CHAPTER 9 :
ERCYL POV...
Nakatulala lang ako sa pintuan kung saan kakalabas lang ni Zajid dahil may game of death sila.
Hindi mawala sa isipan ko lahat ng nalaman ko gosh pano na?
Napalunok nalang ako kasi ganito yun..
~FLASHBACK~
"tawagin mo akong Lara, matagal na din ako dito."
Una palang na sabi nya at nakatitig sa dingding . Lumunok ako ng laway at inayos ang buhok ko.
"Una akong napunta dito sa di-malamang dahilan, tulad ng iba na nagising na walang matandaan pero dahil matanda na ako ay ginawa nila akong tindera dito. Natatandaan ko pa dati napakadumi ng kapaligidan kahit may iilang bahay ay madami pading puno at damo. Pero nag iba yun ng lumaki ang isa Disciple, sya ang malakas at magaling sa lima. Nagmahal sya ng babaeng dimo aakalaing daig pa ang lalake sa tapang "
At binaba nya ang takip sa mukha nya. Medyo kulubot na ito. Bahagya syang ngumiti, iniaabot ang suklay na may magandang desenyo.
Inabot ko ito at pinagmasdan.
"pero napaka mapagmahal niyang babae. Sya si Ayura Vellan half itallian, Ang matigas na si chance ay tuluyang nag sunod-sunudan kay Ayura. Naging malinis ang gubat at paligid. Walang Laro ng kamatayan kapag gabi. Noong balak na ni Chance na tuluyang palayain ang mga taong andito ay dun umaksyon ang ama nya . Ewan kung anong istura nya wala pa kasing nakakakita sa kanya hindi yun natuloy hanggang sa isang araw nagtaka nalang kami ng magkasakit si Ayura at nawala na agad namang kinabahala ng andito. Mas tumindi ang takot ng sumunod na naglaho si chance dahil tuluyang naging sunod sunudan ang iba pang disipolo ni satanas."
Sa kinukwento nya napayakap ako sa sarili ko. Nakakatakot Umayos ako ng upo at sinuklay ang buhok ko . Wala namang bago palagi akong natatakot.
"dumami na ang mga tao dito. May ilang pinaglalaruan dito, may ibang sugatan sa gabi na halos mamatay na pero pagdating sa umaga ay magaling na. Isang himala hindi ba? Pero na to-trauma sila at hindi mo makausap ng maayos keso may demonyo "
"wala po bang daan palabas dito?"
Mahina pero kinakabahan kong tanong.
Tinignan nya ako at umiling
"wala. Pero..."
Tinignan nya ako ng deretso
"pero anopo?"
"ang anim na disipolo lang ang nakakaalam ITS UP TO YOU kung maniniwala ka , tandaan mo lahat ng pangyayari nakadepende sa desisyon mo pero ang tadhana ay tadhana"
*tsup*
Nanlaki ang mata ko ng may humalik sa pisnge ko
"Halik, para sa tulalang babae "
At ngumisi si Zajid na halos sumingkit ang maganda nyang mata.
Inakbayan nya ako at pinisil ang pisnge ko.
Agad akong nagising sa pag-aalala at pinag-sasapak sya
"bwesit kang kuto ka para sa tulalang babae ka dyan !"
"hahahaha aray aray bakit hindi kaba babae? Sabagay walang dede hahaha pader sige tulalang lalaki nalang"
"zajid!" at kinuha ko ang unan, todo ilag naman sya pero panay ang tawa
"patingin nga kasi ako mamaya bakla ka pala e. Hahaha "
"manyak ka manyak!"
Naninikip ang dibdib ko .
Hinihingal akong napahawak sa dibdib ko.
"oy oy ano yan bat ka nakahawak sa dibdib mo?hindi na yan tutubo"
Argh hindi ako makahinga
" uy anong nangyayari sayo?" nilapitan ako ni zajid at hinimas likod ko.
"h-hini-h-hinka a-ako"
Naiiyak kong sabi. Sobrang bilis ng takbo ng puso ko. Napakamot ulo sya at umalis
Napaiyak nalang ako, hindi nya ba ako tutulungan? Parang gusto kong lamunin ng lupa ng tumakbo sya palabas.
Napaka bilis nya .. ilang sandali palang ay bumalik sya. Hinampas ko sya dahil sobrang hirap nako huminga tapos iiwan nya lang ako?
"a-akala ko ba aalis ka???"
Hindi sya umimik at may tinurok saking kulay blue na makintab na likido
Nagdilim ang paningin ko.
~
Nagising ako na parang ang gaan ng pakiramdam ko.
Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko.
"p-princess?"
Napaupo ako mula sa pagkakahiga.
"k-kilala nyo po ako?"
Naiiyak nyang sabi
Niyakap ko sya, napakadami nyang sugat
"oo naman! Ako yung dinala ni nicholas "
Bumitaw ako sa yakap at tinignan syang umiiyak. Sya ang naghatid ng pagkain sa akin. Anong ginagawa nya sa bahay ni zajid?
"natatakot po ako"
Umiiyak nyang sabi kaya hinawakan ko ang dalawa nyang kamay at pinakalma
"ano bang nangyari? Si zajid asan?"
Teka ercyl kelan kapa nag karoon ng concern sa kulugo na yun? Hay nababaliw na ako..
"lumabas po kasi ako sa kweba para sana iabot kay nicholas yung kwintas nya may babae akong nakasalubong tapos kinuwento ko na gusto ko si nicholas pero nagalit sya at sinaktan ako hanggang sa may nagligtas sa akin at ginawa nya akong alipin. "
"ayos nayan kesa tuluyan ka. Pero teka bat kaba umiiyak ng todo hindi ka pa naman patay"
At pinakalma ko sya
"hindi yun" umiling sya at nagpatuloy sa pagsasalita
"nawala ko ang kwintas ni nicholas"
At umiiyak ulit sya. Niyakap ko nalang sya siguro naman mapapatawad sya ni nicholas
"anong nawala mo?"
Tumingin ako sa lalaking pumasok sa kwarto ko. Ngingiti na sana ako kay Nicholas ng hilahin nya si princess at hawakan ng pahigpit sa braso nito .
Gulat ako na natatakot pinanood kolang sila
Dahil ayaw kumilos ng katawan ko para awatin sya
"s-sorry...." umiiyak na sabi ni cess.
"DO YOU THINK "SORRY" CAN EXPLAIN?"
Madiin na sabi ni nicho
"h-hindi ko sinasadya, ibabalik ko sana sayo e tapos diko na alam kung saan ko naiwan"
Teka hindi naman yun ang nangyari! Ang alam ko e.... Binugbog sya ng babaeng dinya kilala.
Tinignan ako ng masama ni nicho
"iwan mo muna kami,"
Cold nitong sabi.
Hala nakakatakot sya
Nag oo naman ako , kahit nanlalambot ang tuhod ko ay nakaya kong umalis dun.
Papunta na sana ako sa sala ng may marinig akong nag uusap
"Ewan? Duh pake ko? Dapat nga parangalan nyo ako dahil tinulungan ko yang babae nayan"
Si andrea pala yun. Sya ba bumugbog kay princess?
"tch. Dapat tinuluyan mo na "
Sabi ni prestine
"duh, I was about to do that ng maisip kong pwede syang alalay "
"aypalaka" gulat ko ng biglang hilahin ni nicho si princess at dalhin sa tapat ni andrea
Lahat ay nakatingin sa kanilang tatlo
"ikaw ba ang gumawa kay princess nito?"
Mahinahon---
"IKAW BA?!"
Napa atras ako sa takot. Kanina ay mahinahon pero bigla syang sumigaw at nakakatakot talaga sya.
Pero ngumisi si andrea at tumayo.
"Isipin mo kung anong gusto mo. Dahil utang nya buhay nya sa akin alipin ko na sya"
At akmang hahawakan ni andrea si Princess ng itago sa likod ni nicho si cess na tulala
" subukan nyong alilain ang babaeng nasa likod ko Magiging itim ang tupang puti "
Sabi nito at kinarga na pa bridal style si cess
At lumabas.
Tumaas lang ang kilay ni prestine ng tumawa si andrea. She is creepy.
"naks. Edi sya na may lablayp sayang si girl hahahaha"
At tumingin sakin si andrea at ngumisi.
Tinalikudan ko nalang silang dalawa at pumasok sa loob, nakakatakot silang dalawa
"Pero si zajid mukhang tuluyan nang matatanggal sa disciple, ano ba kasing meron dyan sa babaeng yan at binantayan nyapa buong gabi? Ilang gabi na sya wala sa laro tsk.. "
"Ikaw ba papalit? Well inform me pag nangyari yan" sabi ni prestine at tumahimik na si andrea.
Hindi ko na narinig usapan nila dahil nasa kwarto na ako.
Huminga ako ng malalim. Napaka liit ng mundo. Ang hinahanap naming si cess andito na. Pero wrong timing at walang maalala si jethro.
Oo tama mission ipaalala !
Pumunta ako sa cr para maligo.
--
*someone pov*
"nasa kanya pa pala to?"
Hinawakan ko ang kwintas na pangil ang pendant.
Tignan ko kung di lumabas ang demonyo sa pagkatao mo
King Nicholas Florrenzo..
Ano pang kaya nyo?
I sigh when I look on the van outside.
Iba padin kapag nasa syudad ka.
Just wait... Wait until the white turns to black.
And the innocent will gonna be wild.
-----