Chereads / My Ghost Boyfriend / Chapter 1 - CHAPTER 1

My Ghost Boyfriend

MyQueen0306
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 7.8k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - CHAPTER 1

CHAPTER 1

KLEA POV

Ang ingay, aga-aga ang ingay na naman. Kinapa ko ang kumot ko, kasi giniginaw ako. Puyat na puyat kasi ako kagabi, tinulungan ko pa kasi si Naynay sa pagbebenta ng ukay-ukay niya.

Nasaan na ba ang kumot ko? Kanina ko pa kinakapa hindi ko mahanap. Kaya sapilitang iminulat ko ang mata ko ng may kasama pala ako sa kama ko. Kaya dali dali kong hinila ang kumot ko at takpan ang mukha ko, ng tinakpan ko ang katawan ko ng kumot biglang may nakita ako kaya naman

"Aaahhhh!!! Ano ba?!" Napasigaw ako sa gulat. Paano ba naman may kasama akong multo habang natutulog at dugo dugo pa ang mukha, sino ba naman ang hindi magulat.

"Aahhh!!!" Sigaw din ng multo. Tssskk... aga-aga lagi na lang ganito. Minsan pinagtritripan pa ako ng mga multo, sanay na ako. Normal na lang sa akin ang mga ganitong bagay.

"Tumigil ka nga, ikaw pa ang may ganang sumigaw. Layas na!" Sigaw ko sa multo at bigla naman itong naglaho.

"Oh Klea gising ka na pala. Akala ko kung ano nang nangyari sa'yo." Sabi ni Naynay na ngayon ay nasa kwarto ko na. Kaya umupo na lang ako sa kama.

"Ah, hehehe. Sorry po Naynay." Sabi ko na lang at napakamot sa ulo ko.

"O siya. Maligo ka na. May pasok ka pa." Sabi ni Nanay sa akin at lumabas. Napabuntong hininga na lang ako, tsssk...nsarap na sarap ako sa tulog tapos may multong nangahas na gisingin ako. Padabog akong tumayo sa higaan ko at pumasok sa banyo. Nang pumasok ako sa banyo may tao sa loob sabay sabing

"Klea halika laro tayo." Sabi ng babae na may mahabang buhok at mahabang puti na damit na hanggang talampakan niya at nakalutang siya, na mas ikinainit ng ulo ko.

Aga-aga bwinibwisit ako ng mga multong ito."Tumigil ka ayaw ko makipaglaro sa'yo." Sabi ko at nagsimula ng magshower.

Nagtataka ba kayo? Ganito na ako simula bata pa ako, simula nang namatay sina Mommy and Daddy. Si Naynay na lang ang meron ako, siya ang nagsisilbing guardian ko. May mga anak naman si Naynay pero mga walang respeto iniwan lang si Naynay mag-isa. Hindi kami mayaman, pero kumakain naman kami tatlong beses sa isang araw  Sapat na sa amin ang ganitong pamumuhay, may negosyo naman si Naynay, ukay-ukay sa Divisoria.

So yun lang ang kunting background sa buhay namin. Pagkatapos ko maligo ay bumaba na ako, at napangiti na lang ako ng nakita kong hinahanda ni naynay ang baon ko.

Balang araw makakabawi din ako kay Naynay. Pinapaaral ako ni Naynay sa isang All Girls School, isa itong private school. Wala namang kaso sa akin kung nasa public ako, ang kaso scholar ako sa paaralan namin. Hindi nga minsan maiwasan na mabully ako, syempre lalaban ako wala silang karapatan na tapaktapakan ang pagkatao ko.

"Mag-ingat ka sa paaralan mo. Tingin sa kanan at kaliwa kapag tatawid sa kalsada." Sabi ni Naynay.

"Yes Naynay." Sabi ko na lang. Kumuha ako ng pandesal at ininom ang gatas na tinimpla ni Naynay at nagpaalam na. Malayo pa ang lalakarin ko. 100 pesos ang araw ko, kulang ba? sapat na iyan para sa mga projects ko, may pondo naman ako kapag may sobra akong pera sa baon kong pera.

Alam ni Naynay na may ganito akong abilidad na nakakakita ako ng mga bagay na hindi nakikita ng mga normal na tao. Minsan nga iniisip ng mga tao na nababaliw na ako dahil nagsasalita akong mag-isa.

Habang naglakakad ako sa highway, may aksidenteng nangyari. Aga-aga disgrasya agad? Ang ganda naman ng umaga ko. Madaming tao ang pilit nakipagsiksikan para makita kung sino ang nadisgrasya.

Napairap na lang ako. Ang chismoso talaga ng mga tao, baka may makita na naman akong kululuwa nito. Kaya dali dali na akong umalis sa kaganapan ng aksidente. Infairness baka mayaman ang na aksidente may mga reporters pa nga eh.

Habang naglalakad ako may mga naririnig akong mga bulungan ng mga tao.

"Naku, ang bata nung na aksidente kanina. May itsura, mukhang anak mayaman."

Napailing na lang ako sa narinig. Well, mga kabataan nga naman ngayon hindi nag-iisip. Isa lang ang buhay natin kaya huwag sayangin. Minsan nga habang natutulog ako may humihingi ng tulong kasi gusto na niyang bumalik sa kanyang katawan.

Habang naglalakad ako, may nasagi akong isang lalaki. Ang tanga mo naman Klea.

"Sorry, hindi ko sinasadya." Sabi ko at yumuko pa. Baka mamaya papagalitan ako madami pa namang tao na nandito. Hindi man lang umimik ang lalaki na nasa harapan ko, ng tignan ko

0.0

Ang gwapo, ngunit mukhang masungit dahil tinitigan lang ako. Yumuko na lang ako upang humingi ng paumanhin ng may nagsalita sa likod ko.

"Ineng? Anong ginagawa mo diyan?" Sabi ng matanda sa akin na parang nasa 60's na.

"Huh? Humihingi po ako ng paumanhin sa nabangga ko." Sabi ko sabay turo sa lalaking nakabangga ko. Tinignan naman ni manang ang tinuro ko at taka akong tinignan.

"Naku Ineng wala naman ah. Hay naku mga kabataan talaga. Pumasok ka na nga sa paaralan mo ineng." Sabi ng matanda at umalis na.

*gulp*

Ano? Hindi niya nakita ang lalaki. Tinignan ko ang lalaki at tila nagtatanong ang mata niya na nakatingin sa matandang naglalakad palayo sa amin at mukhang naguguluhan.

"What? That old lady, didn't saw me?" Tanong niya sa akin at mukhang hindi siya makapaniwala.

Naku, lagot. Huwag niyong sabihin na kaluluwa ang isang ito. Bakit ko siya naramdaman kanina nang nabangga ko siya?

Hindi ko na siya sinagot, at dali dali na ako umalis at iniwan siya. Impossible. May itsura ang lalaking iyon sayang naman ang kagwapuhan niya, kaluluwa na pala siya.

Bakit ko siya nahahawakan? Akala ko ba kaluluwa na siya? Habang naglalakad ako patungong paaralan iniwaksi ko na sa isip ko ang nangyari kanina, bahala na nga iyon. Lagi naman nangyayari iyon yung pinagkakamalan akong baliw.

"Good morning Klea." Bati sa akin ni Manong. Guard siya ng All Girl School. Mga magagarang sasakyan ang makikita mo sa paaralang ito. Mga anak mayaman kasi sila. Syempre ako may sasakyan din, sasakyan ko ang aking mga sapatos. Hindi naman ako nahihiya kung ako lang ang estudyanteng naglalakad papunta dito at umuwing naglalakad, walang kaso sa akin. Bakit naman ako mahihiya? Bakit sino ba sila? Bakit naman ako mahihiya sa kanila? Pumasok ako para mag-aral at para matulungan si Naynay, hindi umakto at magpanggap na anak mayaman. Proud ako na ganito ako, at least naturuan ako kung paano rumespeto sa nakakatanda at paano pahalagahan ang isang bagay.