"Sorry Miss pero wala daw pong binilin si Sir Martin. Di rin daw po niya ma-confirm kay Sir dahil nga po nasa meeting pa daw po siya at di pweding istorbohin kasi po mga Big Boss yung mga kausap." Mahabang paliwanag sakin nu receptionist.
"Ganun ba? Sige okey lang! Pwedi ba akong maghintay dun?" Sabay turo ko sa mahabang upuan dun sa gilid.
"Pwedi naman!"
"Okey pero pasabi naman sa Secretary niya na if ever matapos na yung meeting nila paki sabi na andito na ko sa baba at naghihintay ha!"
"Okey po!"
"Salamat!" Umalis na ko sa reception desk at dumiretso na sa upuan. Pero di ko nakitang muling tumawag yung babae malamang iniisip niya talagang delusional lang ako at nangangarap lang akong maging girlfriend ni Martin. "Bahala nga siya!" Sabi ko sa sarili ko.
Dahil nga baka matagal ako maghintay pinili ko muna maglaro ng games sa cellphone ko pampalipas oras.
Malalipas ang ilang minuto may naramdaman akong umupo sa tabi ko dahil nga critical level yung nilalaro ko di ko pinansin yung umupo hangang maramdaman kong inakbayan niya ko kaya napilitan akong mag angat ng tingin doon ko nakitang si Martin pala yun kaya muli kong pinagpatuloy yung paglalaro ko sa kasamaang palad namatay ako dahil sa pag angat ko ng tingin kanina.
"Namatay tuloy ako ikaw kasi!" Paninisi ko sa kanya habang isinandal ko yung katawan ko sa katawan niya.
"Sinisi mo pa ako samantalang kanina pa ko dito di mo man lang ako pinapansin." Sabay pisil sa ilong ko.
"Kanina pa nga rin ako dito hinihintay ka!" Angil ko sa kanya.
"Bakit dito ka kasi naghihintay?"
"Di nga niya ko pinaakyat!" Sabay turo sa receptionist habang na umaarteng parang apeng-ape.
"Di ka niya pina akyat?" Galit na ulit ni Martin sa sinabi ko at tiningnan ng masakit yung receptionist.
"Di po sa ayaw ko siyang paakyatin Sir sabi po kasi ni Secretary Vera wala daw po kayong bilin." Paliwanag ng receptionist habang namumutla. Nung marinig yun ni Martin agad niyang binalingan yung isang lalaking naka tayo din sa kalayuan na agad ding sumagot.
"Pasensya na Sir di ko po nasabi kay Ms. Vera yung pangalang ni Ma'am kaya marahil naguluhan siya." Naka yuko rin niyang paliwanag.
"Ano bang sinabi mo?" Iretableng sabi ni Martin dun sa lalaki.
"Sinabi ko pong pupunta yung girlfriend mo at papasukin na lang sa office at dun paghintayin."
Napahawak sa noo niya si Martin sa sinagot nung lalaki di ko alam kung bakit.
"Bakit madami ka bang girlfriend na pumupunta dito?" Tanong ko habang niyakap ko siya sa baywang.
"Sorry explain ko na lang sayo mamaya! Tara akyat na tayo sa taas alam ko gutom ka na!" Sabay tayo at hawak sa palad ko. Binitbit na rin niya yung bag pack ko na nakapatong sa lamesa.
"Ako na po Sir!" Agad na presenta ng lalaki at inabot yung bag ko pero di niya yun binigay.
"It's okey ako na bahala!"
"Akin na yung bag ko di bagay sa get-up mo." Inaabot ko rin kasi nga naka formal dress si Martin tapos may sukbit ng bag pack parang ang sagwa pero di niya pinansin yung reklamo ko at dumiretso na kami sa elevator.
Nauna kaming pumasok ng elevator nung bumukas ito papasok na rin sana yung lalaki ng magsalita si Martin.
"Ayusin mo yung special passage ni Michelle dito sa building at sa office ko ayaw ko na maulit yung nangyari kanina."
"Masusunod po Sir!" Mabilis nitong sagot at tuluyang umalis.
"Assistant mo siya?"
"Oo siya si Yago. If ever di mo ko makontak or may kailangan ka pwedi mo siyang tawagan. Bigay ko sayo mamaya number niya."
"Wag na wala naman ako kailangan sa kanya!" Di na nagsalita si Martin at inakbayan lang ako hangang lumabas kami ng elevator.
Paglabas namin ng elevator dinala niya ako sa unang pinto na bumugad samin may naka sulat dung Planning Department. Pagpasok namin dun may apat na lamesang naroon at may apat ding babaeng mga naka upo pero di ko na yun binigyang pansin. Dinala niya ko sa office niya. Maluwag yun at gaya ng Pad niya halos black, white and gray lang ang halos na nandun. Inilapag niya yung bag ko sa single seater na sofa at hinubad yung coat niya. Itinupi niya rin yung mangas ng polo niya hangang ilalim lang ng siko niya ng matapos niya iyon gawin niyaya na niya ako sa maliit na dining table sa gilid ng office niya kung saan nakalatag yung simple meal na good for two.
" Upo ka na!" Utos niya sakin habang sinasalinan ng kanin yung pingan ko. Mainit pa yung pagkain malang kakahanda lang.
"Salamat!" sagot ko sa kanya ng matapos niya kong lagayan. Umupo na rin sya sa tapat ko.
"Bakit di mo pala ako tinawagan nung nasa lobby ka na." Tanong niya sa akin habang kumakain kami.
"Sabi kasi nung receptionist nasa important meeting ka na kaya ayaw kitang maistorbo."
"Tinatawagan kita pero di ako makapasok sa phone mo."
"Ah talaga mukang wala atang signal sa lobby."
"Buti na lang tumawag ako sa lobby kaya nalaman ko na andun ka naghihintay kundi matagal ka maghihintay dun."
"Feeling mo! Kapag umabot ako dun ng three hours at wala ka pa aalis na ko!"
"Ganun, Basta ka na lang aalis di mo man lang ako tatawagan or magtatanong uli sa receptionist."
"WASTE OF TIME!"
"Paanong waste of time?" Naguguluhan niyang tanong habang huminto siya sa pagsubo at tinitigan ako.
"Oo, waste of time na tawagan ka!"
"Michelle linawin mo yang sagot mo!" Tuluyan na niyang binitawan yung kutsara at tinidor niya. Naging matalim narin yung tingin niya sa akin na parang nagbanta na ayusin ko yung sagot ko.
"Tapusin mo na yang pagkain mo at lumalamig na!" Sagot ko sa kanya habang naka ngiti ang sarap talagang asarin ng taong ito.
"Inaasar mo nanaman ako?" Tanung niya sa akin at muli na siyang kumakain.
"Nahalata mo? Haha...haha...!
Di ko na napagilang matawa.
"Humanda ka sa kin mamaya!"
"Uuwi na ko!" Akma na kong tatayo para takutin din siya.
"Subukan mo!" Pagbabanta niya rin sakin.
Nagkasukatan kami ng tingin pero sa huli ako yung sumuko.
"Joke lang yun, Di ka na mabiro!"
Naka ngiting sabi ko sa kanya habang hinawakan ko yung kamay niya para lambingin siya.
"Reserve mo yan mamaya!"
Sagot niya sa akin pero alam ko na ibig sabihin niya at di na ko sumagot at pinagpatuloy ko na lang yung pagkain ko.