Facebook Page to read #LTNI for free (even with no data) https://www.facebook.com/LadyOnTheNextCubicleWP/
A/N: β Μ« β OY! Magbasa at Mag-vote. β
π₯π₯π₯π₯π₯π₯π₯π₯π₯π₯π₯
Napabagal nang lakad si Isla habang kumakain ng Stik-O nang makita niyang may grupo ng mga batang sumasaway sa isang tugtugin.
"Give it to you, my nu nu nu nu nu nu nulpit!" Kanta ng bibong batang bakla na siyang lider sa grupo sa kantang 'Bboom Bboom' ng Momoland na may kasamang steppings pa. Nangangapa naman ang mga batang nasa likuran nito para sumunod sa galaw.
'Anong orasyong pang-demonyo na namang tong sumapi sa mga kabataan ngayon.' Weirdong tingin niya sa mga ito sabay sipsip sa straw ng Coke niyang nakapaloob sa plastic.
Dahil di memoryado ang lyrics, pilit nag-iimbento ng lyrics si Chi-chi (ang batang baklang lider) para lang masabing magaling ito sa Korean. "Chigu my nu nu nu nu nu nu nu no touch! Hagu labyu labyu labyuuuu... oh my lover!" Finger-heart pa ng baklang naka-head band pa na may malaking sunflower.
"Wow! Galing mo, Chichi 'ah!" Palakpak ni Isla. "WHHAWWW!!!"
Huminto si Chichi at pawisang lumingon sa kaniya sa paraang parang may mahaba raw itong buhok. "Pwede ba? Nag-e-ensayo kami para sa darating na pista sa barangay natin!"
Nagbali ng konting Stik-O na hawak si Isla at binato rito. "Matatalo kayo niyan. Para lang kayong nangingisay na bulate."
"Tumigil ka, Tomboy!" Pakikay pa itong nagdabog.
"Bakla!" Tumatawang sigaw rin niya pabalik.
"Pangit!"
"Wow! Nahiya ako sa mukha mo!"
"DWENDE!!! PANDAK!"
"Ay... sakit mong magsalita...." Dahil sa height niyang 5'3, halos magkasing-tangkad na sila ni Chichi. At dahil sa insecurity niyang iyon, ayaw na ayaw niyang gawing biro ang height niya. "Walang ganyanan! Bata ka pa! Matuto kang rumespeto sa mga nakakatanda."
Ngumisi si Chichi. "Bata ka rin naman 'ah."
"Huh? 23 years---"
"Bata ka pa.. pam-"Bata" ang height." At malakas nagsitawanan ang grupo nito.
"Ikaw---" Kukunin na sana ni Isla ang tsinelas na suot para ibato rito pero mabilis na nagsitakbuhan ang mga ito papalayo.
"ISLA!" Sigaw ni Empoy mula sa tindahan ni Aling Nena. "HALIKA RITOOWW! TUMAGAY KA NALANG RITOOOWW KASHHHAAMA NAMEEEN! Wag mo na patulan ang mga bata!! Pikon-talo ka naman!" Pasura-sura nitong sabi.
"HEH!" Pabulyaw niyang lingon sa mga ka-tropang lasing na kahit kakatirik pa lang ng araw. "Umuwi kayo at maligo! Amoy na amoy ko hanggang rito ang mga kilikili niyo."
.
.
At tulad ng maikling height niya,
.
.
Maikli rin ang pasensiya niya.
π₯π₯π₯π₯π₯π₯π₯π₯π₯π₯π₯
Habang naglakakad sa gitna ng riles ng tren papuntang palengke para maglako ng isda, hinila ni Isla ang pagkakasuot ng brown shorts niya na lagpas sa tuhod ang haba.
"Isla!" Tawag sa kaniya ni Aling Bebang.
Nilingon niya ang matandang nakasilip mula pintuan ng bahay nito na lamang lang ng dalawang paligo sa kaniyang pinagtagpi-tagping plywood na bahay. "Ho?" Huminto siya. 'May dalawang anak ito sa abroad.. di man lang tinulungan ang ina nilang gawan ng bahay man lang.'
"May pinaglumaan na damit ang anak ko rito. Baka may magustuhan ka. Naglilinis kasi ako at may nakitang maraming damit ni Bebot." Tumalikod ang matanda at pumasok sa kabahayan nito.
"Aba sakto, Aling Bebang!! Halos butas-butas na yung iba kong damit!"
π₯π₯π₯π₯π₯π₯π₯π₯π₯π₯π₯
Bitbit ni Isla ang isang plastic bag na naglalaman ng mga damit na binigay ni Aling Bebang. Binabagtas na niya noon ang daanan papunta sa kaniyang barong-barong.
Niyuko niya ang dala. 'Wala na pala akong pambili ng pagkain mamayang hapunan.' Himutok niya. Bilang barker rin sa terminal ng mga jeep, namomoroblema si Isla ngayong iilan nalang kasi ang pasahero dahil bakasyon na ng mga estudyante. 'May laman pa kaya yung lalagyan ko ng asin? Eh kakaulam ko lang ng toyo kaninang agahan... baka-UTI kalalabasan ko nito.' -.-
[A/N: UTI- Urinary Tract Infetion, a kidney semi-infection due to too much salt/sweet intake]
Sinipa niya nang mahina ang lumang blackboard na ginawa niyang gate 'kumbaga' upang makapasok sa bakuran niya. "Maka-utang nga uli ni Aling Dolores ng sardinasβNaku! Puro pagmumura na naman aabutin ko dun..." Huminto siya at niyuko uli ang dalang plastic bag. 'Teka... pwede ko 'tong ibenta sa palengke. Ukay-ukay! Tama! Makakapera pa ako kahit 250pesos lang---'
Nabitin ang kaniyang 'Oplan-Pakainin-Ang-Bulate-Ni-Islanda' nang makarinig siya ng tilian sa katabing bakuran.
.
.
"Sasali ako! Sasali ako!!!" Tili ni Tilda. Ito ang nag-iisang anak na babae ni Kapitan Jerome na siyang kapitan ng Barangay Tagpi.
"Tiyak mananalo ka diyan, anak!" Rinig ni Isla na segunda ni Aling Gloria, asawa ni Kapitan Jerome.
Naglakad si Isla papalapit sa bakod na naghahati sa dalawang bakuran at tumingkayad para silipin kung anong ibig nilang sabihin.
Lumingon si Tilda sa katabing ina at humalik sa pisngi rito. "Tanungin mo sa mga Event Organizer sino ang mga judges, Ma. Tapos sabihin mo sa kanila na dapat ako ang mananalo dahil anak ako ni Kapitan!"
"Aba siyempre, baby girl ko!!" Lumabi pa si Aling Gloria at pa-cute na pinisil ang nagmamantikang pisngi ng anak dahil sa kapal ng make-up. "Titiyakin ko 'yan."
Sinangga ni Isla ang palad sa taas ng kilay para takpan ang mga mata sa sinag ng araw habang pilit na inaaninag ang hawak na poster ni Tilda. "S-Search... for... for Miss..."
"Search for Ms. Tagpi!" Pakikay na dugtong ni Tilda na noo'y nakaharap na pala sa kaniya. Nakahulukipkip na ito at nakataas ang isang kilay na nakatingin sa kaniya. "Bakit? May plano kang sumali, tomboy?"
Ngumiwi si Isla. 'Ke-aga-aga, gusto agad sagarin pasensiya ko.' "Sino may sabi? Eh kung sino man sasali sa pageant na yan, tiyak kawawa--"
Bruhang tumawa ang parang butete nitong ina sa laki ng tiyan at sa iba't-ibag koloreteng nilalagay sa mukha. "Kawawa talaga! Sa ganda ng Matilda ko?! Uuwi silang luhaan."
Sa mahinang boses, tinapos ni Isla ang sasabihin. "...kasi alam kong babayaran niyo ang mga hurado..."
"May sinabi ka?!! Yah!" Bukas ang bibig ni Tilda na duro sa kaniya na parang ginagaya nito ang reaction ng mga inis na bidang babae sa mga K-Drama.
-_- Nasira ang mukha ni Isla at tinitigan ang mukha ni Tilda. 'Seryoso? Trip na naman nito ang gayahin ang K-Drama? Kinain na ba ng sistema ang buong Pilipinas ng mga Korean' "Tilda, okay ka lang?"
Natigilan ito. "B-Bakit?" Nilingon nito ang ina. "Nabura ba kilay ko, Mama!!!" Taranta na tanong ni Tilda.
"Di naman anak..." S-in-urvey ni Aling Gloria ang mukha nito. "Okay pa naman mukha mo."
"Pfft!" Tinakpan ni Isla ang bibig sa likod ng palad niya para pigilan ang tawa. ''Ano raw? Okay pa naman mukha niya' Okay??!!''
"Ano ibig mong sabihin mo, tomboy!" Taas-noo uli siyang hinarap nito.
"A-Ano kasi..." Kinagat niya ang ibabang labi para wag bumulahaw ng tawa. "Tirik na ang araw." 'Mapiprito na mukha mo sa daming mantikang lumalabas.' "Masisira ang skin mong ke-puti-puti." 'Na alaga sa buwanang Gluta injections at Kojic.'
[A/N: Gluta Injections is the fastest way to get a fairer/lighter skin. Kojic soap is a popular orange soap that is rumoured to whiten your skin when use daily.]
"Hala! Oo nga mama!!" Dali itong tumakbo papalayo at pumasok sa bahay. Kasunod naman ang ina nito na halatang hirap na hirap na tumakbo.
Ngiting tagumpay na inayos ni Isla ang pagkatago ng kaniyang makapal na buhok sa puting sombrero sabay rolyo sa manggas ng t-shirt niya sa may balikat.
Kung gaano ka buti ang kalooban ni Kapitan Jerome, ganun naman ka itim ang budhi ng asawa at anak nito.
π₯π₯π₯π₯π₯π₯π₯π₯π₯π₯π₯
The entrance tune of BTS' song 'IDOL' filled Liam's room that morning.
β«βͺ You can call me artist, You can call me idol!
anim eotteon dareun mweora haedo
I don't care... I'm proud of it!
nan jayuromne, No more irony β«βͺ
naneun hangsang nayeotgie! β«βͺ
"Uhhhnnn.." Ungol ni Liam mula sa ilalim ng comforter niya. Habang nakatalukbo sa makapal na kumot, nilabas niya ang isang kamay at kinapa mesa para kunin ang cellphone.
Patuloy pa ring umalingawngaw sa buong kwarto niya ang kanta.
β«βͺI know what I am!
I know what I want!
I never gon' change!
I never gon' trade! β«βͺ
Mas lalong pang pinag-igihan ng kamay niya ang pagkapa sa mesa. At nang walang phone na mahawakan, inis na nilabas ni Liam ang ulo sa comforter. "Fuck!" Sinilip niya ang walang lamang mesa maliban sa nightlamp niya. "Where the hell is that goddamn phone!!!" Naka-boxer lang siyang lumabas sa comforter at hinanap ang phone.
β«βͺ You can't stop me lovin' myself
~Hoo hoo! Eolssu joda
You can't stop me lovin' myself! β«βͺ
Groggy from his 2 hour sleep, his hair-- golden curls--- left unkempt and his blue eyes darkened by annoyance, he covers his two ears with both his hands. He either kicks or grabs the week-old clothes on the floor to look for his missing phone which kept on ringing the Korean song.
"OH, SHUT UP!!!" Sigaw niya.
At tumigil naman ito sa kakatunog.
He exhales a sigh of relief.
He knows the song. Young girls were on hype when the song was released on YouTube. He took a liking of it but he is certain that he never made it his ringtone nor his alarm tone. He doesn't hate it. It's just that his time is always on the run due to his busy schedule and the last thing he want right now is a song stealing that precious sleeping-time of his.
β«βͺ You can call me artist, You can call me idol! β«βͺ
Kanta uli ng cellphone niya.
"I just want to sleep!!" Hapong-hapong bumagsak ang balikat ni Liam hudyat nang pagsuko dahil natitiyak niyang mahihirapan siyang hanapin kung saan man niya tinapon ang cellphone niya sa kalat ng kaniyang kwarto---
No, not just his room but his entire bachelor's pad. Pabagsak nalang siya uling humiga sa higaan at tinakpan ang buong mukha ng unan. As much as he wanted to resume his sleep, he can't unless he destroy that fucking phone.
[A/N: Bachelor's Pad - is a home in which a single men resides. The interior design is of minimalistic. In Liam's case, his pad is on Earth tone/shade situated on the 8th floor of a building with tight security. Furniture of wood, marble floor in a color of wine red, curtains and other small details of the room are in Aztec colors of red, black, orange and white. The purpose of having a pad is to facilitate the owner on his daily activities EASILY. Such as entertaining friends, visitors and seducing women.]
π₯π₯π₯π₯π₯π₯π₯π₯π₯π₯π₯
Nakasuot ng itim na sleep mask si Liam na nakatakip sa mga mata niya habang nakaupo sa backseat. Baka kahit naman papaano'y makatulog siya ng ilang minuto habang papunta sila sa Prima Nova. [A/N: Prima Nova β Liam's agency. A prime entertainment agency in the country controlled and owned by the largest conglomerate in the business world, Smith&Miller.]
Tahimik namang nagmamaneho si Boyet sa kotse.
β«βͺ You can call me artist, You can call me idol! β«βͺ
Liam curses as he hears the song again. Kahit suot pa niya ang sleep mask, hinablot niya ang cellphone (na nakita niya sa ilalim ng kama) sa tabi niya. He presses the accept button on the screen. Mask still covering his eyes, he answers the call. "That was a nice joke, Hailey."
Narinig niyang tumawa sa kabilang linya ang babaeng manager niya. No one knew his unlock pattern on his IPhone except his manager [A/N: Giving your personal mobile password is required on some entertainment agency in case of emergency such as hacking, etc]. Therefore, Hailey is the only suspect who has the power to change his ringtone and alarm tone.
π±Hailey: "And it was a success. Nagising ka naman. Now, I need you here at Prima Nova. Any minute from now, magsisimula na ang meeting."
-BEEP- She ends the call.
Inis na tinanggal ni Liam ang sleep mask at patapon na binaba ang cellphone sa tabi. "Daaaamnnnn..." Sinandal niya ang ulo sa headrest ng upuan at tumingala sabay masahe sa noo niya. "I need some decent sleep, Boyet and that hell of a manager of mine is not giving me few hours to rest!"
Tumawa lang si Boyet sa harapan at bahagyang tumingin sa rearview mirror para tingnan siya. "Eh kasi naman, Sir... Tumakas ka last week sa photoshoot mo para bumili lang ng sapatos. Alam mo namang mahirap galitin si Ms. Hailey."
"The shoes are limited edition. Okay?" Liam turns his head towards the window and watch the squatter areas as they were passing by.
Alas-tres kaninang madaling araw natapos ang video shoot niya para sa Vogue Italia. [A/N: Vogue Italia β a renowned fashion magazine that covers top-calibre fashion icons in the world] At dahil may meeting sa Prima Nova tungkol sa Annual Community Outreach ng entertainment agency.. at siya bilang mukha ng Prima Nova β Philippines, dapat siyang dumalo. Sa ayaw man niya't sa gusto. Sa gusto man niyang matulog.. o hindi.
.
.
"Boyet."
"Ho?"
"I am hungry."
"Dadaan po ba tayo sa McDo o sa Starbucks---"
"Nah.. gusto ko ng lutong bahay."
"Pwede po. U-turn lang tayo sa unahan para puntahan bahay ng mama mo---"
"Hanapan mo nalang ako ng karinderya."
"P-Po?" Natarantang tingin sa kaniya ni Boyet sa rearview. "Sir! Delikado! Wala tayong kasamang bodyguard baka dumugin kayo tsaka may meeting ho--- Nako! Magagalit si Ms. Hailey pag--"
Liam sits straight then tilts his body forward to taps Boyet shoulder. "Ako bahala sa'yo. Dun oh!" Turo nito sa karinderya sa gilid ng kalsada. "I just wanted to give Hailey the dose of her own medicine. She shouldn't mess with me." He grins and grabs a black wig and a blue-tinted sunglasses from a bag.
π₯π₯π₯π₯π₯π₯π₯π₯π₯π₯π₯
Pinaypay ni Isla ang sarili gamit ang neckline ng kaniyang kupas na orange t-shirt habang naglalakad papunta sa karinderya ni Aling Dona. Kakatapos lang niyang maglako ng isda sa palengke kaya sumisigaw na sa gutom ang tiyan niya.
Umupo siya sa isa sa mga upuan sa gilid ng karinderya. "ALING DONA!!!! GUTOM NA AKO!!" Sigaw niya sabay ngisi.
"TUMIGIL KA, ISLA! BAYAD MUNA BAGO KAIN!" Singhal naman pabalik ni Aling Dona na noo'y nagluluto sa may kusina.
"Huh? Wala namang karatolang nagsasabi na 'PAY AS YOU ORDER' 'ah." Kumuha siya ng baso, nagbuhos ng tubig mula sa pitsel, uminom ng konti tsaka nilapag ang baso sa tabi niya.
Lumapit sa kaniya si Mang Berto na siyang asawa ni Aling Dona. "Isla, Php860 na utang mo." Kahit inimporma siya nito sa utang niya'y naglapag pa rin ito ng kanin at isang bowl ng libreng sabaw sa harapan niya. Sa mahinang boses, humingi ito ng paumanhin. "Pasensiya ka na hija. Ito lang muna maipapakain ko ng libre. Baka bugbugin ako ni Misis mamaya pag malaman niyang nagbibigay uli ako ng libreng ulam."
"Okay lang, Mang Berts. Sapat na ito pantawid sa buong araw. Da best ka ho talaga!" Kindat pa niya.
"AY BERTO!! Ayan ka na naman! Kaya di nagbabayad yan kasi ini-i-spoil mo!" Lumabas ang pawisang si Aling Dona sa kusina. "Bigyan mo yan ng isang lumpia o paa ng manok! Nangongonsensiya na naman mukha niyan!"
"I LOVE YOU, ALING DONA!!" Masaya niyang sigaw.
Umiling nalang ang matandang babae at pumasok uli sa kusina.
Matapos siyang bigyan ng isang pritong manok ni Mang Berts, masaganang nilantakan niya ang kaniyang tanghalian-slash-merienda-slash-hapunan.
π₯π₯π₯π₯π₯π₯π₯π₯π₯π₯π₯
π±Hailey: "It's been 20 mins.! Where are you, Boyet?!"
Napapikit si Boyet sa lakas ng boses ni Ms. Hailey sa kabilang linya at nag-aalalang nilingon ang among nakaupo sa labas ng bintana ng karinderya at prenteng kumakain. Mas lalong siyang namutla ng may taong tumabi rito na nakasuot ng kulay orange na t-shirt. 'Tang*na! Sana di siya mamukhaan!' "K-Kumain pa po k-kasi siya, M-Ms. Hailey---"
π±Hailey: "Kumaka--- what?! Alam ba niyang siya nalang ang hinihintay rito sa meeting?
"Gutom ho raw k-kasi siya---"
π±Hailey: "Or he just want to have his revenge on me for tinkering his phone?"
"Ms. Hailey naman 'eh! Ako naiipit sa inyo!" Reklamo ni Boyet.
π±Hailey: "Tell him... if I can't see a shadow of him in here for another 20 mins., UNGOL NG BALIW NA ASO ANG SUSUNOD KONG GAWING RINGTONE NIYA!"
-Beep-
π₯π₯π₯π₯π₯π₯π₯π₯π₯π₯π₯
Tumatawang ngumunguya si Isla habang nanonood ng Eat Bulaga sa maliit na t.v. ng karinderya. "HAHAHAHAH! Langya! Ewan ko ba Mang Berts, nababaklaan ako ni Alden. Natatawa ako sa mukha niya!"
Ngumisi si Mang Berto na nagpupunas ng mga baso. "Ako nga rin 'eh... sarap sapakin."
"Luh? May galit po ba kayo ni Alden, Mang Berts?" Sumubo siya. Napatingala uli siya sa t.v. nang nagsimula na itong magpatalastas. "Ay! Yan ang gwapo!"
Lumingon naman si Mang Berto sa t.v. "Si Liam Torres?? Ay aba oo!"
"Oh! Tingnan niyo po." Napahinto na siya sa pagsubo at titig na titig sa mukha ng artistang si Liam na noo'y nag-e-endorse ng isang men's cologne. "Nakakalibog po mukha niya ano---"
.
.
"Ugh! Ugh!"
Napalingon si Isla sa katabi na noo'y pulang-pula ang mukha habang umuubo. Halos naiubo nito ang kanin na nginunguya.
"Ugh!! Ugh!! Shit!!" Sapo nito ang dibdib at hinablot ang basong-tubig ni Isla para uminom. Dinalawang lagok lang nito ang lamang tubig.
Doon palang nahalata ni Isla na matangkad ito kahit nakaupo. 'Matangkad? O sadyang pandak ka lang Islanda?' Inusisa niya ang kabuuan ng katabi. Matingkad ang puti nitong balat (na sure niyang hindi alagang gluta tulad kay Tilda) dahil sa suot nitong itim na t-shirt. Maitim na maitim rin ang buhok nito na parang... hindi tunay? 'Teka? Naka-wig ba ito?'
At dala ng suot nitong blue na shades, halata ang tangos ng ilong nito.
'Amerikano ata 'to 'ah?'
Ang mas nakakuha sa atensiyon ni Isla ay ang matitikas nitong braso na halatang disiplinado sa pag-g-gym.
.
.
Naputol ang pag-su-survey niya nang may lumapit na may-edad na lalaki at may binulong rito. Bahagyang may narinig pa siyang: 'late na po tayo sa meeting.'
Umuubo pa rin ang lalake na tumayoβ
SHEMS!
Halos mabali ang leeg ni Isla nang tumingala siya sa tangkad nito!
'T_T Oo na! Ako na pandak! Ako na dwende!'
Na-emphasize pa lalo ang matataas nitong binti sa suot na color gray jogging pants.
Bago ito umalis, naglagay ito ng Php1,000 bill sa mesa at naglakad kasama ang bagong dating na lalake papalayo.
.
.
Nang tuluyan na itong sumakay sa kulay silver na kotse at umalis, nilingon ni Isla si Mang Bert. "Mang Berts! Psst!"
"Oh?" Lingon sa kaniya nito na nagpupunas pa rin ng mga plato.
"Sino yun?"
"Sino?"
"Yung katabi ko kanina? Yung matangkad na lalake?"
"Aba'y di ko kilala. Ngayon ko nga lang rin nakita yun dito. Bakit?"
"Foreigner yun ano?"
"Malay ko ba.. um-order lang naman yun ngβHALA! Umalis siya? Yung bayad niya!"
"Nag-iwan ho siya ng pera." Kinuha niya ang 1000Php bill at nilahad rito. "Magkano po ba yung sa kaniya? Tiyak sobra ito."
"140php."
"140 lang pala---" Natigilan si Isla at tiningnan ang pera sa kamay niya. 1,000.00-140.00 = 860.00. Sakto ang sukli sa utang niya sa mismong karinderya.
Di kaya'y---
Agad pinilig ni Isla ang ulo. 'Bakit naman niya babayaran utang ko?"
π₯π₯π₯π₯π₯π₯π₯π₯π₯π₯π₯
Habang nagmamaneho, sinisilip ni Boyet si Liam sa rearview mirror na nakaupo sa backseat. Takip nito ang bibig gamit ang likod ng mga palad at nakatingin sa labas.
.
.
"Sir?"
"Hmm?"
"Okay ka lang po ba?"
"I am."
"Bakit po kayo inuubo kanina?"
Mata na naman nito ang tinakpan. "Wala."
"Ba't po kayo namumula."
.
.
"Wa-wala."
[STAGE 2 PREVIEW:]
Napa-angat ang tingin ni Liam sa sinabi ni Zoey, ang Corporate Relations Officer ng Smith&Miller. "Pardon?"
"You'll be a judge on a barangay beauty contest."
A/N: β Μ« β OY! Mag-vote. β