Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Failed the Love Subject

amikayela
--
chs / week
--
NOT RATINGS
17.8k
Views
Synopsis
"I know what's right and wrong pero sayo... Hindi ko na alam kung ano ang tama at mali because if loving you is wrong then for the first time I don't want to be right. Bakit sobrang hirap mong basahin? Bagsak na bagsak na ako sayo! Mahal na kita bakit di ko pa rin alam ang dapat gawin para mahalin mo ako?!" - Katie Elise Jung. ---- All Rights Reserved Copyright 2016 amikayela
VIEW MORE

Chapter 1 - Unknown Number

I didn't realized na buong bakasyon akong nakatutok lamang sa mga libro na ipinadala ni auntie galing Dubai. Well, it didn't fail to amuse me. I don't know why people waste their time engaging themselves in video games, Facebook, or in social media rather. Minsan lang naman ako gumamit sa nag iisa kong account sa Facebook if there is something worth sharing in public. 

I rarely post selfies, unlike the other Campus Queens which is Chloe, Zara, and Julienne. They are fond of taking selfies everywhere kung kaming apat magkasama. They're my best buddies ever since day one.

Beep Beeeeep~

My phone just rang and it flashed a name of...

Zaratoot

Yeah, Zara named it herself. I took my phone at the top of my bedside cabinet and accepted the phone call.

"KATIEEEEEEEE."  hindi pa nga ako umimik but then again she started getting hyper. Typical Zara Mayumi Park.

"Ohhh Zaraaa? Napatawag ka 'ata? I missed you na." I flashed a smile. Miss ko na ang tatlo damn, naging busy ako these past few months and I somehow miss being with them.

"I miss youuuuu na rin Katieeee! Sama ka sakin ngayon? My treat."  May halong excitement ang tono niya. Ugh, I feel bad to reject her, minsan lang yun magyaya para manglibre ng kung ano-ano. She often spend her money buying online games in cash or credit cards.

"Awwe sorry Zara, I can't. I was assigned to watch over my little bro today,  Lourence is not around kaya ako ang kusang nagdecide na ako nalang. And I still have to finish my book. Wag kang mag alala magkita kita naman tayo tomorrow it's the opening of classes, gala nalang tayo next week." 

"Ahh oh sige sigee Katie huhuhu sanay na ako sayoooo lagi ka namang busy ehhh, sige ha bawi ka sakin bukas." I can feel her pouting. Kasi naman si Mom and Dad nagdate nanaman, para talagang bumalik sa pagkabata ang dalawa. Wala na akong magawa eh mahal nila isa't isa kaya nga apat kaming magkapatid.

Ano kayang feeling na mainlove? Is it true that people who are in love can feel butterflies in their stomach? Hindi naman ako ganun ka manhid para hindi alam ang ganung bagay, it's just that I haven't experienced risking my life for someone, selflessly. Nakakatanga yun.

I didn't realized na kanina lang pala ako binabaan ng tawag ni Zara. Hindi man lang nagpaalam ang babaeng yun o sadyang hindi ko lang talaga siya narinig. Nagpatuloy na akong magbasa sa kanina ko pang hinahawakan na libro. Kulang yata ako sa tulog, I didn't slept last night, tinapos ko ang pagbasa ng latest Global Almanac na hindi ko man namalayan kung anong oras na akong natapos nun.

Nahiligan ko na talaga ang pagbabasa ng mga Book of Facts. Pumipili ako ng mga librong pwedeng basahin, some of the books I have read have moved into the realm of fantasy instead of giving truthful information. Nakakataba kasi sa utak, sarap sa pakiramdam na alam mo ang bawat sulok sa mundo. 

Bago pa ako makapagpatuloy sa pagbasa, may biglang kumatok sa pintuan.

Ugh, I bet it's my sister, again.

The door slightly opened and my sister entered na parang may itatanong na naman itong kung ano ano. Dala-dala niya tablet niya at pumwesto sa higaan malapit sa paanan ko.

"Ateeeeee I have a questionnn for youuuu and I bet hindi mo na ito kayang sagutin HIHIHIHI." urgh, what now?

I heaved a sigh. "Ano nanaman yan?"

She flashed a grin, which made her look funny and stupid "Hmmm, what is the highest mountain in the world before Mount Everest was discovered?" and now pinandilatan nya ako.

Hmm this is quite difficult.

"Mount Everest." I answered without hesitation.

"What?! Whyyyyy?" 

"Di ko alam, it is just that Mount Everest is still the highest mountain even though hindi pa ito nadidiskobre." bumuka bigla bibig niya.

"Ehhhh bakit ba alam moooo nalaaaang lahat kalaaaa ko di mo itooo alam ehh." umakto siya na parang umiyak talaga.

"Hahanap ako ng ibang riddles o mga mahihirap na tanong sa internet at sisiguraduhin ko na ngayon na hindi ka makakasagot." Bumaba siya sa higaan at patalbog na naglakad palabas, hindi man lang marunong sumirado ng pinto.

I sighed as I continued reading my book.

Mga ilang oras din ang lumipas at hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Bumalikwas ako ng pagbangon at napansing gabi na pala-- ah wait, it's 4:05 in the morning.

Akmang bababa na ako sa higaan at nagulat ng may bigla akong natapakan, A pile of books and my room's a mess. I looked at the direction where my bell pull is, and pulled it.

Manang Christy entered my room and the other maids, I ordered them to put all the books back to the library in an organize way at nagsikilos naman sila. I took a shower for about 3min. and I washed my mouth, I wore my bathrobe after and got out of my comfort room.

I prepared my school uniform and placed it on my bed as I dried my hair with a hair dryer. My hair is as golden brown as ever, I got it from my mom. I didn't bother putting make up all over my face, I was never conscious about my looks. Maganda pa rin naman ako sa kanilang pananaw kahit wala akong ilalagay na kung ano-ano sa mukha ko. And wala naman akong pinapagandahan so, no biggie.

I wore my uniform after I dry up, and started braiding my hair. Pagkalipas ng ilang minuto at natapos rin ako. I prepared my things and put it inside my leather backpack.

Time check, it is already 5:10. Napingiti ako sa pagka excited pumasok.

I took our home elevator down to the first floor, it took only 5 seconds before I proceeded to the dining area, I see mom cooking bacons and hotdogs, while waiting umupo muna ako, I heard biglang tumunog ang elevator.. may bumaba 'ata.

Yup, and it's Dad, mukhang kakagising lang niya 'ata at kinuskus ang dalawang mata niya gamit ang mga palad. Bahagya siyang umupo at hinihintay si Mom na matapos. After a couple minutes, nagsidatingan na mga kapatid ko at halatang inaantok pa. Kuya Lourence is also in his uniform and preparing himself to eat. Sabay kami ni Kuya na pupunta sa school malamang dahil iisa lang pupuntahan namin.

Mom placed the food at the dining table and took off her apron. Bahagya rin siyang umupo at tinignan kami lahat.

"Okay. We'll start praying na." Mom smiled na halatang maganda araw niya.

After we prayed, we started eating, maliit lang kinain ko dahil nagmadali ako baka mahuli pa ako sa klase. Hinila ko na si Kuya Lourence na parang gusto pa 'ata kumain pinigilan ko na.

"Mom, Dad, aalis na kami ni Kuya." 

"Sigee sige anak, Take care of yourselves." Nakigbeso ako kay Mom and Dad pati na rin si Kuya.

We started carrying our bags and proceeded outside the main door. Nakahanda na si Manong driver sa labas at nakaparada na ang Black Porsche ng family namin, halatang inaantay kami galing sa loob. 

"Aalis na ba tayo ma'am? sir?" 

Tumango kapatid ko at nagmadaling pumunta sa driver's seat si manong at kami naman ng kapatid ko sa likod. Manong driver started the engine at bumiyahe na kami, before kami nagpatuloy sa dinaanan namin nag antay muna kaming bumukas ang dambuhalang gate sa harapan ng bahay namin at tuloy ng lumabas.

Napatingin na lamang ako sa labas kung saan nadaanan namin ang mga bahay ng ilan dito at mga berdeng halaman na nagdala ng pagkaganda sa paligid. We passed by the bridge kung saan malapit sa karagatan at ako'y napahanga sa kagandahan na mayroon sa araw na bahagyang lumalabas at nagdala ng ilaw sa mundo.

Kaya siguro ako napaganito dahil ilang araw na rin akong hindi nakalabas ng bahay maliban sa araw ng family-get-together's. Ilang oras na rin ng biyahe at di ko namalayang nasa tapat na pala kami ng isang dambuhalang gate na kumikinang dahil yari ito sa ginto, bumukas ang gate at pinatuloy kami. Bahagyang pumarada si Manong Driver sa parking area. 

Hindi ko nalang pinalabas pa si Manong para pagbuksan kami ng pinto, kusa ko na itong binuksan at nagpaalam na kay Manong.

Nagpaalam na rin si Kuya na may kukunin siya sa RPO namin kaya hinayaan ko siya. 

"KATIEEEEEE." napalingon ako kung saan galing ang boses na yun and found out it was Zara and beside her is Chloe. I ran to them and hugged them. I missed them so much.

"Oh ayon si Julienne oh!" Chloe exclaimed. Lumingon ako kung saan nakatingin sina Zara at Chloe. Dumadami na rin ang mga estudyante rito, most of them noticed our presence and they started waving at us, we waved them back and greet them with a smile. Campus Queen duties is on.