Chapter 14 - Crazier

But he place his body in front of me with a boyish smile on his face, "Hey, I'm really sorry okay? I mean it, seriously," and he raise his right hand to brush his hair and ruffles it.

Napa-roll eyes nalang ako, "Oh, I might be twelve but I'm not that naive to fell on your charming boyish acts Mister!" sabi ko and nilagpasan ko siya. 

Bahala siya dyan! Alam ko na ang ganyang mga lalaki eh.

"So you think I'm charming?" rinig ko na bulong niya sa kaliwang tenga ko and because of what he said, I admit, ramdam ko ang hiya dahil sa katangahan ng dila ko.

Dahil sa sobrang inis ay inalsa ko ang front ng aking dress at tumakbo na palayo. Bahala na if I will run circles a dozen times just to avoid him. Call me childish or whatever basta ayoko sa kanya! He's so hard to read and hard to get along with, he's very different from Junyte!

Pero naramdaman ko ang pag-float ng sarili kong katawan sa ere and the hard thing that is feeling my back and arms. Napatingin ako sa aking left side and nakita ang mukha ng taong tinatakasan ko na sobrang seryoso ang mukha, I diverted my eyes to his and saw how it sparkled like the stars tonight.

"I promise," sabi niya, more like a whisper. And it made me realize na alsa pa niya ang katawan ko and I started to panic but he whispers again, "I promise I won't make you mad again."

Napakurap ako ng ilang beses and I just realized na unti-unti na niya akong binababa but he's still not breaking our eye contact. He's just staring at me with those black with a slice of a little grey that is still sparkling.

I averted my eyes from his. Hindi ko ata kaya, I feel like I didn't breathe at that brief moment. Geez, did I just forgot how to breathe? 

Humakbang ako backwards by two steps and lumaki ng konti ang mata niya then nakita ko na medyo na flinch ang kamay niya sa kaliwa, maybe he thought I am running away from him again.

Medyo gumaan naman ang pakiramdam ko towards him, he seems more apologetic this time.

Napakagat nalang ako ng aking ibabang labi and tumingin sa paligid because of this awkward moment, he's still looking at me though while caressing his nape-- sign of awkwardness too I guess.

Napansin ko na nasa loob na pala kami ng circle kung saan nagsasayawan ang mga tao, medyo nasa pinakadulo kami kaya di ko napansin kanina. Masaya ang inaawit ng banda at random dance lang naman ang sinasayaw ng mga taga-rito, sobrang saya nilang tignan. Kami lang ata ang nandito na sobrang stiff ang mood.

Tumingin naman ko sa kanya at ngumiwi dahil sa naisip ko na gagawin ko, "Ahm, do you want to dance?" tanong ko sa kanya.

Oh come on! It's the twentieth century, what I did was normal right?

I guess not, kasi nanlaki lang naman ang kanyang mga mata at nakita ko na medyo namula siya kaya medyo natuwa or more so, parang natawa ako. He's freaking blushing!

"W-Wha... Ahm, d-do I want to dance?" tanong niya at tinuro niya pa ang kanyang sarili gamit ang kanyang hintuturo. 

Nag-chuckle lang ako at tumango sa kanya, "Silly, may kasama ba akong iba dito? May nakikita ka bang di ko nakikita?" biro ko naman sa kanya and napakurap naman siya ng dalawang beses bago ngumiti at hinawakan ulit ang kanyang batok.

Nagulat nalang ako ng bigla siyang nagkunwari na mataas ang kanyang coat na para niya itong tinabig ng kanyang dalawang kamay at sabay na lumuhod kaya ako naman ang nanlaki ang mga mata and I also saw na medyo napahinto ang ibang nagsasayaw at tumingin sakin at nagsimulang ngumisi tapos nagbulung-bulongan.

Tumingin ulit ako sa lalaking nakaluhod sa harap ko na nakangisi, "I guess I should do it in a proper way then," sabi niya at tumikhim naman ito tapos inilahad niya ang kanyang kanang kamay, "Chloe Miyuki Park, would you be so kind to dance with me tonight?" sabi niya na medyo mas pinalalim pa niya ang kanyang boses para kunwari katulad ng mga nasa movies.

Narinig ko naman ang pagtili ng mga taga-rito at ang kanilang mga bulongan, habang itong lalaki na nasa harap ko naman ay nakakainis dahil sa sobrang ganda ng kanyang mga mata na sobrang halata na nasisiyahan sa pagsuporta ng mga tao dito sa kanya.

Nag-chuckles nalang ako at tinanggap ang kanyang kamay, "Do I have a choice?" sabi ko at pabirong nag-roll ng aking mga mata at tumawa, sumabay naman siya sakin at tumayo na.

He place himself sa gilid ko at nag-bow ng konti para paunahin ako ng konti and then he put a little force na iharap ako sa kanya and he started to catch my waist at inilapit ang katawan naming dalawa kaya napahawak naman ang isang kamay ko sa shoulder niya. 

When I thought that our position is inappropriate sa masayang tugtugan ay mabilis naman itong nagchange ng song ang banda. Bigla itong nagplay ang Crazier ni Taylor Swift. 

Hmm, I remember that my family and that haciendero guy na akala ko gardener ay nag-ano ng kuryente dito at et cetera sa probinsya, some of them may be a fan of Taylor Swift then.

"Looks like may fans club na tayong dalawa," bigla naman niyang sabi na ikinatawa ko rin.

"You just made a show, did you already forgot?" pabiro ko namang sabi sa kanya.

Humalakhak naman ito, "Oh yeah, I did a great job on that right?" pabiro naman niyang tanong sakin. We did not break the eye contact, I feel a little comfortable around him now.

"Yeah, you should audition for the role of Romeo Montague, it suits you," sabi ko naman.

Bigla naman siyang tumikhim, "The measure done, I'll watch her place of stand. And, touching her, make blessed my rude hand," sabi niya in some kind of Romeo way and he swayed to the right kaya nadala nalang ako then he look at my eyes again and whispers, "Did my heart love till now? Forswear it, sight, for I ne'er saw true beauty till this night," and he kissed the back of my left hand.

I know it might sounds crazy but the song matches this moment, he really makes me crazier. He's crazy but I won't be swayed with just that. He's older than me, he must have been dated to many girls. Call me judgmental and all but even though he makes my whole existence  crazy, I hate someone like him. 

I hate manipulative people, and casanovas are no different from manipulative people.

Tumawa nalang ako to hide what I really feel about this, "Fan of Shakespeare? Di ko nga alam kung saang part iyan eh," I said and laugh again to mock him.

Napahalakhak naman siya, "Ah no, mom is a fan with all of that stuff, I kinda think it was bullshit but then I learned to adapt it since I don't want to break her butterflies in the stomach while watching and reading Romeo and Juliet form time to time," sabi naman niya, and I saw that he really loves his mom.

"Yeah, Romeo and Juliet is not my cup of tea too. I mean it's too cliche," and humalakhak nalang ako, "When I watched the movie all I felt was cringe! Gosh, ako lang ata ang natatawa na naiinis sa sobrang tamis ng whole content ng movie and book," and nagreact naman ako na nandidiri.

Sabay nalang kaming tumawa.

"Now I know why your mother said that you are worth my time," he said kaya napahinto nalang ako sa pagtawa, curious about what my mother said to him.

His eyes and his face is serious now, "What did she said?" mahinang tanong ko naman sa kanya. Nagdadalawang isip ako kung gusto ko bang malaman ang sinabi ni Mama. Baka nakakahiya o kung hindi binubugaw niya ako sa lalaking ito.

But I saw amusement in his eyes, "She said that you would fit my credentials, and she said that I should meet you. She was so certain that I would like you, and she's right all along," he said, medyo humina ang boses niya sa last part but I heard it clearly.

Now he really makes me crazy and crazier.