Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

50 days

coli_ine
--
chs / week
--
NOT RATINGS
5.8k
Views
VIEW MORE

Chapter 1 - Prologue

Prologue

If there's an oppurtunity for you to come back on your past to correct all of your mistakes,will you do it or not?Take it or leave it?

Victor Tien E. Cruz

Colinaire R.Lee

Francesco C. Chong

Binuksan ko ang aking mga mata ngunit nagulat ako na ako'y nasa lugar na hindi familiar sa akin.Puro puti ang paligid at sobrang linis ng lugar. Nang nakarinig ako ng tunog ay agad kong hinanap kung saan iyon galing.

"Hija bibigyan kita ng isang misyon upang makalabas ka sa kadiliman."

sambit ng isang diwata na biglang nagpakita sa aking harapan.

"Ho?Kadiliman? Puro puti naman po ang nakikita ko dito ah."

tanong ko rito ngunit ngumiti lamang ito sa akin.

"Hija hindi ka na makakabalik sa mundo mo dahil may kasalanan kang nagawa na ikinagalit ng mga tao at isa lang ang solusyon upang makalabas ka at iyon ay bumalik ka sa nakaraan at itama mo ang iyong mga pagkakamali."

wika nito sa akin sa isang seryosong boses.

Hindi ako makapaniwala sa sinabi ng matandang diwata. Marami akong mga tanong ako na gusto ko masagot.

"Pwede po ba ako bumalik sa aking nakaraan upang itama ang aking mga mali? Impossible naman po ata sinasabi niyo eh!"

sambit ko ngunit tinawanan lamang niya ako.

"Walang impossible at walang masama kung susubukan mo hija. Wala namang mawawala sa iyo."

pagkumbinsi nito sa akin at nagulat nalang ako na ako'y parang lumilipad at wala na akong makita.

Ipagpapatuloy...