Summer's Outlook
Lutang akong nakauwi sa aking laboratory. Hindi ko nga alam kong paano o kung ano ang ginawa ko at naka uwi ako dito.
Mas lalong nadagdagan ang mga katanungan sa aking isipan. Ano ang ibig sabihin ng mga sinabi ni Lucas sa akin?
"Ma'am Summer. Saan po kayo galing? Hinahanap po kayo ni Sir Leonard. May sasabih-" Hindi ko na hinintay na matapos ang sinasabi ng katulong ko. Wala akong pake sa sinasabi niya. May mas malalim pa akong dapat na gawin kesa sa sinasabi niya.
Pagkapasok na pagkapasok ko ay dumiretso kaagad ako sa aking kwarto at nagbihis.
Kailangan kong alamin ang lahat ng mga nangyayari. At para magawa ko iyon, kailangan kong balikan ang lugar kong saan nagsimula ang lahat. Sa luma kong laboratoryo.
Ewan ko pero may malakas na pwersa ang nagsasabi sa akin na kailangan kong bumalik doon at meron akong mahahanap.
Hindi na kase ako nakabalik sa lugat na iyon simula ng mangyari ang pangyayaring iyon.
Hanggang ngayon ay nandito pa rin ang kaba sa aking dibdib. Ano kaya ang malalaman ko sa aking pagbalik? Sana naan ay meron. Hindi pa naman kase iyon naayos dahil pinagbawal ni tito. Sinabi niya na papaimbestigahan niya raw muna ito.
"Manong sa lumang laboratoryo ko po" sabi ko sa aking driver at tumango nama ito. Isa siyang robot btw. But he can understand what I'm saying. He's one of the most genius robot I even made.
Hindi din nagtagal at nakarating kami sa aking sadya. Sinabihan ko ang aking driver na maiwan na lang siya ng magtangka siyang sasamahan ako.
Wala naman siyang nagawa ng pumasok ako sa aking lumang laboratoryo at lumabas naman ang nakakasulasok na amoy.
Amoy dugo. Malansa at nakakadiri. Napalunok ako ng laway at nilakasan ang akimg loob. Kaya mo 'yan Summer.
Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Wala akong ibang nakikita kundi ang mga sira-sirang kagamitan at dingding, putol-putol na kable ng kuryente at basag-basag na salamin.
"Ahh!" Napatili naman ako ng kaunti ng may bigla namang nahulog mula sa itaas. Tiningnan ko kung ano ito at magpasalamat sa diyos dahil isa lang pala itong kahoy.
Naalala ko tuloy ang mga pangyayari noong ginagawa ko si R-man. Ang akala ko ay matatapos ko siya at magbibigay sa akin nang karangalan pero binigo niya ako. Binigyan n'ya pa ako ng malaking problema.
Sa pag-iikot nang aking paningin, napadako ito sa aking computer. Lumapit ako dito at pinagmasdan. Basag-basag na ito at halatang hindi na nagagamit.
May kinalaman ba talaga ang VBLOOD sa mga nangyayari ngayon? At dahil lang iyon sa computer ko? Hindi talaga ako naniniwala.
Alam kong may ibang tao ang may kagagawan ng bagay na ito. Pero ang tanong, Sino?
Pinagmasdan ko ang computer hanggang sa napadako ang tingin ko sa USB na nakakabit sa aking computer. Napakunot ang aking noo ng makita ang kulay nito. Kulay pula.
I never used USB na may kulay pula. Sa kadahilanang isa ito sa mga ayaw kong kulay.
Kaya naman kinuha ko ito saka pinagmasdan.
"Bakit gan'to ito? Mukhang bago at kakaiba." I know in this moment na hindi talaga ito sa akin. Kaya naman binaba ko muna ang USB sa lamesa saka tinaas ang aking kamay. Pinindot ko ang aking relo saka may pinindot lang na kung ano.
"Hello RA7?" Tawag ko sa aking driver na nasa labas nang abandonadong laboratoryong ito.
"Yes ma'am?" Sagot n'ya sa akin.
"P'wede mo bang dalhin sa 'kin ang laptop ko? I need it, asap!" Saad ko naman sa kanya.
"On the way ma'am!" Sagot niya sa 'kin at hindi na ako sumagot saka binaba ang tawag. Hindi rin naman nagtagal at dumating na si RA7.
"Makakaalis ka na!" Utos ko sa kanya na kanya namang sinunod. Tumango s'ya sa'kin saka umalis.
Huminga muna ako ng malalim saka sinalang ang USB na nakita ko sa'kin computer sa aking laptop.
Tiningnan ko kung ano ang laman ng USB at mas lalomg kumunot ang aking noo ng makitang nandito ang lahat ng files ko. Kahit ang pattern nang paggawa ko kay R-man ay nandito din. I check everything until naagaw ng pansin ko ang isang bagay.
Ang 'VBLOOD' file. Binuksan ko ito at nakitang isa itong mapa. Mapa? Mapa siya ng buong lungsod. At sa mapang ito may isang red circle na nakalagay. 'Yung bagay na kapag may gusto kang malaman kung nasa'n ang isang tao? Ito 'yun eh. I zoomed the map at mas lalo akong naguluhan ng ang red circle ay nakatutok sa isang TV station.
Isa lang ang ibig sabihin nito. Nasa TV station lamang ang taong may kagagawan ng lahat.
Napangiti ako sa aking namalan. Sinarado ko na ang aking laptop saka lumabas. Pumasok ako sa loob ng aking kotse saka inutusan si RA7 na pumunta sa TV station.
Tumango naman siya saka nagsimulang tahakin ang lugar.
Napahigpit ang pagkaka hawak ko sa aking kamay. 'Kung sino ka mang tao ka na may kagagawan ng bagay na ito. Humanda ka na, malapit na kitang mabisto'.
Itutuloy...