Nagmamadaling umakyat si Rio sa LRT. Malelate na siya sa trabaho kaya lakad, takbo ang ginawa niya. Mula sa pilahan ng ticket, hindi siya mapakali. Panay ang tingin sa orasan.
"Naku! Late na talaga ako"
LRT Roosvelt to Carriedo Station. Buti na lang at mula siya sa Roosvelt kaya di niya kailangan makipagsiksikan sa pagpasok.
Sa sobrang kamamadali, di niya na napansin na sa panglalaki at pangbabae siya nakasakay. Kadalasan kasi sa pangbabae lang siya sumasakay, mas kumportable kasi siya doon at okay lang na makipagsiksikan~walang malisya.
"Hala?! Paano ako baba mamaya?" sa isip isip ni Rio... Nakaupo pa naman siya sa may gitnang bahagi ng Tren. Sigurado kasi siya na sobrang siksikan na mamaya pagdating sa bababaan niya kaya siya pumwesto sa gitna.
Dumaan ng Balintawak... medyo napuno na.... Pagdating naman ng Monumento talagang punong puno na. Sumilip si Rio sa daanan ng tao. Siksikan. Halo halong kasarian. Kitang kita ang paghihirap ng mga tao sa loob.
Malayo-layo pa naman ang bababaan ni Rio kaya naidlip muna siya...
-----DOROTEO JOSE STATION...
"Excuse Me... Miss. Miss..." nagising si Rio sa pagkalabit ng lalaking katabi niya...
"Naku! Naku Sorry kuya..." napatungan pala nito ang balikat ng lalaki.
"Okay lang... pababa na kasi ako." sabay kindat pa nito---Tsss.... CHICKBOY. Ngumiti na lang si Rio, alam kasi nito ang mga ganung uri ng lalaki... MAHANGIN.
"Tss...jjdpdhaohdasidasugd" sabi ng lalaki na pumalit sa tabi niya, di na lang niya ito pinansin. Di na rin siya natulog dahil malapit na rin siyang bumaba.
"Bakit kaya ganun? Kahit alam nilang di na kaya ipagsisiksikan pa rin nila ang sarili nila?" sabi ng lalaking katabi niya... Ahhh... BOY HUGOT ito sa isip isip ni Rio, di na rin niya ito hinarap kasi baka hindi naman siya ang kausap nito.
"Bakit kailangan ipilit pa yung mga bagay na hindi na pwede?"
---CARIEDO STATION...
ETO NA! MANDIRIGMA NA SIYA!... Kailangang niyang makadaan kahit makipagsiksikan siya.
"Bakit kailangan masaktan kapag nagmamahal?"
"Tadhana nga ba ang nagdidikta? "
Patuloy pa rin na pagsasalita ng lalaki... Baliw siguro? Sa isip isip ni Rio.
"Excuse Me..." nahirapan itong makipagsiksikan. muntik pa nga itong masarahan dahil sa sobrang sikip bago siya makalabas.
Sa huli nakalabas naman siya at sinulyapan ang lalaking katabi niya kanina. Wala na yung lalaki dun. Hinayaan na lang niya. Mas inisip niya na LATE na siya at yari na siya sa boss niya.
-------------------
Nagmamadaling naglakad si Rio. Lakad, takbo ulit ang ginawa niya.
Pagdating sa Opisina.
"Good Morning Ma'am... Good Morning Sir."
"Miss Rosario San Jose! Late ka na naman!" Bulyaw agad ng boss nitong bakla.
"Sorry Sir..."
"Wag mong sabihing natraffic ka! Aba! LRT lang naman ang sinasakyan mo."
"Sorry po talaga sir... hindi na po mauulit."
"Yan! Laging ganyan! hindi na mauulit? lagi naman yan ang sinasabi mo!" napayuko na lang si Rio.
"Oh siya! maghanda ka na! may meeting tayo mamayang 10am... siguro naman natapos mo yung mga reports na pinapatapos ko sayo... bumalik ka na sa post mo."
"Yes Sir..."
-------------------------
A/N:
Cast:
Rosario "Rio" San Jose
Miguelito "Mig" Perez
~~~~
Main cast na lang po ang ipapakilala ko... Sa susunod na kabanata na lang po ipapakilala ang iba pang cast.
-lapisnawalangpambura (LNWP)