Miriam: Oooops! That's my phone. Wait lang friend ha. Please make yourself at home. Alam mo na naman ang mga pasikot-sikot dito eh. Wait lang ha.
Tumayo si Miriam mula sa kinauupuan at naglakad patungong hagdanan papunta sa ikalawang palapag. Nang biglang....
Regina: Friend?
Miriam: O bakit? Something's wrong?
Regina: Babalikan mo pa ba ako dito?
Miriam: Oo naman. Ano ba namang klaseng tanong 'yan?
Regina: Baka kasi makalimutan mo na ako dito eh.
Miriam: Hindi noh, ano ka ba? I'll be back, promise. I'll just get my phone, then I'll just answer it. Baka kasi sina yaya na kasi 'yon. Lumabas kasi sila. Pinalabas ko. Hehehe... sige, wait lang ha.
At tuluyan na ngang umakyat si Miriam papunta sa kanyang kwarto. Walang tigil ang kidlat at kulog na para bang may bagyong paparating. Unti-unti na ring lumalakas ang hangin at dahan-dahan na ring lumalamig. Pagpasok ni Miriam sa kanyang kwarto, agad niyang kinuha ang kanyang phone sa kanyang kama at binasa ang mensahe. Galing sa isa pa niyang kaklase sa kolehiyo.
Mensahe: Miriam, Chloe here. I tried to reach you but you're not answering. This is an emergency. Call me right away once you read this.
Chineck ni Miriam ang kanyang cellphone at meron nga siyang 10 missed calls. Pero wala naman siyang narinig kanina na tumunog ang cellphone niya. Kaya inisip na lang niya na baka tumawag ang kanyang kaklase noong nasa labas siya kaya hindi niya narinig. Pagkatapos niyang chineck ang kanyang cellphone ay agad niyang tinawagan si Chloe.
Rrrriiiiiiinnnngggg....
Chloe: Hello?
Miriam: O Chloe, sorry ha hindi ko narinig noong tumawag ka. I just read your message. Ano bang nangyari?
Chloe: Buti naman at tumawag ka. Okay makinig kang mabuti. Huwag kang magugulat ha.
Miriam: Ano ba kasi 'yun? Tinatakot mo naman ako eh.
Chloe: Eh kasi, ahm....
Miriam: Ano? Okay ka lang ba?
Chloe: Si Regina kasi... ahm....
Nang binangggit na ni Chloe ang pangalan ng kaibigan ay hindi na siya sumagot at naghintay na lamang sa idudugtong ni Chloe.
Chloe: Miriam si Regina... patay na. Ahm, alam kong nakakabigla at nakakalungkot ang balita. Pero wala akong choice kundi ang sabihan ka. Alam ko kasing ikaw talaga ang malapit sa kanya. May alam ka ba kung bakit siya nagpakamatay? May alam ka ba sa plano niyang pagtalon sa building natin? May nabanggit ba siya sayong problema o hinaing? Hello? Miriam? Andyan ka pa ba?
Hindi makapagsalita sa sobrang gulat si Miriam. Nanlaki bigla ang kanyang mga mata. Hindi niya alam kung ano ang isasagot kay Chloe. Nanginginig ang kanyang mga labi. Nakaramdam ng kilabot si Miriam sa kanyang buong katawan. Sasagot na sana si Miriam kay Chloe... nang biglang....
Miriam: Oo, nandito pa....
Namatay lahat ng ilaw sa buong bahay at ganon din ang cellphone niya. Biglang bumukas ang bintana sa kwarto ni Miriam at kumulog nang napakalakas. Nagulat ang dalaga at naluluha na siya sa sobrang takot. Ang sa isip niya. Sino ang kausap niya kanina sa sala? Sinong Regina ang kaharap niya at kahawak kamay niya kanina? Bakit siya nasa bahay nila kung totoong patay na siya? Ano ang kailangan ng kaibigan niya sa kanya?