As he saw his expression, alam niyang hiyang-hiya 'to at takot.
'How can this girl do that to him? Diba bawal 'yon?' sa isip niya.
This is school. Not a bullying room or neither for bullies. This is a place where we acknowledge different new things. Naisip niya, sabi ng mommy niya, bawal ang mang-away ng kapwa tao. Masama 'yon at pwede kang makulong kapag sumobra ka na. And the girl over there was too much already.
Kinulbit niya ang isa sa mga estudyanteng katabi niya. Nanonood din 'to. Tumingin 'to sa kanya at nang makita siya ay awtomatikong tumaas ang kilay nito. The girl even examine his from head to toe. Pero hindi niya 'yon pinansin. Mas higit niyang inaalala ang guy na patuloy pa ring binubully ng babae.
"Pa-pabor naman, ate." saad niya. May accent ang Tagalog niya. Inaamin niyang hindi naman kasi siya rito lumaki. He was living in America for 12 years. Amerikano ang daddy niya at Filipina naman ang mommy niya. Pero kahit ganoon ay inaaral pa rin niya ang wikang Filipino. Sinanay kasi siya ng mommy niya na magsalita sa wikang 'yon.
Tumaas lang ang kilay nito at ibinalik ang paningin sa gitna. Narinig pa niya 'tong humiyaw hangga't parang nakalimutan na siya nito. Kumakalam ang sikmura niya dahil gutom na siya pero mas higit na nanaig sa isip niya na tulungan ang lalake na inaapi.
"Ms. Ramirez, sorry na po! Hindi ko po sinasadyang makibungguan ka. Nagmamadali lang po ako dahil naaksidente po 'yong kapatid ko..." may nginig na saad pa nito.
'Kawawa naman iyong lalake.' sa isip niya at awang tumingin dito. Nabaling ang paningin niya sa isang building.
'Admins and Staff Office'
***
"Are you sure of that, hijo?"
Lumunok siya at tumango. Nasa office siya ng Admin. Wala siyang mapilian kundi ang magsumbong sa matataas. Siguradong makakatulong siya sa lalake.
"Madam, I saw it with my two eyes. They were bullying the guy. She even spilled some foods and juice on his shirt. Nakakaawa po 'yong lalake, Ma'am." saad niya. Lumapit pa ang mukha niya rito at sinasabi ritong totoo ang sinabi niya.
Napatunghay ang admin at mariin na hinilot ang ulo. Sandali pa 'tong napapikit at tumingin sa kanya.
Nasa may mid 50's pa ang ginang at hindi mahahalataan ang pagkamatanda rito. Maputi 'to at may awra.
She smile at him tightly.
"Thank you for repoting, hijo. We will have an action about this one." She said. Nakita niya itong napataas ang dalawang kilay at madramang napapikit. "Sumosubra na talaga ang batang 'yon."
Tumingin ito sa kanya pagkatapos.
"Are you new to this school?"
He tightly nooded his head at nahiyang ngumiti rito. She didn't smiled back though.
Tumango ito at pinagsiklop ang mga kamay. She then pleasantly gestured her hands on the door.
"Thanks for reporting again. I appreciate it."
Napangiti siya sa tuwa. He is happy that he can help someone who is in need of it. Sana lang ay mahuli 'yong babaeng nang-bully sa lalake.
"Thank you, Madam." Pagkatapos ay lumabas siya. His cheeks were smiling wide. This was what his mother told him. And he thinks, he just accomplished it.
Naglalakad siya sa hallway nang mag-ring ang bell. Nagpalinga-linga siya. Magsisimula na pala ang klase.
Dahil mag-isa lang siya, wala pa kasi siyang kakilala rito. Hinanap niya ang room niya and fortunately ay kaagad niya naman itong nakita.
"Calling for the attention of Victoria Ramirez, please proceed to the admin's office right now!"
Napanganga siya nang tumunog 'yon bigla.
'Cool.'
Isip niya pero dali siyang pumasok nang makita ang isang guro papalapit sa room nila.
Hindi pa pala niya nakain ang sandwich niya.
'Mamaya nalang' kausap niya sa tiyan niya.