After I talked to mom, I decided to went upstairs para makaligo na dahil kakain na kami ng dinner maya maya.
While taking a bath, naalala ko nanaman yung lalaki kanina, grabe sobrang bastos niya, at wow pinagmalaki niya pa na he's the son of the owner of that mall!?wth nakakahiya, hindi halata sakanya na anak siya ng isang mayaman at professional -.-
It takes me an hour to finish taking a bath at pagkatapos na pagkatapos kong magbihis ay bumaba na ako kasi sigurong hinihintay na nila ako para kumain ng dinner.
"Why does it takes you so long?" bungad agad ni daddy.
"Uhm, I took a bath dad, im sorry I didn't expect na it will take me an hour sa pagligo." paliwanag ko.
"Oh okay, sit down" sabi ni mommy.
"So how's our business partner hon?" tanong ni mom kay daddy.
"Okay na, everything is settled, bukas na bukas pupuntahan natin yung mall para makita" sagot ni dad.
"Oh okay, princess you should come with us." sabi ni mommy sakin
"Uhm, eh,.." diko na natuloy yung sasabihin ko dahil biglang nagsalita si daddy.
"Of course, someday she will take over all of this " sabi ni dad.
"Ah hehe oo nga po mommy -_-'. " sabi ko nalang
After we eat dinner, tumulong ako sa pag ligpit ng pinagkainan even if we have maids, tinuro kasi sakin ni mommy yun since I was a kid.
Pagkatapos namin iligpit, lumabas ako sa terrace para mag refresh dahil masarap ang hangin sa labas dahil sa naglalakihang puno at halaman sa paligid ng bahay namin.
Nakatitig ako sa mga bituin sa langit, at dahil sa paglibot ng aking mata aksidente akong napatingin sa puno na nakatayo malapit sa gate namin, sobrang ganda niya parang alagang alaga siya dati dahil maganda ang kinalabasan.
Habang nakatingin pa rin sa puno, nanlaki ang mata ko ng may makitang isang pamilyar na lalaki na dumaan, naglalakad lang siya kaya napansin ko.
Dali dali akong naglakad papalabas ng gate para tignan kung siya ba yun at tama nga ako, siya nga yun.
At dahil sa kyursosidad, wala sa sariling sinundan ko siya, hindi naman naging mahirap sakin dahil naglalakad lang siya.
Matagal tagal rin ang inabot ng paglalakad namin kaya napagdesisyunan ko na muna na huminto dahil napapagod na rin ako, madilim na pero hindi pa rin kami tapos sa paglalakad, san ba pupunta tong lalaki na to?
At dahil huminto muna ako, napagdesisyunan kong umupo muna sa damuhan, hindi naman mahirap na sundan siua dahil deretso lang naman ang daan.
"Awwwwww!!!" napasigaw ako sa sobrang sakit ng maramdaman kong may kumagat sakin.
Dahil sa sobrang lakas ng pagsigaw ko, napalingon yung lalaking sinusundan ko at yes, nakita niya ko. Gusto kong lumubog sa kinauupuan ko ngayon sa sobrang hiya.
"Miss? Are you okay?" tanong niya habang naglalakad papalapit sakin na ikinagulat ko, hindi niya ba ako namumukaan? Or maybe because madilim na?
"Yes im fine" pagkasagot ko ay tumayo na ako, hindi ko alam kung ano yung kumagat sa paa ko pero sobrang sakit nito dahilan para mapataob ako pero salamat dahil nasalo ako ng lalaking to.
Nang mataob ako ay agad siyang tumakbo para saluhin ako at eto kami ngayon nakatingin sa isat isa....
"Uhm, sorry and thankyou" nahihiyang sabi ko habang umaalis sa pagkasalo niya.
"Teka, familiar ka sakin a?" nagbago anh ekspresyon ng mukha niya, ito ay napalitan ng pagtataka.
"Ah eh? Yes, ako nga. Yung babae na siningitan mo sa mall" sarkastikong sabi ko.
"Oh, hi miss, so why are you following me? or should I say why are you stalking me?" nakangising tanong niya.
"Excuse me? FYI, i am not following you and I'll never do that." pagtataray naman na sagot ko.
"O kung hindi, saan ka pupunta?" tanong niya dahilan para mataranta ako, wala naman kasi ako masyadong alam na lugar dito.
"Ahm, wala, nag.. nagpapahangin, oo nagpapahangin lang" palusot ko nalang.
"Pahangin? umabot ka dito? pwede ka naman magpahangin sa garden niyo, or kung wala, pwede naman sa tapat ng bahay niyo."
"Yes, may garden kami pero why do you care ba kung umabot ako dito? It's none of your business okay? bye." pagkasabi ko ay tumalikod ako pero nakaramdam ako ulit ng sakit sa paa ko kaya medyo ika ika akong maglakad.
"Do you mind if I help you?"
"No thanks." at nagtuloy tuloy nako sa paglalakad pero masyadong panira ang paa ko kaya bumagsak nanaman ako sa sakit.
"Ouch masakit pa rin pala hehe" napahiyang sabi ko.
"Masyado kasing mataas ang pride." sabi niya habang papalapit sakin.
"Halika na." sabi niya sabay buhat sakin.
"Uhm, wag ng ganto, masyadong OA alalayan mo nalang ako." offer ko dahil buhat bagong kasal ang ginawa niya.
"Ugh, okay okay."
At ginawa niya nga ang sinabi ko, inakbay niya yung isa kong kamay sakanya at inakbay niya rin yung sakanya pagkatapos ay hinawakan niya yung bewang ko at sabay kaming naglakad.
"Ano ba kasing ginagawa mo? tsaka gabi na bakit umabot ka don? san ba bahay niyo?"
"Daming tanong a, interview?" pagsusungit na sabi ko.
"Sorry, ano nga ba kasing ginagawa mo dun?" tanong niya ulit.
"Actually, yes I followed you." pag amin ko, wala nakong maisip na reason kasi hindi ko naman alam kung saan papunta yung lugar na yon at baka lalo lang akong mapahiya.
"Really? and why?" natatawang sabi niya.
"Nothing, its just curiosity kills me, ikaw ano bang ginagawa mo at naglalakad ka? Dont you have car?" tanong ko naman.
Bahagya siyang natawa at sumagot. "Of course I do have, pero may pupuntahan kasi ako somewhere out there. Sa dulo siya actually malapit na nga kaso panira ka lang" paliwanag niya na huwaw naninisi pa.
"Oh, sorry a I didn't mean to interrupt you, you should continue walking and in fact you're able to leave me and I didn't ask for your help." sarkastikong sabi ko. Ayaw ko sa lahat ay yung sinisisi ako lalo na kung hindi ko naman kasalanan.
"Of course as a man, it's my job." sagot niya naman.
"Job? No, you dont have any job in me, maybe in your girlfriend but not in me." sabi ko.
Pagkatapos ng mahigit kalahating oras na paglalakad namin nakarating na rin kami sa tapat ng bahay.
"Im fine here, that's our house." tinuro ko yung bahay namin.
"Oh, nice place maybe I should visit that one day."
"That will never happen, I don't want trouble so I hope this will be the last time na magkikita tayo."
"Trouble? why?" nagtatakang tanong niya.
"You do have girlfriend right? I know what would she feel kapag nalaman niya to." sagot ko.
"Oh okay, it's nice to see you again miss." nakangiting paalam niya.
"I do have name, you dont have to call me miss it's very formal."
"So whats your name?" tanong jiya.
"None of your business." pagkasabi ko non ay tumalikod na ako para maglakad papalayo at nang makarating ako sa gate ay humarap ako sakanya.
"Anyway, thankyou!" pasigaw kong sabi dahil baka hindi niya na ako marinig.
He just smiled at nagpatuloy na ako sa paglalakad. Nang makarating ako sa pinto ay humarap ako sa labas ng bahay at wala na siya, maybe he go home already because it's late na din.
Pagkapasok ko sa pinto thank God at wala na sila mom, maybe they're upstairs, in their room. So I decided to go to my room to have rest, sobrang sakit ng paa ko.
Pagkahiga ko sa kama, bigla kong naalala yung nangyari kanina.
"A little bit trait of gentleman huh." nakangiting sabi ko.
At dahil sa sobrang pagod, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.