Chereads / The Last Order / Chapter 2 - Chapter 1: Her Name

Chapter 2 - Chapter 1: Her Name

Gilbert's POV

Nagattack sign ako kay Rosalie at agad itong umatake sa kalaban. Mabilis at maingat itong umatake sa mga kalaban.

Napakabilis ng kilos niya. Nagaabang lang kami sa likoran at naghihintay na madown niya ang mga gwardya saka kami aatake.

Maingat niya itong pinatay ang isang gwardya, niyakap niya ito habang nakatutok sa leeg ang kutsilyo at pinatay niya ito ng walang ingay.

This girl is very mysterious. Paano niya natutunan ang mga ito?

Tumakbo nanaman siya dalawang gwardya at sinipa niya ang isa at isa naman hinagisan niya ng kutsilyo sa leeg.

"Enemy! Enemy!" Sigaw ng lalakeng sinipa niya at agad niyang kinuha ang kutsilyo parang isaksak sa lalake.

She's like a monster. A killer monster pero bakit ganito ang nararamdaman ko. Guilt. She don't deserve a life like this.

"Attack!" Sigaw ko at nagsiurong kaming lahat sa harap para umatake.

Patuloy ang pangangatake niya sa mga kalaban. Hindi ko maitaas ang baril ko at hindi ko maigalaw ang mga paa ko na para bang gusto lang panoorin ng mga mata ko ang mga nakakahangang kilos niya.

Bigla siya tumakbo palapit sa akin at sinipa niya ako palayo at pinatay niya ang kalaban na nasa likoran ko.

"You call yourself a Major, huh?" Pagalit na sinabi nito sa akin. Ano ba tong pinagiisip at pinaggagawa ko? Tumayo ako at umatake.

- After the one month war in the battlefield.

"Wow! Rosalie! How did you do that? Grabe ang bilis ng kilos mo!" Sabi ng isa kong tauhan na nasa harap niya habang kumakain sila sa table kasama ang ibang mga sundalo.

"Rosalie, huh?" Sabi ng katabi no si Colonel Charlie.

"Yun yung ipinangalan ko sa kanya." Sabi ko sa kanya.

- Before the war.

"Papasok ako sa militar." Sabi niya at nagulat ako sa sinabi niya at parang gusto kong pumayag sa ninanais niya.

"Ilang taon ka na?" Tanong ko sa kanya.

"I'm not sure but I think I'm around 20 years old already." Sagot niya.

"Ano ang iyong pangalan?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Wala akong pangalan." Sabi niya. Napakalungkot naman ng buhay ng bata na ito.

Napatingin ako sa rosas at sa family picture namin ng pamilya ko sa tabi ng table ko. Favorite flower ko kasi ang rosas. Babae man pakinggan pero tanging rosas lang nagpapaalala sa asawa kong pumanaw na na si Second Lt. Rose Clare-Eastaughffe kasama ang anak namin na si Edan Eastaughffe.

"Simula ngayon, Rosalie na ang pangalan mo at Clare ang apilido mo. Pansamantala muna ang apilido mo." Paliwanag ko sa kanya.

- End of flashback.

"Pero tandaan mo, ibang tao yan Gil." Sabi ni Colonel Charlie at inabot niya ang alak.

"Bro!" Sigaw ng Kuya ko na kararating lang at napatingin ako sa kanya.

"Kuya." Sabi ko at napatayo ako and we salute to each other.

"Congratulation bro! Promoted ka na Lt. Colonel Gilbert!" Sabi niya sa akin at niyakap ako nito with proud hug.

"Salamat Kuya." Sabi ko sa kanya at umupo kami.

"Oh diba? Pag di mo sana ginamit ang armas mo, di ka sana makakaabot sa ranko mo ngayon." Sabi ni Rudolf at napatingin ako kay Rosalie.

She don't deserve this. She's just a young lady who belongs to those civilians.

Matapos kumain ni Rosalie, tumayo ito at lumabas. Tumayo ako at sinundan ko ito.

Nakita ko siyang nakaupo sa hagdan habang naninigarilyo. Tumabi ako sa kanya at inagaw ko ang sigarlyo mula sa kanya.

"Masyado ka pang bata para manigarilyo, at pangit tignan sa babae ang naninigarilyo." Sabi ko sa kanya at pinatay ko ang sigarilyo.

"Congrats." Ang pagbati niya sa akin.

"Salamat at salamat din sa pagligtas sa akin nung araw na yun." Pagpapasalamat ko sa kanya.

"Tumaas na nga ang ranko mo, tapos di ka pa masaya." Sabi niya sa akin. Napayuko ako sa lungkot. Nagtaggumpay nga ako pero by using a tool or a protector who supposed to be I'm protecting.

"Alam Lt. Colonel, alam mo ba kung bakit ako pumayag maging armas mo?" Tanong niya sa akin.

"Dahil ito ang piniling kong buhay para mabuhay, ang mga orders mo na lang ang nagpapabuhay sa akin." Sabi niya sa akin at parang gusto kong umiyak sa awa.

Napakalakas niyang armas pero napakahina niyang tao. Naawa ako sa kanya. She doesn't deserve a life like this.