Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

cu

🇵🇭Sungrin12
--
chs / week
--
NOT RATINGS
7.1k
Views

Table of contents

VIEW MORE

Chapter 1 - KABANATA 1

Nagmuni-muni ako habang nakatanaw sa labas ng MUSEO SUGBO dito sa Cebu. Kanina ko pa kasi hinihintay ang mga kaklase ko habang nakikipag-usap sa Tour guide ng Museo.

Napatingin ako kay Anika. Abala siya ngayon sa pagkuha ng litrato.

Napaismid ako.

Kita mo 'to.  Siya pa naman ang nagsabi sakin na sabay kaming maggala tapos ngayon, siya lang ang nalilibang. Nakakatampo!

Napahalumbaba ako at tumingin kay Edmilyn na busy sa pagbabasa. Katabi niya ngayon si Ger habang nag-pupunas ng gitara.

Nang matapos ay ipinatong ni Ger ang basahan sa gilid at nagsimula na siyang magstrum.

Napatigil si Edmilyn sa pagbabasa at binitiwan ang libro at saka pumunta sa harapan ni Ger. Kitang kita ko ang pagkislap samga mata ni Edmilyn habang nakatitig kay Ger na seryosong nagigitara.

Napakagat ako sa labi para itago ang kilig.  Naku, tinamaan na talaga ni kupido ang loka.

"Anika beybi! Papicture naman!" sigaw ni Gladys.

"Wait lang," sabi ni Anika habang ang cellphone nasa tenga.

"Opo ma...Okay lang po ako dito. Wala naman po sila Trisha kaya, huwag na po kayong mag-alala. Sige ma ibaba ko na ito. I love you, Bye." Napabuntong hininga siyang pinasok ang phone sa bag at bumaling kay Gladys.

"Tapos na Anika? Pwede mo na akong Picturan?!" tanong ni Gladys. Tumango si Anika.

"Woi! Gladys. Mahiya ka nga. Nandito tayo sa Museo tapos ang ingay ingay ng boses mo!" saway sa kanya ni Isabel. Napalapat ng labi si Gladys at marahang tumingin kay Isabel.

"Hehe sorry," sabi niya at nagpacute. Nailing lang sa kanya si Isabel at bumalik sa pagtatanong sa Tour guide. Kaya niya pala sinaway si Gladys dahil naistorbo sila nito. Si Gladys talaga oh. Napakaingay. Kahit saan yata kami magpunta boses ni Gladys ang nangingibabaw.

"Dito ako sa gilid ni Dr. Jose Rizal," sabi Gladys at pumunta sa tabi ng momento.

Napailing ako sa kaingayan ni Gladys at tumingin sa kabuuan ng Museo.

Kung titignan ko ang Museo ay parang may kung anong bahagi nito ang bumuo sa pagkatao ko na hindi ko maintindihan.

Sa tuwing napapadaan ako rito ay may kung anong lungkot akong nararamdaman.

Pero, naisip ko na baka sa hilig ko sa history. Pati ang mga bagay  nararamdaman ko ay binibigyan ko ng kahulugan.

Lumipas ang kalahating oras ay hindi pa'rin sila tapos sa pag-uusap.

Tumayo ako at sinilip sila.

Hanggang ngayon ba naman nagdidiscuss pa'rin ang tour guide?

Hayyss mauna na kaya ako? 

Pero...baka magalit si Isabel kung gagawin ko iyon. Siya pa naman naatasan maging leader kaya siguradong magagalit nga iyon.

"Guys okay na raw. Pwede na tayo pumasok," ani Isabel.

Nagsitayuan na sila. Kaya, tumayo na rin ako at nagsipasukan na sila sa loob. Hinintay ko muna silang makapasok lahat bago ako sumunod. Mahirap kaya makipagsiksikan lalo na't sa taong ayaw sa'yo. Char, hugot iyon ha!

"Magandang umaga!" bungad ng mga tour guide. Nagsibati rin kami sa kanila bago pumunta sa information desk at binayaran ang entrance fee.

Sa pagpasok ko ay parang nagbalik ako sa 18th century.

Inilinga ko ang paningin sa kabuuan at pagkatapos ay isa-isa tinignan ang mga litratong nakasabit sa pader.

Napangiti ako nang mapansin ko kung ano ito.

Isa itong litrato ng Museo na bago pa lang tinatayo. Pinasadahan ko ang kamay sa frame nito at sinuri ang ganda ng lugar noong 1875.

Nang makontento ay sumunod ako sa kanila sa paglabas.

Nakakamangha. Ang ganda kasi ng pagkadisenyo ng pasilyo. Isa itong European old style na gawa sa marmol at ang bawat pasilidad ay may ukit na pangalan, tulad ng Souvenir shop, National Archives, Politicians History and Spanish Era.

"Fely saan ka?" tanong ni Anika sa'kin at kinuhanan ako ng litrato. Napasimangot ako sa ginawa niyang iyon. Bruha talaga.

"Tignan mo Fely, ang cute mo dito. Haha." Napairap ako sa kanya at nag-walk out. Kainis kung kailan. Nalilibang na ako. Sabay siyang mang aasar.

"Woi Fely hintay!" Hindi ko siya pinansin at dumiretso sa likuran bahagi ng Museo.

Ang tahimik nang makarating ako. Umupo ako sa bench at naghalumbaba. Napatingin ako kay Anika na papalapit sa kinaroroonan ko.

"Grabe ka Fely. Hindi mo man lang ako hinintay," reklamo niya habang hinihingal. Ngumisi ako atsaka kinuha ang camera.

"Anika~" Pagkaangat niya nang tingin ay agad ko siyang pinicturan. Nanlaki ang mata niya sa ginawa kong 'yon.

"Yah!!" Napatawa ako sa itsura niya. Yung picture niya kasi parang siyang tarsier hahaha.

"Hahaha. Ang cute ni Anika~" pang-aasar ko sa kanya. Napamake face siya at tumayo.

"Oh? Saan ka pupunta?" tanong ko. Ngumiwi siya at humawak sa tiyan.

"Parang natatae ako."

"H-hoy, huwag ka dito magpasabog ng masamang hangin." Nataranta  kong sambit at saka lumayo sa kanya. Napairap siya sa ginawa ko.

"Ang arte mo. Aray... natatae na talaga ako." Dumila muna siya sa'kin bago kumaripas ng takbo.

Napahinga ako ng maluwag nang makaalis na siya.

...

Napatigil ako sa pagkuha ng litrato nang may napansin ako sa dulo.

Ano kaya iyon?

Napapalibutan ito ng damo kaya hindi ko masabi kung ano ito.

Pumunta ako doon para makita maigi.

Nang makalapit ay doon ko lang napansin na isa itong balon.

Inikutan ko ang ito at tinanggal ang mga dahon nakasagabal. May nakita ako nakapaskil sa itaas at pinagpagan para mabasa ang nakasulat.

POZO DESEAR

Ano naman ang ibig sabihin nito?

Napapitik ako sa hangin nang maalala kong may dala akong dictionary. Agad ko ito kinuha sa bag at agad hinanap yung meaning.

Aha!

Isa pala itong wishing well. 

D'ba kapag humiling ka sa isang wishing well ay may posibleng magkatoto ang hiniling mo?

Hindi naman sigurong masama ang sumubok d'ba? kaya matry nga.

kumuha ako ng barya sa bag at pumikit.

"Sana makilala ko na yung taong palaging nagpapakita sa panaginip ko," hiling ko at pagkatapos ay ibinato ko na ang barya sa balon.

"Fely tara na, pwede na daw tayong pumasok!" tawag ni Anika kaya tumango ako at saka lumapit sa kanya.

Bumungad sa'kin ang mga lumang kagamitan nang makapasok ako at bawat kagamitan ay nakalagay sa istante. Lumapit ako sa unang istante at nakita ko rito ang Golden Tara ng agusan.  Isa siyang 21-carat gold female figurine. Natagpuan ito sa wawa river malapit sa Esperanza noong 1971.

...

"Guys, tignan niyo ito oh," tukoy ni Erik sa isang istante.

"Ang weird at nakakatakot ng itsura niya," sabat ni Aisha at dahil sa pagiging curiosity ko ay hindi ko napigilan ang sariling lumapit sa kanila at nakiusisa sa pinagkaguluhan nila.

Sumilip ako at nakita ko ang litrato ng lalaking may lapnos sa kanang bahagi ng mukha.

Napatingin ako kay Isabel nang tumikhim. Binasa niya muna ang ditalye bago niya inexplain sa amin.

"Siya si Don Guzman Feliciano at ayon dito, isa siyang mayamang Haciendero namumuno sa bayan ng Feliciano. Pinanganak siya noong Marso 8, 1833 at idineklarang patay sa kadahilanang hindi na natagpuan ang bangkay niya," pagpapaliwang ni Isabel.

Tuamango tango sila at nagsialisan. Muli ako tumingin sa litrato. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, kung bakit ako nalulungkot habang pinagmamasdan ko ang itrato.

"Fely, anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" tanong ni Anika. Nagulat ako sa tanong niya. Hinawakan ko ang pisngi ko at tama nga siya umiiyak nga ako. Umiwas ako ng tingin sa kanya at umiling. Ayaw ko nang mag-alala pa siya dahil kahit ako ay hindi  alam ang isasagot kung bakit ako umiiyak.

Huminga ako nang malalim atsaka pinunasan ang mukha.

"Tara na Anika."Ngumiti ako para ipakita sa kanya na okay ako.

Tumango siya at sumunod sa'kin.

Kinuhanan ko ng mga litrato ang kagamitan sa second floor nitong Spanish Era. Napangiti ako nang makita ang mga sandata na ginamit nila sa digmaan noong 1840. Lumapit kami sa Tour guide na abala sa pagpaliwanag ng mga kagamitan naririto.

"Isa itong Rifle na kung tawagin nilang Jezail or Camel Gun ito ay ginawa ng mga British Firearms na galing sa Afghans noong 1840. Ito ang ginagamit ng mga sundalong britanya sa pakikidigma habang sila ay nakasakay sa camel," tukoy niya sa baril na gawa sa kahoy.

"Ito nasa kanan naman ay ang tinatawag na talwar o talwaar sword. Ito ay galing sa India at maliban sa India, ito rin ay matatagpuan sa Pakistan at Afghanistan."

Sa pagsipat ko ng bawat sandata ay hindi ko namalayang nakalayo na pala ako sa mga kasamahan ko. Kinuha ko ang tumbler sa bag atsaka uminom rito. Pagkatapos ay binalik ko ang atensyon sa mga sandata. Bawat detalye ng mga kagamitan naririto ay sinasaulo ko upang may maisagot ako kay Prof.

Napatigil ako sa paglalakad at lumingon sa kaliwang parte. Lumapit ako sa isang istanteng nag-iisa sa parteng ito at saka pinagmasdan maigi ang litrato ng lalaki. Napakunot ang noo ko dahil sa biglaang pagsibol ng kaba sa aking dibdib. Napahawak ako sa dibdib at ibinalik ang atensyon sa litrato. May kasama itong kwintas sa tabi na half moon at may bilog sa gitna ang.

Muli kong binalik ang tingin sa litrato atsaka hinawakan ang salamin sa pagitan nito at binasa ang description.

Documents of Lorenzo Montecillo's confirmation as the young General of ce-

Hala anong nangyari b-bakit biglang nawala?

Y-yung litrato, bakit biglang naglaho?

Kinusot ko ang mata ko at muling tumingin sa litrato.

Nakapagtataka, paano ito nawala?

Pero, baka nanaginip lang ako?

Agad  kong kinurot ang sarili.

"Ouch!" Napangiwi ako. Oh my gash! Hindi nga ako nanaginip.

Napalayo ako at hindi inalis ang tingin sa pinagkalagyan ng litrato. Hala! baka may maligno ang litrato.

Napatalon ako sa gulat nang tinapik ako ni Ange.

"Fely angyare? Para kang timang diyan?" tanong niya.

Hindi ko siya pinansin at kinusot ko ang mata. Muli ako tumingin sa litrato at nakitang nandito ang litrato.

Napabuntong hininga ako. Baka namalikmata lang ako kanina.

Kinuha ko ang camera atsaka ito kinuhanan ng litrato.

Nang matapos namin libutin ang Spanish Era and Politician's History ay naisipan namin ni Anika na pumunta sa Souvenir Shop.

"Sama ako," pagsabat ni Gladys sa amin. Lumapit si Isabel at kasunod niya ang mga kaklase.

"Mas maganda siguro kung tayong lahat na lang ang pumunta." Suhetisyon ni isabel na sinang-ayunan ng iba.

Malapit na kami sa Shop nang nagmadaling pumunta doon si Edmilyn. Napakunot siya at napatitig sa pinto.

"Ano ba ang pull? " tanong niya habang nagdadalawang isip kung hihilahin ba o itutulak ang pinto.

"Hilahin. Ay ano ka ba naman Edmilyn. Grade 11 ka na lahat-lahat hindi mo pa rin alam ang salitang pull," umiiling na sambit ni Isabel.

Napahiyang napakamot na lang sa ulo si Edmilyn.

Naunang binuksan ni Gladys ang pinto kaya sumunod si Edmilyn na nakatungo. Napabuntong hininga ako at nilapitan siya.

"Okay lang iyon Edmilyn. Lahat naman tayo may hindi alam so don't let yourself down okay?" Ngumiti siya at tumango.

Sumunod akong pumasok sa kanya at saka nagtingin tingin ng mga Item. Napatigil ako nang makita ko yung cute na guitar keychain.

Kinuha ko ito at saka binili.

Napatingin ako kay Anika habang nakatitig sa yukelele. Nakalagay ito sa isang istante at base sa itsura nito ay halatang napakatagal na nito.

"Anika," tawag ko sa kanya. Malungkot siyang tumingin sa akin. Lumapit ako sa kanya at inakbayan siya.

"May problema ba?" tanong ko sa kanya.

Napabuntong hininga siya.

"Hindi ko alam Fely kung bakit ang lungkot ko. Nakita ko lang itong Yukelele. lumungkot na ako," Paliwanag niya. Sa tagal ko nang kilala si Anika ngayon ko lang siya nakitang ganito. Tumingin ako sa Yukelele.

Biglang may pumasok sa isip ko. Medyo blurred ng itsura niya.

"Patawad binibini ngunit ang aking pagtutog ay para lamang sa nag-iisang babae sa puso ko."

Napabuntong hininga ako at bumilis ang tibok ng puso ko. Napakapit ako sa dibdib. Anika, ganito rin ba ang nararamdaman mo. Sabi ko sa isip habang nakatingin kay Anika. Tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Fely, tara na," sabi niya at hinila ako palabas.

Pagkalabas namin ay lumapit kami sa mga classmate namin nagkumpolan sa gilid.

"Doon kaya tayo sa National Archieves. Ang sabi kasi ng pinsan ko maganda raw doon pero may pagkacreepy," sabi ni Charles.

"Anong creepy?"

"Yung makakaramdam ka ng pagtaas ng balahibo."

"Ayy huwag na lang tayo tumuloy. nakakatakot," sabi ni Gladys.

Binatukan siya ni Ange.

"Loka! Parang hindi mo kilala 'yan si Charles."

"Tara na nga. Ang dami niyo pang sinasabi. Pupunta lang tayo doon.

Kuminang ang mga mata ko nang makapasok. Luminga ako at pumunta sa isang pisara. Ang ganda ng pagkakaguhit ng istraktura ng barko. Bawat paguhit ay mahahalata mong pulido at pinag-iisipan maigi.

Hindi ko alam pero ang lakas talaga ng impact sa'kin ng Museong Ito, na kada tingin ko sa bawat kagamitan naririto ay parang mas nagiging pamilyar sa'kin ang pakiramdam.

Binaling ko ang tingin sa mga tela at saka lumapit dito. Trinace ko ang kamay sa tela nakalagay sa lamesa.

Napangiti ako sa natuklasan. Isa itong mapa ng Isla.

"Alam niyo ba bago dumating ang mga kastila ay mayaman na ang Sugbo?" Napatingin ako sa Tour guide. Nakatayo siya sa stage habang nakapalibot ang mga kaklase ko.

"Dahil sa ito ang pangunahing kalakalan ng mga dayo sa ibang bansa tulad ng China, Malaysia at Vietnam," ani Isabel.

"Tama at hindi lang sa kalakalan mayaman ang Sugbo kundi mayaman rin ito sa mga spices na ginagamit na sangkap sa pampalasa," pagpapaliwanag ng Tour guide. Napatango naman kami sa nalaman.

Nagpahinga kami sa Bench nang matapos namin libutin ang Museo.

"Guys gusto niyo?" alok ni Stephen habang nakalahad ang chichirya. Agad kaming nagsikuha.

Lumipas ang ilang minuto ay bumalik na kami sa loob.

"Guys doon naman tayo sa may balon," nakangiti ani Brix.

"Sige!" parang batang sambit ni Edmilyn.

Pagkarating ay pinalibutan agad nila ang balon atsaka sinilip ang nasa loob nito. Galing na ako rito kanina kaya umupo na lang ako sa gilid. Tumikhim si Brix saka tumingin sa'min.

"Alam niyo ba ang kwento tungkol sa mahiwagang balon sa Sugbo?" seryosong tanong niya. Umiling ako bilang sagot sa tanong niya.

"Hindi," ani Gladys.

"Ang sabi daw once na humiling ka sa balon na ito ay nagkatotoo ang lahat ng iyong hilingin pero may nakapagsabi din na may kung anong milagro nangyayari sa mga taong humiling dito tulad ng hindi mapaliwanag na pangyayari," paliwanag ni Brix.

Napaisip ako kung totoo nga ang kwento-kwento tungkol sa balon. Pero...

Ano na ang mangyayari sa'kin nito?

"Nandito na po ako!" nakangiti kong sambit nang makapasok ako sa bahay. Lumapit ako kay nanay saka nagmano.

"Anak, musta ang tour sa Museo? " tanong ni nanay.

"Masaya naman po at maraming natutunang bagay about sa kasaysayan" ani ko.

"O s'ya kumain ka muna bago ka umakyat." Tumango ako sa kanya saka kumuha ng plato.

"Nay nga pala, naniniwala po ba kayo sa mahiwagang balon sa Sugbo?" tanong ko sa kanya bago sumubo.

"Hindi," aniya.

Parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib sa sinabi ni nanay. Bigla-bigla kasi ako umaaksyon na hindi ko pinag-iisipan kaya minsan ay napapahamak ako

Pumanhik ako sa kwarto pagkatapos ko kumain para maligo.

"Felistina.."

Napatigil ako sa pagsasabon nang may tumawag sa'kin. Naghintay ako ng ilang minuto para makasigurado kung meron nga tumatawag. Pero lumipas ang minuto ngunit wala naman tumatawag kaya bumalik ako sa pagsasabon.

Umupo ako sa tapat ng salamin nang makapagbihis at sinuklayan ang mahabang wavy kong buhok. Napatitig ako sa itsura ko. Hindi ko alam kung bakit na iiba ang itsura ko. Hindi naman ako pangit at hindi rin maganda pero bakit ang lakas ng dating ko.

"Ate sa isip mo lang maganda ka. Pero ang totoo hindi ka talaga maganda," pangbabara sa'kin ni Camille at nahiga sa kama ko. Napalobo ako sa pisngi sa sinabi ng batang ito. Naku!!

"Lagot kang bata ka sa'kin!" sabi ko at kiniliti siya.

"Hahaha ate tahahama na."

"Ano nga 'yung sinabi mo kanina?"

"Sahaabi ko haha po maganda ka." Pagkasabi niya iyon ay tinigilan ko na siya.

"Bakit ka nga pala nandito. May kwarto ka naman ha?" sabi ko at humilata.

"Wala lang ate. Gusto lang kitang katabi sa pagtulog," aniya at yumakap sa'kin. Lumambot ang mukha ko sa sinabi niya.

"Nightmare?" tanong ko sa kanya. Tumango siya at hinigpitan niya pagyakap sa'kin. Tinapik tapik ko siya sa binti para hihele. Ito kasi ang nakasanayan kong gawin sa kanya kapag nandito siya sa kwarto ko. Tumingin ako sa maamong mukha nito, maganda ang kapatid kong si Camille kung titigan mo iisipin mo na may lahing banyaga, maputi kasi ito, may mataas na pilik mata, may matangos na ilong, may mapupula at maninipis na labi. Minsan naiisip ko na ampon ba ako? kasi ba naman ang ganda ng kapatid ko kumpara sa'kin nga-nga.

"Magandang umaga Nay, Tay," bati ko sa kanila at umupo sa tabi ni nanay.

"Magandang umaga din anak/Fely," sabay na bati nila nanay.

"Magandang umaga po," magalang na bati ni Camille.

Binati din namin ito at pinagpatuloy ang pagkain.

"Ano ka ba Alfredo may mga bata." Napangiti ako sa kasweetan nila nanay. Si tatay nakayakap sa likuran ni nanay habang nanghihingi ng kiss at ito naman si nanay parang teenager na nagpabebe.

"Sige na mahal. Kahit isang kiss lang," nakangusong sambit ni tatay.

"Nanay sige na po kiss mo na si tatay o si tatay magkikiss sayo," paghahamon ni Camille.

"sige na nga," pabebeng sabi ni nanay at ginawaran ng halik sa labi si tatay.

"Ayiiiieeehh!" sabay na sabi namin ni Camille habang kinikilig.

Tumayo ako at pumunta sa garden para lumanghap ng sariwang hangin. Humiga ako sa duyan at pinikit ang aking mata.

"Felistina aking sinta.."

Napadilat ako nang may bumulong. Luminga ako sa paligid dahil baka may nangtritrip lang sa'kin at gusto lang ako takutin. Napapikit ako nang biglang may malakas na hangin na tumama sa aking mukha.

"Felistina..."

Sa pagdilat ko ay may naaninag akong isang pigura ng lalaki sa tabi ng puno. Matipuno ang pangangatawan nito at matangkad. Naliliit ang mata ko na unti-unti itong naglalaho.

"Fely!"

"Ay kalabaw!"

Aray shit ang sakit ng likod ko. Napangiwi akong tumayo habang nakahawak sa likuran kung saan unang bumagsak. Napatalon kasi ako sa gulat kaya nawalan ako ng balanse at nahulog sa duyan. bumalik ako sa pagkakaupo sa duyan at tinignan si Anika.

"Teh anyare?" Kita ko nagpipigil ito ng tawa. Sinamaan ko siya ng tingin kaya umayos ito.

"Bakit ka ba nanggugulat?"

"Eh girl, hindi naman kita ginugulat sadyang tulala ka lang" aniya.

"May kailangan ka?" Tanong ko sa kanya habang nakataas ang kilay. Napangiwi ito sa tinuran ko.

"Di bagay girl," aniya at umirap pa.

"Ano nga ang kailangan mo at nandito ka?"

"Hala girl makalimutin lang," aniya.

"Tss. Magtatanong ba ako kung alam ko?"

"Ay gaga nakalimutan nga tss. Girl ngayon tayo pupunta sa NBS," aniya. Agad nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

Ayy oo nga pala nakalimutan ko.

"Hehe, sorry na," ani ko habang nagkakamot ng ulo.

Nagpaalam ako sa kanya para mag-ayos. Kinuha ko ang dress na above the knee at doll shoes sa cabinet at sinuot ito. Naglagay lang ako ng light make -up saka gumora na.

Nang makapasok sa NBS ay agad namin hinanap ang libro. Ngayon kasi ang releasing nito kaya agad kami nagplano ni Anika na pumunta dito dahil baka maubusan kami ng iba, Sa dami ba naman naghahanap ng librong iyon tiyak mauubusan kami kung hindi namin inagahan ang pagpunta.

Noong una kasi napublish ang libro ay hindi namin keri ang presyo. Kahit na sulit dahil sa dami ng freebies na makukuha mo ay hindi talaga keri.

Luminga linga ako sa bawat section, pero wala talaga. Humarap ako kay Anika na naghahanap din sa kabila.

"Nakita mo na?" tanong ko sa kanya pero umiling lang siya. Napabaling ako sa isang staff nakaupo habang nilalagay ang mga libro sa shelves.

"Ahm Ms. excuse." Tumingala ito saka tumayong humarap sa'kin.

"may tatanong po sana ako?"tumango ito.

"May libro po ba kayong Be with you?"

"Sino ang Author?" Tanong niya.

"Si binibini Sara po," ani ko. Kinuha nito ang folder.

"Hindi pa na deliver Mam, baka tomorrow narito na iyon," aniya.

Tumango ako sa kanya at nagpasalamat. Lumapit ako kay Anika na abala sa pagtingin ng libro.

"Wala pa daw, pero ang sabi ng isang staff baka bukas pa daw ang deliver," ani ko. Napabuntong hininga siya habang nakatitig sa librong hawak.

"Bakit ba kapag hinahanap ko ito ay hindi siya nagpapakita pero kapag hindi naman doon siya magpapakita," aniya.

"Anong plano mo, bibilhin mo ba 'yan o hindi?" tanong ko sa kanya. Ngumiti siya.

"Syempre bibilhin. Matagal ko ng gustong bilhin ang librong ito kahit na mahal ay sulit din ang nasa loob nito," aniya habang yakap ang libro.

...

"Bye! Fely, kita kits na lang bukas," aniya. Nang makababa ako ng jeep. Kumaway ako sa kanya bago maglakad papunta sa'min.

Pagkasarado ko ng gate ay nakita ko si nanay na abala sa pag-ani ng bulaklak na binibenta sa mga Flower shop at sa maliit na Flower shop namin malapit sa santo niño church. Lumapit ako sa kanya saka nagmano.

"Pagpalain ka ng diyos,"

"Ate!" Tumatakbong sambit ni Camille.

"Oh Camille magdahan dahan ka at baka ika'y madapa," ani nanay.

"Opo! Nay, Ate pasalubong ko," aniya. Lumapit ito sa'yykin saka yumakap sa binti ko. Ngumiti akong pumantay sa kanya at kinuha ang donuts na binili ko kanina. Nang makita niya ay agad lumawak ang pagkangiti nito.

"Salamat ate," aniya.