KANINA pa ako naglalakad nang pabalik-balik habang nginangatngat ang kuko ko. Hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko ngayon sa buhay ko. Hindi naman bago sa akin iyong makakita ng duguang tao sa harapan ko mismo. Marami na akong nakita na sobra pa roon noong nag-aaral pa ako kaysa sa nasaksihan ko kanina, pero ibang sitwasyon iyon.
"Shit! Shit! Shit!" Mariin akong napapikit habang patuloy pa rin sa ginagawa ko.
"Hope, umupo ka nga muna. Nahihilo na ako sa ginagawa mo, eh." Nilapitan ako ni April saka inabutan ng tubig. Agad ko namang tinanggap iyon at mabilis na ininom.
"Fuck! Fuck! Fuck!" Napatampal na lamang ako sa aking noo nang makaupo na ako sa sofa niyang parang lalamunin ka na kapag umupo na.
Sinandal ko ang aking likuran saka pinilit na kinalma ang aking sarili. Ilang beses din akong napabuga ng hangin hanggang sa naramdaman kong unti-unti ng gumagaan ang pakiramdam ko.
Si April naman ay pabagsak namang umupo sa tabi ko kaya umalon pa iyong sofa.
"Shit! Paano kung makulong ka? Malaking kaso ang haharapin mo, Phoebe! Nakapatay ka pa ng mga tao!" natataranta namang sabi ni April.
Kung kanina ay ako iyong hindi mapakali at siya naman ay kalmado lang, ngayon naman ay bigla kaming nagkapalit ng sitwasyon. Napairap na lamang ako.
"Hindi ko sila pinatay, April. I'm sure of that. Kahit na deserve naman nilang mamatay."
"Paano ka nakakasigurado, ha?"
"Medical student ako, alam ko kung anong ginagawa ko."
Binigyan niya lamang ako ng naguguluhang tingin. Napailing na lamang ako.
"Paano ka nga nakakasigurado?" ulit pa niya.
"Kapag tinarget ko sila sa ulo, siguradong patay na sila. Kapag sa dibdib, sa puso mismo, pwede silang mamatay at pwede ring maka-survive pa. Pwede pang maayos ang puso, but the brain, there's no chance you'll survive." Napabuntong hininga ako. "Although wala akong tinamaan na major organs, loss of blood can cause death, of course!" Napahilamos ako gamit ang aking palad.
"Oh, gosh! Hindi ka talaga nag-iingat! Ilang beses na kitang sinabihan kahit noon pa man na huwag ng sasama kay Tito Paulo sa firing range na iyan! Ano, nakatulong ba iyon ngayon sa iyo? Hindi!" Bigla siyang tumayo saka pumunta sa harapan ko. "Alalahanin mo, Phoebe Hope, stethoscope ang kailangan mong hawakan at misyon mo na tulungan ang mga magiging pasyente mo. Hindi ka hahawak ng baril para pumatay!" hihingal-hingal niyang sabi.
"I did that to protect myself, Pril. Si Lukas, wala na! Pinatay siya sa harap ko mismo. Kung hindi pa ako kumilos, susunod din ako sa kaniya. I don't want to die like that! Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko ngayon. How can I explain this to his family?"
Napasabunot na lamang ako sa aking buhok. Wala talaga akong ideya kung anong gagawin ko. Sobra talaga akong nafu-frustate sa mga nangyari.
Mabuti na lang at pumasok sa isipan ko kanina habang paikot-ikot lamang ako sa lugar na ito na nandito pala ngayon si April sa Baguio. Naalala ko kasing nabanggit niya sa akin noong isang araw na uuwi siya rito para magpahinga.
Syempre, hindi naman ako bobo para dalhin hanggang dito ang sasakyan ng gagong Alexander na iyon. Iniwan ko lang iyon sa kung saan. And that makes me half bobo.
Nakilala ko lang din naman si April noong pumunta kami sa firing range ng ama ni Lucas. Ayaw na ayaw niya talaga kasi noon na humawak din ako ng baril. Para siyang nanay na putak nang putak sa mga anak niya tungkol sa payong at sa nawawalang tupperware.
"Walang alam ang parents niya sa mga ginagawa niyang iyon, Hope. Ako lang talaga ang nakakaalam," mahina niyang sabi saka matamlay na umupo sa tabi ko.
Sabay pa kaming napabuntong hininga. Kung hindi lang sana ganito kaseryoso ang sitwasyon, tumatawa na siguro kami nang malakas.
Pinsan ni April si Lucas sa ama. Wala talaga silang alam sa ginagawa ng kanilang anak. Kahit na may pagka-rebellious iyong si Lucas noon, may natitira pa namang kabaitan sa kaniya. Talagang gusto niya lang magkaroon ng pera dahil gipit na gipit siya nitong nakaraang mga buwan. Idagdag pa na pinalayas siya sa kanila at ilang buwan na ring palipat-lipat ng matutuluyan.
Si Tito Paulo, ang ama ni Lucas, siya iyong nagturo sa akin na humawak ng baril. Pinag-tripan ko lang talaga na sumubok noon nang sinama ako ni Lucas sa firing range ng ama niya. Hindi ko naman inasahan na mapapadalas na ako roon.
Noong hindi na maayos ang relasyon ni Lucas sa kaniyang pamilya, ako na lang iyong mag-isa na pumupunta roon. Ginawa ko ba namang libangan. Muntik ko na nga talagang ipagpalit ang stethoscope sa baril. Napailing na lamang ako sa naisip kong iyon.
NAKAHIGA lamang ako sa kama at kanina ko pa tinititigan ang kisame. Ilang beses na rin akong nagpagulong-gulong dito para lang mahanap iyong kinakapa ng katawan ko rito sa kama.
Hindi na nga malambot iyong kama, hindi pa komportable humiga. Malalim akong huminga saka nagpakawala ng buntong hininga. Nakitulog na nga lang ako rito, ako pa talaga iyong may ganang mag-reklamo.
Hindi na talaga mawala sa isipan ko iyong nangyari kanina. Pakiramdam ko ay isang bangungot talaga itong mga pangyayari.
Kung nag-e-exist lang talaga sana ang time machine, pero wala, eh.
Gustong-gusto ko talagang bumalik at itama ang mga pagkakamali ko, pero wala namang ganoon. Lahat ng galaw o desisyon natin sa buhay, may naghihintay na kapalit.
"It's either good or bad," mahina kong sabi.
Napabuntong hininga ako. Madilim pa rin. Wala talagang makapa na liwanag ang paningin ko. Nang tiningnan ko ang oras sa cell phone ko, napairap na lamang ako nang malaman na alas onse pa lang.
Napadapa ako saka nagtalukbong ng kumot. Pinilit kong matulog pero wala pa ring pagbabago. Akmang babangon na sana ako upang mag-banyo nang biglang tumunog ang cell phone ko. Dali-dali ko namang sinagot iyon nang makita kong pangalan ni Josephine ang lumabas sa screen niyon.
"Pinang, napatawag ka? Inaantok na ako," inaantok kong sabi sa kaniya kahit na ang totoo ay hindi naman.
Anak sa labas ni Papang si Josephine o Pinang. Pinsan ni Mamang si Tita Josefa. Seventeen ako noon nang pinanganak siya. Dapat nga magagalit talaga ako sa kanila ng kaniyang nanay, pero naisip ko na wala naman silang ginagawang masama sa akin, eh. Sa akin ba naman kasi ibuhos ni Mamang ang lahat ng sama ng loob para kay Papang at sa pinsan niya.
"Hopia, miss na kita," sabi naman niya sa kabilang linya. "Kumusta naman ang birthday? Malamig ba talaga riyan?" sunod-sunod niyang tanong.
"Hoy, Pinang! Kilala kita, ha. Hindi ka normal kapag ganiyan ka." Bigla akong napaupo. "May kasalanan ka sigurong nagawa, ano? Sabihin mo sa akin, Josephine. Pipigain ko iyang utak mo kapag hindi mo sinabi," nanggagalaiti kong sabi.
"Ate, huwag ka namang magalit."
Lalo lamang kumunot ang noo ko dahil doon. May naaamoy na talaga akong katarantaduhang ginawa ang batang iyon.
"May nagawa ka ngang kasalanan! Hindi mo ako tinatawag na ate, minsan lang. At iyon ay kung may kasalanan kang bata ka!"
"Ate! Please, ayokong magalit si Mama kapag nalaman niya ito." Narinig ko ang pagbuntong hininga niya mula sa kabila. "Pinapatawag ako sa guidance. Bukas na bukas, Ate."
Nanlaki ang mga mata ko saka napababa na ako ng kama.
"Anong kabalastugan ang ginawa mo, ha?! At alam mo ba kung anong oras na? Nasa bahay ka naman ngayon, 'di ba? Explain mo nga sa akin iyang kagagahan mo." Napahilot na lamang ako sa aking sintido.
MAAGA akong nagising para makauwi na agad ako sa amin. Actually, hindi talaga ako natulog. Hinintay ko na lang talaga na sumikat na iyong araw saka ako nag-ayos na para umalis.
Bukas pa ako makakauwi. Ang mahal kasi ng pamasahe at iyong mode of transportation pa rito papunta sa amin, ilang sakay pa ng bus saka ferry. Halos isang araw pa bago ako makakauwi.
"Baka magutom ka sa biyahe." Inabot naman sa akin ni April ang bag na may lamang mga pagkain. Mainit pa iyon at talagang nangangamoy pa talaga sa sarap.
"Salamat talaga, Pril. Bisitahin na lang kita ulit dito kapag doktor na ako," biro ko pa. "Ako na rin ang bahalang humarap sa mga magulang ni Lukas." Pinilit ko pang ngumiti kahit na hindi na talaga kaya ng mga labi ko.
Iniisip ko rin kagabi kung paano na iyong katawan niya. Soon, baka multuhin na niya ako.
Napansin ko namang naluluha siya kaya mabilis ko siyang nilapitan saka niyakap.
"I'm sorry," bulong ko sa kaniya.
"Wala kang kasalanan, Hope." Ngumiti siya saka nag-iwas ng tingin sa akin. "Dalhin mo na rin pala ito." Inabot naman niya sa akin ang isang strawberry jam. Napabuga ako ng hangin nang mapansing hindi iyon gawa nina Hassan. At least, safe.
MEDYO nakatulog ako sa bus. Pagkamulat ko ay may katabi na pala akong babae. Kasama niya ang kaniyang anak. Sa tingin ko ay halos dalawang taong gulang pa lang iyong bata.
Nakipagtitigan sa akin iyong bata. Minsan ay napapangiti rin ako kapag ngumingiti siya.
"Baby, gusto mo ba ng milk?" tanong naman ng nanay nito.
Napapangiti na lamang ako habang tinitingnan sila. Iyong bata naman ay tumatawa. Ang sarap talaga pakinggan ang tawa ng mga bata. Parang nakakagaan sa pakiramdam.
"Ayaw ng baby milk? Sleep na lang? Sleep muna," malambing na sabi nito saka hinalikan sa magkabilang pisngi ang bata.
"Talking like that might slow down his development, the child's language development," nakangiti kong sabi saka nilipat ang paningin sa nanay ng bata.
"Seryoso ba?" tanong niya saka mahinang natawa. Tumango na lamang ako.
"Ang cute niya." Hindi ko na naman namalayan ang sarili ko na nakangiti habang nakatingin sa bata.
"Thank you. Mana lang sa Mommy." Humagikgik siya.
"By the way, ilang taon ka na ba?" tanong ko bigla. Napansin ko lang kasi na mukhang ang bata pa niya. Hindi naman iyong tipo na wala pa siya sa legal age. Iyong mas bata lang siya ng ilang taon kaysa sa akin.
"Twenty-five po," sagot naman niya.
Napabuntong hininga na lamang ako saka tumingin sa labas ng bintana.
Eleven years old na pala siya ngayon. Ang laki na pala niya.