Chereads / The Way I’ve Always Loved You / Chapter 7 - Chapter 5

Chapter 7 - Chapter 5

PASADO ALAS-ONSE ng umaga nang magising si Ice. Wala siyang balak pumunta ng boutique ngayon. Hinabilinan nalang niya ang kanyang sekretarya. She's craving some muffins today. At balak niyang mag-bake. Dali dali siyang nag-hilamos at pagkatapos ay dumeretso na siya sa kusina.

Nadatnan niya roon si Manang Cora at ang anak nitong si Carmen, mga kasam-bahay nila ang mga ito at pinapag-aral ng mga magulang niya ang anak nito. Ang asawa nito na si Manong Jess ay ang personal driver nila.

"Good morning sa inyo." Masayang bati niya sa mga ito. There is something in her mood today. Napaka-gaan ng pakiramdam niya.

"Magandang umaga hija."

"Magandang umaga ate."

Sabay pa na wika ng mag-ina. Naghahanda ang mga ito ng pananghalian. Inihanda niya ang mga gagamitin niya para makapag-bake ng mga muffins.

Muffins are always her favorite. Iyon din ang dahilan kaya 'muffin' ang tawag sa kanya ni Bastie. She can't get enough of them. Kaya pinag-aralan niya kung paano makapag-bake ng sarili niyang bersiyon. And luckily na-perfect niya iyon na maging ang mga kaibigan niya ay nagustuhan.

"Hija, ano pa bang gagawin mo? Kakain na." Ani manang Cora.

"Gusto ko po ng muffin manang, ito nalang po ang kakainin ko."

"Naku! Ikaw talagang bata ka." Iiling iling na wika ni manang cora.

Bumaling siya kay Carmen, nginitian niya ito at kinindatan. Napangiti din tuloy ito at umiling iling.

Ilang saglit pa ay mag-isa nalang siya sa kusina. At hinihintay nalang niya na maluto ang mga muffins niya.

Tinawagan niya si Jade habang naghihintay. Dalawang ring bago ito sumagot.

"Hello bestie." Bungad nito.

"Hi bestie! Oo alam ko busy ka!" Pauna niya rito.

"Mabuti naman at alam mo na nakaka-istorbo ka!" Anito mula sa kabilang linya.

"Abay, bakit? May honeymoon ulit bago ang kasal?" Pang-iinis niya rito. Naaalala pa rin niya kung paano naging tila mansanas ang mukha ng kaibigan ng aksidenteng naibulalas ni Erie na may nangyari na sa dalawa.

"Icelandia! Bwiset ka!" Inis na bulalas nito.

Tumawa siya ng malakas. "Ang arte mo! Pa-virgin effect kapa diyan."

Parang nakikita na niya na umuusok ang ilong ni Jade. "Pasalamat ka at ikaw ang gumawa ng gown ko dahil kung hindi, hindi kana invited sa kasal ko." Anang kaibigan na tinawanan lang niya.

"Anyway, tapos na po ang gown mo!" Balita niya rito at nagulat pa siya ng tumili ito. "Hey! Ano ba? Ang sakit nun sa tenga ha!" Reklamo niya.

"Sorry bestie, medyo na excite lang ako ng very light."

"Hay naku! Pinagpuyatan ko talaga yan kaya hindi pwedeng hindi ako invited sa kasal kung hindi susunugin ko yung gown mo." Banta niya sa kaibigan.

"Baliw kang talaga! Bawal ang bitter uy!" May kalakip na tawa ang tinig ni Jade.

"Sorry hindi ako fan ni Bitter Ocampo bestie."

"Naku! Okay lang yan. Bastie't ikaw."

"Ano?!" Baka kase namali lang siya ng dinig.

Tumawa ng malakas ang kaibigan. "Bastie't ikaw okay na ako."

"Walang hiya ka Jade Eriette! Susunugin ko na talaga ngayon ang gown mo!"

"Tignan mo na, ang pikon mo. Ikaw ang nag-umpisa." Anito na natatawa pa rin.

Humaba ang nguso niya at umirap sa hangin. "May muffin ako, hindi kita bibigyan bleh!" Parang batang sagot niya rito.

Lalong tumawa si Jade. "Oo na sige na bati na tayo. Salamat sa pagpu-puyat. Pero nakakapagtataka. Tinawagan din kase ni Erie kanina si Bastie, puyat din daw kaya hindi kaagad nakapasok ng opisina." Anito na binigyang diin ang salitang 'puyat'.

Mabilis na nagpaalam siya sa kaibigan bago pa siya magisa nito. Nagsasalita pa ito sa kabilang linya ay pinatayan na niya ito ng telepono. Buhay nga naman! Ang mga kaibigan niya ay parang dinaig pa si detective Conan!

Nang maluto ang mga muffins niya ay tuwang tuwa siya. Napapikit pa nga siya ng matikman ang isa.

"Ah! This is heaven!"

At biglang lumitaw sa balintataw niya si Bastie. Sukat doon ay napamulagat siya at napatingin sa mga muffins. At bigla siyang may naisip. Dali dali siyang naligo at nagbihis at umalis ng bahay.

INIISIP NI ICE kung ano kaya ang magiging reaksiyon ni Bastie kapag nakita siya nito sa opisina nito. Sa buong taon na magkakilala sila ng binata ay dalawang beses palang siyang naka-punta sa opisina nito. Una ay nang biglaan itong sunduin nilang magka-kaibigan dahil sa biglaan din na getaway na naisip ni Jayden. Pangalawa ay nang magpa-tulong ang binata sa kanya na may kukunin lang daw sa opisina.

Nasa huling palapag ang opisina ng mga executives. Si Bastie ang tumatayong Vice President ng kumpanya at alam ng lahat na inihahanda na ito ng kanyang ama para maging CEO ng kumpanya ng mga ito.

Napakaganda ng headquarters ng Antonio Hotels Group. Nahahati ito sa tatlo ang residence area, hotel area at office area. A building made of glass and really classy. Pakiramdam niya ay napaka-sosyal lahat ng mga taong nakakasalubong niya. Oh well, kung pagiging class at sosyal lang naman ang pag-uusapan hindi naman siya mapapahiya roon. Kilala siya sa larangan ng fashion designing at sa araw araw ay mga iba't ibang celebrities, socialites, matataas na opisyales sa gobyerno at mga iba't ibang tao na may sinabi sa buhay ang mga nakakaharap niya.

Huminga siya ng malalim at inayos ang sundress niya na puti at may mga rosas na kulay lila. And since she is in a good mood today, she also felt so beautiful today. Napangiti siya sa naisip at nagsimulang lumabas ng elevator.

"Effort kung effort te ha!"

No, she is only doing this because Bastie deserves this after last night. Iyon ang pilit niyang sinasabi sa kanyang sarili.

Nang tumapat siya sa receptionist ay magiliw na ngumiti siya rito. "Hi, I'm looking for Mr. Sebastian Antonio."

"Good afternoon ma'am, may I know if you have any appointment?" Magalang na tanong nito. Sa paraang hindi siya maiinis. Kaya imbes na mainis sa kaharap ay kay Bastie siya nainis.

"Bwiset! Na kutong lupa na iyon! Masyadong pa importante!" Inis na wika niya sa sarili.

"Pasensiya na ma'am, you are looking for the Vice President, that's why we are so strict when it comes to his appointments." Tila nahulaan nito ang nasa isip.

Nginitian pa rin niya ito. "It's okay, pwede nalang bang pasabi sa sekretarya niya yung pangalan ko? May iaabot lang sana ako."

"Sige po ma'am upo muna po kayo, tatawagan ko lang po siya saglit." Anito at may tinawagan. Malamang ang sekretarya ng binata.

Naupo siya sa sofa at pinagmasdan ang paligid. Napaka-relaxing ng ambiance. Parang si Bastie lang, cool at laging relax. Ilang taon na ba ang nakalipas ng huli siyang pumunta dito? Maybe 2 years? Sa pagkakatanda niya hindi ito ang receptionist na kausap nila noon.

"Excuse me ma'am, pasensiya na po may meeting pa raw po si Mr. Antonio. Hindi raw po ma-istorbo ng sekretarya niya." Hinging paumanhin nito sa kanya.

"Mga ilang minuto o oras pa raw ang itatagal?"

Muli nitong kinausap ang nasa kabilang linya.

"Mga isang oras pa raw po o dipende daw po sa mga kausap niya."

Napakagat labi siya. Napaka-busy nga talagang tao ni Bastie. At kung tutuusin ay napaka-swerte pala niya dahil pinaglalaanan siya nito ng oras. Ngunit alam naman niya kaya ito ginagawa ng binata. Sumusunod lang sa mga utos ng mga ama nila!

"Ma'am pwede rin pong iwan niyo nalang po ang gusto niyong ibigay at sabihin nalang din po namin ang pangalan niyo. Kung okay lang po sa inyo." Pukaw nito sa kanya. Magalang at mabait talaga ito. Karapat dapat nga itong maging empleyado ng Antonio Hotels Group.

"It's okay, I can wait." Magiliw na wika niya rito. Ano nga lang naman ang isang oras kumpara sa inihintay ni Bastie kagabi sa kanya.

"Okay ma'am. Would you like to have some juice, water or coffee?" Alok nito sa kanya.

"Sabihan ko kaya ang kutong lupa na iyon na taasan ang sahod nito? I really like her."

Napangiti tuloy siya sa na-isip. "No, I'm fine, thank you."

Nakarating siguro siya kanina sa opisina ni Bastie mga bandang ala-una. At mag-aalas kwatro na ay hindi pa rin ito lumalabas. Panay ang hingi ng paumanhin ng receptionist sa kanya sapagkat nag-tagal daw ang meeting nito. Wala naman siyang magagawa kung hindi ngumiti ng pilit dahil masyado itong mabait para pag-buntungan niya ng inis.

Ang kanina ay magandang awra niya ay unti unti ng nawawala. Ano ba kase itong naisipan niya? Bakit ba kasi dinalhan niya ito ng muffin?

"Kase nga nag-tiyaga siya kagabi diba? Kaya ikaw mag-tiyaga ka din para patas!"

Napabuntong hininga siya. Sabagay ginusto naman niya ito. Sisiguraduhin niyang hinding hindi na niya ito uulitin! Kung alam lang niya na ganito pala ka busy ang binata edi sana natulog nalang siya buong maghapon!

Hindi niya ipinaalam dito na pupunta siya ng opisina nito dahil gusto niya itong surpresahin. Ngunit siya pala ang na-surpresa! Buhay nga naman oh!

"Mapapatay ko talaga ang kutong lupa na iyon paglabas niya!"

KANINA PA NAIINIP si Bastie sa mga kausap. Kanina pa niya gustong umalis ng opisina. Ito ang huling meeting niya ngayong araw at hindi niya inaasahan na halos apat na oras na niyang kausap ang mga ito.

Kanina pa niya gustong umalis para mapuntahan si Ice. Muli siyang napangiti ng maalala ang dalaga. She kissed him for the first time! And it's on the lips! Para siyang baliw na ngiti ngiti kapag naaalala iyon.

Kung laging ganoon ang gagawin ng dalaga, siguro kahit araw araw siyang puyat okay lang. Baliw na nga talaga siguro siya dahil naiisip niya iyon.

Natitiyak niya na hindi pumunta ng boutique si Ice ngayon. May mata siya roon. Muli siyang napangiti sa naisip. Sa loob ng ilang taon, kasabwat niya ang sekretarya ni Ice. Siyempre hindi iyon alam ng dalaga. Kaya naman alam niya lahat ng mga schedules nito. Piece of cake wika nga.

Gusto na niyang makita ang dalaga at gusto niyang malaman kung okay na ito at kung nakakuha na ito ng sapat na tulog. Buong araw ay ito ang naiisip niya. Kaya naiinis na siya sa mga kaharap niya ngayon.

Tumayo siya na nakakuha sa atensiyon ng lahat. "I'm leaving. Please discuss further matter to my secretary."

Hindi na niya hinintay ang sagot ng mga ito at tumalikod na. Maging ang pag-tawag sa kanya ng kanyang sekretarya ay hindi niya pinansin. Kinuha lang niya ang mga gamit sa kanyang opisina at nagmamadali ng lumabas.

"M-Muffin?!" Gulat na bulalas niya ng makarating ng reception area. Halos sapakin pa niya ang sarili upang makatiyak kung hindi siya pinaglalaruan ng paningin.

Napangiti siya ng ilang beses siyang kumurap ngunit hindi ito nawala sa harapan niya. Napakaganda nito sa suot na sundress na puti na may mga rosas na kulay lila. Bumagay ito sa makurba nitong pangangatawan.

Ngunit unti unting nawala ang ngiti sa mga labi niya niya ng dumako ang tingin niya sa mukha nito. Sa dilim at talim ng titig nito, gusto tuloy niyang magdasal ng sampung ama namin, sampung aba birheng maria at sampung luwalhati sa ama!

"What did I do?"