Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

ARIZA: The Modern Cinderella

🇵🇭Airen_PJD
--
chs / week
--
NOT RATINGS
3.8k
Views
VIEW MORE

Chapter 1 - Ang Unang Pagtatagpo

"Happy Birthday, My Princess." Pabulong na sabi ng aking ama sa akin.

"Maraming salamat po, Tay, Nay. " Sagot ko sa kanila at niyakap ng napakahigpit.

Bumitaw si Itay para kunin ang isang malilit na kahon at ibinigay sa akin.

Dahan dahan ko naman itong binuksan. Isa itong napakagandang sapatos, pinaliit na sapatos ni Cinderella at nilagyan ng isang malaking ribbon sa kanang parte.

"Wow! Ang ganda po!"sigaw ko. Agad agad ko naman itong isinuot.

"Ginawa ko talaga iyan para lang sa iyo anak."sabi ni itay.

Nagpa alam akong lumabas para maglibot libot. May nakita akong isang batang lalaking nakaupo sa dalampasigan. Agad agad ko itong linapitan at kinausap.

"Hi! Kaarawan ko ngayon! 3 years old na ako!"sabi ko. Hindi man lang ito umimik at patuloy pa rin itong humahaguhol sa pag iyak.

"Alam mo ba ang sapatos na ito ay regalo ng aking itay, Ganda noh? "pagmamayabang ko sa kanya.

"Hindi mo ba alam kapag umiiyak ang mga tao, iiyak din ang langit. Kaya tumigil ka na mamaya iiyak din yun."sabi ko sa kanya. Tumigil naman ito sa pag iyak.

Kuwento lang ako nang kuwento sa kanya pero hindi man lang ito sumasagot.

"Bakit ba ang ingay mo? Sino ka ba? Hu? Bakit mo ako kinakausap? Wala naman akong pakialam kung kaarawan mo ngayon o hindi. "masungit nyang tanong sa akin.

"Ang sungit naman nito. Eh ano naman? Eh gusto ko lang na makausap ka eh. At mapapanis naman yang laway mo kapag hindi mo iyan gagamitin! "sagot ko naman sa kanya.

*AW AW AW!! * tahol ng mga asong papalapit sa puwesto namin.

Agad agad naman akong tumayo at tumakbo ng napakabilis. Hindi ko na napansin na naiwan ko ang isang pares na aking sapatos. At naiwang nakatayo ang batang lalaki.

"Ariiiiiiiiiizaaaaaaaa!!"sigaw ng aking madrasta.

Panaginip lang pala. Sana hindi na ako nagising pa.

"Ariiiiiiiiiiizaaaaa!"sigaw nya ulit.

Nagulat ako nung nasa tabi ko pala si Itay.

"Napaginipan mo na naman ba ulit? Hu? At Pag pasensyahan mo na si Tita Lorena mo. "sabi ni Itay. Hindi na ako sumagot pa at dumiretso na lang ako sa banyo para magsipilyo.

"Happy Birthday, My Princess."sabi ni Itay at tumayo para lumabas ng aking kuwarto pero natigil siya sa kanyang paglalakad nang narinig niya akong magsalita.

"Hindi na po ako bata para tawagin niyong Princess. At ilang beses ko pa po bang sasabihin na hindi na po ako mag didiwang ng aking kaarawan."sabi ko sa kanya. Nagpatuloy muli siya sa kaniyang paglalakad.

Alam kong nasaktan ko siya sa mga binitawan kong mga salita sa kanya.

15 years na pala ang nakalipas. 15 years na nang mawala si Inay.15 years na ang nakalipas nang mangyari ang isang aksidenteng bumago sa Pamilya ko, sa Perfect na buhay ko.

Mula noon, hindi na muli akong nagdiwang ng aking kaarawan, isinhmpa ko iyon at kinalimutan ng may kaarawan ako. Hanggang ngayon hindi ko pa rin napapatawad si Itay, alam ko namang pinagsisihan niya iyon at hindi niya iyon ginusto.