Chapter 91 - TRUST ME

"Baba na tayo baka mamaya ano isipin nila Mama ang tagal natin dito!"

Pagyaya ko kay Martin, pagbaba namin sinabihan ko muna siyang maki pagkwentuhan kay Papa at ako tumulong muna kay Mama magluto.

"Hon dinadaya ako ng Papa mo!"

Narinig kong tawag sa akin ni Martin paano kanina pa sila naglalaro ni Papa ng chess pero mukang di siya manalo rito pero di ko siya pinansin paano di man lang talaga siya nahiya na tawagin ako sa ganun ka intimate sa harap ng pamilya ko.

"Hon daw oh!"

Bulong sa akin ni Mike na kakalabas lang ng CR. Tiningnan ko lang siya ng masakit para manahimik. Nag bibingihan nga lang ako kasi ayaw ko ng gawing big deal para di na pansinin ni Papa at Mama. Itong isa pang unggoy nang aasar pa.

"Hahaha... dapat mag practice ka pa Martin ng mabuti para matalo mo ko!"

"Grabe ka talaga Tito di mo man lang ako pinag bigyan kahit isang beses."

"Uy ikaw naman dito Mike maki paglaro kay Kuya mo Martin ay di manalo sa akin."

"Grabe talaga siya Hon nilalait na ko ng Papa mo!"

"Tigilan mo nga yang kaka Hon-Hon mo!"

Sagot ko kay Martin habang nilalagay ko na yung ulam namin sa lamesa. Napatingin ako kay Mama ng marinig kong tumawa siya. Bigla na lang tuloy ako napa kamot sa ulo na parang napa hiya.

"Tigilan n'yo na nga yang paglalaro niyo ng chess at lumapit na kayo sa lamesa at kakain na tayo!"

Tawag ni Mama sa tatlo na nasa sala na agad namang sumunod. Pag upo namin sa lamesa agad kong kinurot si Martin na feeling at home.

"Aray Hon!"

"Sinabi ko na ngang wag mo kong tawagin ng ganyan eh!"

Panggigigil ko kay Martin.

"Ano bang masama dun?"

Pa inosenteng tanong ni Martin sa akin habang nilalagyan ng kanin yung plato ko.

"Nakaka hiya kina Papa at Mama kaya umayos ka!"

"Di ba di naman po masama kung tawagin ko siyang Hon?"

Parang bata niyang tanong sa mga magulang ko na akala mo nang hihingi ng tulong.

"Okey lang naman yun!"

Mabilis na sagot ni Mike.

"Aray Ma!"

"Ahem... Okey lang naman yang mag nick name niyo sa isat-isa atleast honest ka sa nararamdaman mo kay Michelle kami nga ng Papa niya dati Sweetheart ang tawagan sa isa't-isa haha...haha!"

Kinikilig pang kwento ni Mama sa amin. Lalo tuloy napa kunot yung noo ko. Si Mama talaga parang bumalik sa pagiging teen ager at pinatulan pa si Martin sa ka cornihan. Samantalang si Papa poker face parin parang walang comment na sa tingin ko dun ako nag mana.

"Wala namang masama dun kung gusto ng tinatawag mo!"

Sagot ni Papa na agad kong tiningnan. Naisip siguro ni Papa ayaw ko yung Honey na tawag niya sa akin. Kung kaming dalawa kasi parang okey lang pero kapag may ibang taong nakaka rinig nakaka hiya. Kaya iniba ko yung usapan.

"Di ko maisip Pa kung paano mo tinatawag si Mama ng sweetheart dati."

"Eh di S..w..e..e..t..h..e..a..r..t!"

Parang robot na binangit ni Mike.

Haha...haha... tawanan naming lahat bukod kay Papa.

"Di ganyan ganito sweetheart!"

Alam mo yung monotone na pagbigkas ganun sinabi ni Papa kaya muli kaming natawa.

"Malamang si Mama naka isip ng tawagan niyong yan."

"Ewan ko nga ba diyan Mama mo gusto pa ng Sweetheart di na lang siya nagpalit ng pangalan ng sweetheart!"

Sagot ni Papa sa comment ko mukang ayaw niya rin ng ganung tawagan. Di kasi sweet si Papa sa salita pero sa gawa super wala kang masabi.

"Narinig mo yun kaya ikaw magpapalit ka na lang ng Honey kung yun gusto mong itawag ko sayo!"

Baling ko kay Martin.

"Sige pag nagka anak tayo Honey papa ngalan natin di na kasi pwedi baguhin yung pangalan ko eh magwawala si Daddy."

Napa hinto kami lahat at napa tingin kay Martin paano ba naman napaka seryoso niya iyong isinalaysay na akala mo nasa point na talaga kami na nagpaplano ng bumuo ng pamilya.

"Wag niyo siyang pansinin Ma at Pa, kain na po kayo lalamig na yung pagkain."

Pag-aaliw ko sa mga magulang ko.

"Ikaw bilisan mo ng kumain at umuwi ka na. Kailangan mo pang mag empake at maaga pa ang alis mo!"

Pagmamadali ko kay Martin papano mamaya kung ano-ano nanaman masabi niya.

"Aalis ka bayaw?"

"Oo punta akong Dubai!"

"Wow ang ganda dun!"

"Oo nga eh kaya lang puro business meeting ang gagawin ko dun."

"Ah talaga sayang naman kung di ka makaka pag ikot."

"Pwedi naman siguro bago umuwi para maka pamili ng pasalubong. Ano bang gusto mo?"

"Martin!"

Mabilis kong saway.

"Ano lang sakin bayaw!"

"Mike!"

Muli kong sigaw.

"Bakit? Sasabihin ko lang naman na ang akin lang bayaw umuwi ka kagad para di ka ma miss ni Ate!"

"Ma miss mo ba ako?"

"Miss mo muka mo!"

Baling ko kay Martin at muli akong kumain pero feeling ko namumula yung pisngi ko sa pang aasar ni Martin paano nasa harap ang mga magulang ko nagagawa pa niyang makipag flirt sa akin.

Natapos kaming kumain sa asaran at kasalukuyang nasa rooftop na kami ni Martin habang naka upo at nagpapahangin.

"Di ka pa ba uuwi? Gabi na mag te-ten na!"

"Maaga pa nga!"

Reklamo niya habang naka yakap sa akin at naka patong ang baba niya sa balikat ko samantalang ako nakasandal sa dibdib niya.

"Mag iimpake ka pa kaya umuwi ka na para maka pagpahinga ka pa!"

"Mamaya na, gusto pa nga kitang maka sama. Matagal akong mawawala kaya sinusulit ko lang!"

Lalong hinigpitan ang yakap sa akin at hinalikan ako sa pisngi.

"Sige hanggang eleven tapos umuwi ka na!"

"Twelve!"

"Tumatawad ka pa! Gabi na darating ka sa bahay mo mga two na mag iimpake ka pa, anong oras ka na matatapos! Eh di wala ka ng pa....!"

Di ko na nabanggit yung pahinga kasi siniil niya ko ng halik.

"Ingay mo!"

Saway niya sa akin in a sexy tone sabay muling halik sa akin.

Lumipas yung isang oras na wala kaming ginawang dalawa kundi maghalikan mukang sinulit niya talaga dahil di niya tinigilan hanggat di namamaga yung labi ko.

"Ikaw talaga! Umuwi ka na!"

Inis kong sabi habang kinakapa ko nanaman yung nagmamanhid kong labi.

Biglang nawala ang galitbko ng marinig ko ang sinabi niya.

"I love you!"

"Martin, di ba sobra pang aga para masabi mo yan!"

"Di naman yun sa haba ng relasyon bago mo ma realize na mahal mo na yung isang tao. Ikaw ba di mo pa ako mahal?"

"Di naman sa ganun kaya lang di ko pa alam kung mahal na kita or physical attraction lang ito o baka yun lang din yung nararamdaman mo para sa akin."

"Sigurado akong mahal kita wag mo yung pagdudahan. Pero don't worry di naman kita pini pressure na mahalin mo din ako."

"Martin gusto ko lang maka siguro sa nararamdaman ko para sayo kaya sana mainitindihan mo!"

"Naiintindihan ko yun Hon! Don't worry!"

"Thank you then!"

"I work hard para mahalin mo ko ng todo-todo!"

Sabay yakap sa akin ng mahigpit.

"Grabe ka naman paano na lang sarili ko kung lahat ibibigay ko sayo!"

"Ako ng bahala sa sarili mo kaya wala ka dapat alalahanin!"

"Di yun pwedi noh!"

"TRUST ME!"