Chereads / My Fallen Fairy Tales / Chapter 5 - Chapter 2

Chapter 5 - Chapter 2

Peter Pan Hates the Fairy

Nobyembre nang lumipat sila sa village namin. Simula noon ay napapansin ko na siya sa corridors ng school. Napapansin ko na rin ang presensya niya sa cafeteria kasama ang iilang kaibigang lalaki na madalas tumawa habang nagsisipat ng mga high school na babae.

Tahimik siya at paminsan-minsan ay nahuhuli akong nakatingin. I was just frustrated because he never talked to me. Hindi rin siya pala-labas ng bahay at kahit noong magjogging ako ng paulit-ulit sa compound namin, hindi ko matiyempuhan na nasa terrace si Tita Shui para imbitahan ulit ako papasok.

It's been three weeks since they moved in. Noong hindi gumana ang masipag kong pagjojogging ay nahilig naman ako sa pag-upo sa sofa na malapit sa bintana namin.

"Siri, bakit ba lagi kang nakatanghod diyan sa bintana?!" Mommy shouted from the kitchen as she pulled the cupcakes from the oven. Tinawanan niya pa ako lalo nang hindi ako matinag sa panonood sa labas. "Anak, ipapakasal na ba kita sa bonsai natin sa labas? Aba, tuwing uuwi ka na lang, 'yan ang tinitingnan mo eh!"

Sumimangot ako bago siya balingan. Bakit ba kasi hindi iyon dumadaan dito sa side namin? Sa kabilang pavement siguro lagi ang ikot noon.

Mommy finds me weirder day by day. And I think I look so desperate for someone who wants a friend. Minsan, sinasaway ko ang sarili. Minsan, naiinip na naman ako at balik na naman sa pagtanghod sa bintana.

December 18, when the school finally released us for the very much awaited Christmas break. Hapon noon nang pagdalhin ako ni Mommy ng baked cookies niya sa kabilang bahay. Pakiramdam ko ay nakakita ako ng liwanag. Naunang ngumiti ang langit sa akin kaysa kay MikMik dahil sa kakaibang pagkakataong ito!

"Inilagay ko dito sa tupperware na pinaglagyan ng pinadala niyang ulam noong isang araw. Say thank you for me and sabihin mo ang sarap ng kare-kare niya." Tumango ako nang tumango kay mommy. Ang totoo, hindi na naiintindihan ang sinasabi niya dahil sa pananabik sa ibang bagay.

"Naiintindihan mo ba talaga?" Alanganin ang tingin sa akin ni mommy. Kung tingnan niya ako ay para akong kanin na hindi niya matantya ang tubig.

Halos liparin ko ang kabilang lawn papunta sa bahay nila Tita Shui. Hinawi ko ang buhok ko papunta sa likod ng tainga bago tumikhim.

I just want a glance, I guess.

"Tao po," I said then knocked.

"Uh.. tao po!" Wala man lang sumasagot.

"Tao po! Tita-"

Nakalimutan ko ang sasabihin nang bumukas ang pintuan at salubungin ako ng matangkad, maputi, gwapo at nakapambahay na nilalang na may intense na mata.

Heavens must have liked me these past few days. I said I'm fine with glance but it's giving me now an opportunity to stare!

"Uh.."

Tinaasan niya ako ng kilay. Napalunok ako.

Ba't ang sungit nito? Wala pa nga akong ginagawa, parang nakikipag-away na ang kilay niya sa akin.

Bawal magspace out? Walang puwang ang pagshunga shunga ng kaunti?

"What is it?" His diction was clear and his English was sharp. Halatang iyon ang madalas nilang medium sa bahay.

Hindi ako nakasalita. Wala sa sarili kong itinaas ang tupperware nila. "Ipinapasauli po ni Mommy. T-thank you daw."

Bumaba ang tingin niya doon.

Unti-unti niyang inilabas ang kamay na nasa loob ng bulsa ng itim niyang cotton shorts habang ang kaliwang kamay ay nanatiling nakahawak sa door knob nila.

Napalunok ako nang abutin niya ang tupperware. Hindi man lang dumikit kahit kuko niya sa akin but I noticed how his fingers are very long and slender. Halatang batak siya sa piano sa haba ng mga iyon. Malinis ang kuko at makinis ang kamay.

"Thank you," he said and closed the door right in front of my face.

Tsk! Suplado!

Holidays passed and school days began again. I realized the school year will end soon na ganoon lang ang naging interaction namin. We're probably not cut out to be friends. I would appreciate sana if I would have a companion in this neighborhood.

Pero kung gano'n siya kailap, anong magagawa ko di'ba?

"Siri, nakahanda na banners namin!" Campie showed a huge cartolina paper glued together. Nakasulat roon ang nilettering na "Go Siri". "Lampasuhin mo si Jill ah! Nayayabangan talaga ako sa Grade Six na 'yun. Hindi naman sobrang ganda."

Umirap siya at nagtawanan ang iba ko pang mga kaklase. I was the candidate of the fifth graders for the pageant annually held in search for Mr. and Ms. Federines.

Bukas na 'yun kaya abala na lahat ng section sa paggawa ng materials to support their representatives. Kapartner ko si Kin na varsity ng Tennis at tagakabilang section.

Ang alam ko nga.. kasection niya si Kin.

Naglalakad ako sa cafeteria mag-isa dahil busy nga lahat ng kaklase ko sa paggawa ng banner at ng hahawakan kong props na dapat ay gawa sa recyclable materials.

"Siri," I was a bit surprised when I heard Kin call my name. Nakaupo siya sa isang table kasama ang iilang kaibigang lalaki. "I've been looking for you. Pupuntahan sana kita sa room mo."

Dumapo ang tingin ko sa isa sa mga kaibigan niya sa lamesa. Nakakrus ang braso nito habang tahimik na nakaupo sa grupo ng maiingay na kaibigan.

His pitch black eyes slowly rose when Kin totally stood up and approached me. Nanginig ang tuhod ko nang magsalubong kami ng tingin.

"H-huh?" Wala sa sarili kong baling kay Kin.

"Pinapasabi ni Mommy na isasabay na raw niya ang pagbili ng costume mo sa European theme para daw complementary tayo. Tell Tita not to bother buying anymore." Sabi nito nang makalapit.

Pinilit kong hindi pansinin ang nakamasid na mata. Muntik ko nang malimutang dapat pala akong matuwa para sa balita ng kausap. Iyon na lang kasi ang wala akong isusuot sa lahat ng portion. It would save Mommy the effort of looking through boutiques. "Talaga? Then I'll ask Mommy to pay Tita tomorrow sa venue."

He shook his head and flashed a boyish smile. "No need. It's fine." He laughed humbly.

Pagkatapos ay tumalikod na para balikan ang mga kaibigang lalaki.

One more time. I swore to myself. I'd give his friend just one more glance.

Lakas-loob kong tiningnan ulit ang kaibigan ni Kin. Abot-abot nga lang ang tahip ng puso ko nang makitang seryoso itong nakatingin sa akin. Pagkatapos ay binalingan ang papaupong kaibigan.

Hindi ko alam kung ako lang ba o ano. Pero may kung ano sa pagkakaiwas niya ng tingin ang nagsasabi sa aking nagsusuplado ito.

Napanguso ako bago tumalikod para bumili na ng mineral water at paboritong blueberry cheesacake. Hindi na nga lang ako naglakas-loob magdine in dahil pakiramdam ko ay namamatay ako sa tensyon doon.

I just... wanted to befriend him. Why do I have to feel so tensed?

The day ended with his dark eyes etched on my mind. Iyon din ang baon kong isipin kahit nasa entablado na ako. Ayokong hanapin siya sa dagat ng mga tao dahil baka hindi ako makalakad ng maayos.

I breathed a deep one and practiced my smile on the mirror.

"You ready?" Kin was dashing in his school uniform. He looked like a properly groomed school boy. At kahit matangkad na ako para sa isang grade five at para sa isang babae, hanggang tainga niya lang ako. He's still taller than me despite my praised long legs.

I nodded at his question. Pumila na kami sa backstage. The loud music playing on the stage only added to my nervousness. But at the same time, I am excited to walk and show them what I've got.

The music turned lively. Iyon na ang signal para lumakad ang unang candidate. Ako ang pinakabata roon. Grade five to ten lang ang may entries dahil walang senior high school ang academy. The lower grades aren't allowed to join assuming they would be on a disadvantage.

Kin and I are both tall. Even taller than the Grade Seven representatives that's why we still have a good spirit despite being the youngest.

Lumakad na ang fourth contestants. I was on watch as I see the pair made a backward turn.

That was our cue to enter. Malakas na sigawan ang binigay ng crowd nang lumabas kami. I proudly graced the stage with my signature backpack. I have no make up and my hair was in a natural ponytail. Hindi katulad noong iba na nakacurl pa o di kaya'y nakalugay nga pero hataw naman sa plantsa ang pagkakatuwid.

I think mas natural dalhin ang ganitong look para sa school uniform category. Our tandem brought an impression that we're the obedient and smart type of students.

"Whooo! Go Siri! Go Kin!" Campie and my other classmates shouted at the top of their lungs.

"Ang ganda mo Siri Mumsh! Bagay kayooo!" Si Campie talaga itong hyper magcheer.

"Go Kin!" Mas malakas na sigaw iyon sa kabilang side. Hindi man sinasadya ay napatingin ako sa kanila. The first thing I noticed is the tall figure looking so bored while holding a blue balloon. He won't even watch. Inaabala lang nito ang sarili sa pagcecellphone.

I have to remind myself that I must smile. Pinaalalahanan ko rin ang sarili kong huwag na ulit titingin sa side na yun!

The European portion happened. Nanlalaban din ang suot ng ibang candidates pero in character kaming dalawa ng partner ko as we walked on stage as if the Eiffel Tower was just behind.

The Sports Attire I wore was for Tennis. Kin was looking like a hot lad on his uniform that one could quickly imagine him playing cockily on a sure game. My skirt, though, was a little short on my long legs. Mayroon naman akong cycling sa loob kaya hindi issue iyon.

Pero nakarinig pa rin ako ng sipol mula sa crowd at malakas na cheer ng mga high school na lalaki.

I disregarded that. They are audience and their reactions would sometimes sway the opinions of the judge. So it would be good if they think we're nailing the outfits.

Nakakainis lang dahil ang matigas kong ulo ay hinanap na naman siya sa dagat ng mga tao. Nagulat ako at halos mawala sa inaalagaang poise nang makitang nakababa na ang cellphone nito. He was looking darkly at me.

Ano na naman ang hindi niya gusto? Kunot na kunot ang noo na akala mo'y may atraso sa kaniya ang palda ko. Nagulat ako nang tumalikod ito at umalis na doon.

Ano? Hindi na siya manonood?

I was out of the mood for a while. Dalawang beses akong pinaalalahanan ni Kin na ngumiti nang nasa backstage na kami. Thankfully, I managed to revive my mood up to the q and a portion.

I won the crown. We both won the crown, I mean. It wasn't exactly easy peasy but if they were to disregard the fact  that we are young, I'll say that we really deserve it.

Bumaba na ako ng stage. I was feeling too happy and overwhelmed of winning the title. Nakalimutan ko na ang nga taong hindi marunong sumuporta. O kahit manood man lang kundi lalayas sa gitna ng performance ng iba.

Nakalimutan ko na 'yon sa sobrang saya ko sa pagkapanalo.

Sinasalubong ako ng mga kaklase ko at ng parents ko. It was funny how their voices became hoarse. Isang bagay na patunay ng umaapaw nilang suporta kanina.

"Congratulations, baby!" Mommy hugged me and kissed my cheek.

Dad wrapped his arms around my shoulder too and whispered me his congratulations. Ganoon naman lagi si Daddy. Tahimik lang at banayad kumilos. I wonder how Mommy pushed him to make a move. Or.. baka si Mommy ang nag-first move sa kanilang dalawa?

"Siri!" Campie jumped at me, breaking my thoughts. Halos damba-dambahan niya ako kasama ng iba naming kaklase.

Everyone was happy and my smile stayed on my face. But after long greetings and picture-taking, I felt the need to pee.

I excused myself from the crowd. Tinunton ko ang distansya patungong pinakamalapit na building. Sa dulo ng hallway doon ay ang comfort room.

I did my things and fixed myself in the mirror after.

Nakangiti pa rin ako nang lumabas. Nagulat ako nang may nakasalubong akong grupo ng mga lalaki. Their uniforms revealed that they are high schoolers.

"Oh! Aren't you Kin's partner?"

The boy was taller than Kin. May pagkakahawig sila sa mata at parehong wavy ang buhok na may pagkabrown. Nakikita ko sa kaniya si Kin, nga lamang ay mukha siyang bad boy.

Sumipol ang katabi niya at ngumiti sa akin. Tinabig naman ito ng isa pang lalaki sa dibdib, sinasaway.

He threw a friendly smile at me, "You're hot."

Nagulat ako at napaatras sa sinabi niya. Siguro, he didn't mean to offend. Siguro, that compliment was normal to his age. Siguro, he got used to commenting like that. Pero nakakabigla iyon para sa akin.

"Kung hindi ka lang bata, I'd make you my girl." Ngumiti ito. Hindi naman masama ang dating noon. Kaya lamang ay naiilang talaga ako.

Humakbang pa ulit ako paatras. My heartbeat doubled when I bumped to someone behind me. Afraid it was another high school boy, I turned my head in complete horror.

Dumating sa dibdib ko ang kaba. It dried my throat to the point of rendering me speechless.

No, it wasn't what I was expecting. Pero tingin ko ay mabuti pang kung sinong high school na lang iyon. Baka sakaling hindi ganito kabilis ang tibok ng puso ko.

Dinungaw ako ni Zero sa malamig na mata. His height was very intimidating despite my heels. Amoy ko rin sa polo niya ang kakaibang pabango.

Akala ko ba umuwi na ito? Ano 'yon? Nag-ikot pa siya sa campus kung kailan may pageant?

Inilipat niya ang tingin sa kausap kong lalaki.

"What?" Asik ng nakakatanda kay Zero.

He sounded a little offended with Zero's height. Magkasingtangkad lang sila kahit Grade Five si Zero.

"Your words.." umaahon ang dibdib ko sa malamig niyang boses. Pakiramdam ko ay sobrang saya ko ngayong naaambunan ng kaunting atensyon niya. I must have really wanted to make him a friend.

Tiningala ko ito at tinanaw. Now that I look at it closely, I think he was very irritated. May kung ano doon ang nagsasabing hindi ito ang usual niyang pagsusuplado. He was pissed.

"You're old enough to filter your words." He said, irritation seeping out of his tone.

Matalim nitong tinitigan ang mga high schooler bago ako hinigit sa palapulsuhan ko.

Padarag niya akong hinila palabas ng building at halos patapon akong binitawan nang kaming dalawa na lang. "Nag-iisip ka ba?!"

Lumundag ang puso ko sa biglang sigaw niya. Halos maluha ako dahil pakiramdam ko'y ang bobo ko naman kung sigawan niya.

"Bakit ka nagagalit?!" I equalled his voice. Hindi ako sanay na sinisigawan.

Mommy taught me to make sure I would always fight back. Kahit Math Quiz Bee, kahit ballet o kahit simpleng sigawan lang.

Huwag daw akong papayag na nagmumukhang-tanga.

"Nakikita mo nang pinalilibutan ka! You should have ran away!"

Somehow, between all of this, I find it weird for two distant people to argue.

"They complimented me and it was rude to just leave-"

"Complimented? They said you're hot and you're happy with that?" His eyes travelled from my hair to toe, as if that concept disgusts him. "Ang bata mo pa para matuwa sa gano'n."

Nangilid ang luha ko. Why his words made me feel so little is beyond me. I felt my eyes stinging.

Nang tingnan niya ako ay nagulat siya. He seemed taken aback. Yes, you idiot! You've gone so far! We only talked twice and here you are judging me! Stupid! Stupid ka!

"And dami mong sinabi!" I yelled, tears falling unpermitted. "Pero yung mga dapat sinasabi mo, wala!"

Pinalis ko ang luha ko. Sobrang gigil ko ay halos burahin ko ang lahat ng bahagi ng pisngi na dinaanan ng luha.

"Congratulations. Are you okay?" I glared at him hatefully. "Di mo alam 'yon? That's what you should normally say sa mga taong di mo kaclose pero nanalo! Basic character!" I spat.

Sa likot ko ay nahulog ang crown pero hindi ko na iyon pinansin. I was so desperate to get away from him. I turned my back and ran away pero lumingon pa ulit bago tuluyang tumakbo,

"Siguro bagsak ka lagi sa GMRC! You antisocial brat!"

I vanished in a lightning speed.

Sobrang sama ng loob ko. Nang makauwi na lang ako't mahimasmasan, saka ko naisip na.. sayang yung crown.

Petty fights, yes, I could remember. I could also vividly remember how that time, I believed that Peter Pan hates fairies. With the way he was so aloof to me and the way he was so irritated, there is no doubt, he's allergic to fairies.

Or maybe.. there's just this particular fairy he hates so much. That green, annoying fairy named Tinker Bell.