Nagising ako sa sobrang sakit ng aking katawan. I looked like as I was in my future, but with no blood stains, and no Aeiou. I looked around, iyon ang hindi ko nagawa sa future ko. It looked like an abandoned place, makalat at halatang wala ng nag-aalaga.
I felt scared lalo na at nasa dilim pa rin ako, I couldn't see anything clearly. Tanging ang maliwanag na buwan lamang ang nagsisilbing ilaw sa lugar na ito, considering the fact na maliit lang din ang butas ng bintana, halatang hindi ako kasya doon.
I tried using my strength to remove the rope around my hands pero pinapaso lamang ako nito. I tried using my teleportation powers pero mas pinaso lamang ako ng mga lubid sa aking mga kamay at paa. It's stopping me from doing magic.
I feel so helpless. I feel so weak. Paulit-ulit akong pinapaso ng mga lubid na agad namang naghihilom dahil sa kapangyarihan kong immediate heal ngunit yung sakit na nararamdaman ko ay hindi nito magawang alisin. Hindi ko pwedeng gamitin ang zero sense na magsushut down ng sakit dahil baka hindi ko mamamalayan ang katawan ko dahil kahit na hindi ako nakakaramdam ng sakit, my body will eventually shut down kung nasobrahan.
Gusto kong maiyak. Ang dami-dami kong kapangyarihang na mayroon ngunit wala ako magawa upang mailigtas ang sarili ko. Paano ko nagawang iligtas ang iba kung ang sarili ko ay hindi ko kayang iligtas?
Ang tahimik ng lugar na ito na mas lalong nagpapaiyak sa akin dahil sa katotohanang nag-iisa na lang ako. Hindi ako magawang iligtas ni Aeiou dahil binilinan ko siyang magtiwala sa akin at hintayin ang pagbabalik ko. The Demens can't save me either kasi wala naman silang kaalam-alam sa mga nangyari. Demen Erik is even in King Demen Arthur's office, still sleeping under my spell. Eeyone and Luzzie can't save me too, considering the fact na pwede silang nakawan ng mahika ulit ni Kimberlite. Skyme is not in the place to save me, dahil wala pa siyang alam sa labanan at ang kapangyarihan niya mismo ay hindi niya pa bihasa. No one is going to save me but myself.
Bigla akong nakaramdam ng sakit sa aking pisngi kahit na wala akong ginawa. Hanggang sa nakaramdam ulit ako ng sakit sa tiyan ko. Hindi ko alam kung bakit at naiyak na lang ako sa sakit. I suddenly remembered what Aeiou said.
"We have this thing called sense link and wonpein."
"The moment I laid my eyes on you melted the Queen gave me."
Sense link and wonpein! Ibig sabihin, Aeiou can sense my senses and can feel my pain. Kapag napapaso ako ng mga lubid na ito, sumasakit rin ang parte ng katawan niya na pinaso ng akin. Ibig rin bang sabihin na Aeiou is also in pain right now kasi nakaramdam din ako ng sakit kanina.
My cheeks and stomach.
I need to see what I exactly look like now pero wala akong makitang salamin o kahit anong na pwede kong makita ang reflection ko.
Then, I saw a lizard. Nasa mismong harapan ko siya huminto na parang may gustong sabihin kaya tinitigan ko siya. Then, I saw myself in the lizard's eyes kaya nagulat ako at lumayo nang konti kaya bumalik sa normal ang vision ko. Pinaso rin ako ng lubid na isa sa mga sanhi ng pagkabigla ko. I can connect my senses to animals, too? What kind of power is this?
Hindi ko muna inintindi iyon. Nanatiling nasa harapan ko pa rin ang butiki kaya tinitigan ko ulit ito at agad namang nagkaroon ito ng bisa, I need to use my zero sense for while para dito, I hope I am successful in connecting my senses to Aeiou too para hindi rin siya masaktan. I saw myself, sobrang hina ko tignan. I have a bruise in my right cheek at nagdudugo ito ng konti. Tinignan ko ang tiyan ko ngunit natabunan ito ng damit ko pero nabigla ako nang nagmistulang x-ray ang mata ko dahil nakikita ko ang tiyan ko na walang damit. Sobrang pula ng tiyan ko, pero walang sugat o dugo. I immediately stopped it, pati na rin ang zero sense ko ngunit may konting sakit akong nararamdaman mula sa pagkapaso.
I wonder if I can talk to animals, too. Dahil kung oo, I can ask for help for them para tulungan akong iligtas dito. Pero malaking sakripisyo ang gagawin ko kapag kakausapin ko sila, talking to them means using my powers for a long time, using my powers for a long time means enduring pain for a long time and enduring pain for a long time means hurting Aeiou for a long time. Gaya ng sabi ko, I can't use zero sense for a long time dahil hindi ko namamalayan ang limitasyon ng katawan ko.
I don't want to hurt Aeiou kaya I thought of deactivating sense link and wonpein while doing it pero hindi ko alam kung gaano talaga kasakit ang pagpaso ng lubid na ito dahil ever since, Aeiou and I are sharing the pain. Hindi ko alam kung kakayanin ng katawan ko ang sakit pero I must try.
Pero napaisip din ako, I have been hurting too for unknown reasons and it means that Aeiou is also hurting right now. If ever I am going to deactivate sense link and wonpein, the damage he will have to bear is also big, hindi ko rin alam kung kakayanin niya dahil hindi ko rin alam kung nasaan at kung ano ang ginagawa niya ngayon.
'Sync! Tell me, are you there?'
Bigla kong narinig ang tinig ni Aeiou kaya napalingon ako sa bawat sulok ng kwarto ngunit wala akong nakita.
'Sync! Tell me, are you there?'
Narinig ko ulit ang tinig niya kaya pinikit ko ang aking mga mata at nakita siya.
Biglang kumirot ang aking puso. Habang tumatagal ay mas lalong sumasakit ito.
He is holding a knife covered with blood on his left hand, his right on his heart.
No! This can't be happening! No!
Nagsimula na akong umiyak at humikbi, hindi dahil sa sakit na aking narararamdaman, kung di ang makita ang aking pinakamamahal na nahihirapan.
I slowly felt like my whole body is now covered with blood. I felt how the blood in my cheeks slowly going down my neck. I am crying really loud, helplessly crying for help, not for someone to save me, but someone to save Aeiou from misery.
Aeiou! Aeiou! Aeiou!
Paulit-ulit kong tinatawag ang pangalan niya. He slowly smiled a bit at bigla ko na lang nakita siya na palapit sa akin.
Palapit nang palapit siya, palakas nang palakas ang aking mga hikbi, pasakit nang pasakit ang aking ulo, pahirap nang pahirap ang pagtibok ng aking puso.
"I am sorry for letting you down, my love. I am sorry for not protecting you enough. I am sorry for you are hurting. But for us to stop this pain, we need to sacrifice, we need to suffer more for a while. Thank you for everything. I'm really sorry that I may hurt you again but I promise you that this will be the last. I love you, my love, my amore, my life."
Hinalikan muna niya ako sa noo nang matagal bago tinutok ang kutsilyo sa aking noo. He's looking at me with his eyes covered with tears, love and sadness.
Bakit? Why is this happening?!
"Thank you, I'm sorry, I love you so much." iyon ang huling sinabi ko sa kanya bago pa man niya binaon ang kutsilyo sa aking noo.
Then the last time I saw was his face, his eyes slowly closing, his lips forming a smile.
Biglang umilaw ang mga bato namin, but instead of a red light, it was a white light. Hanggang sa nilamon na ng ilaw ang aking papanaw.
*
"Sync!" rinig kong sigaw ni Aeiou. Agad na minulat ko ang aking mga mata at napatantong basa ito.
Mabilis kong niyakap si Aeiou at nanghihinang sinandal ko ang aking ulo sa kanyang dibdib. Andito kami sa kwarto niya. Sa panahong bago pa man niya sabihin ang mga impormasyon tungkol sa akin. Ramdam ko pa rin ang sakit.
Natatakot ako, natatakot ako sa susunod na mangyayari.
I can't believe kung gaano kadali akong mamatay sa unang hinaharap ko. Hindi ko alam kung ano ang ginawa ni Aeiou at nagpakita siya sa akin na naliligo na sa kanyang sariling dugo. I don't want to see him like that again, hindi na ata kakayanin ng puso ko ang makita siyang nasasaktan.
Tapos na ang aking unang hinaharap, tapos na ang aking unang buhay. Ngunit hindi ko man lang kayang guminhawa sa katotohanang ako lamang ang nakakaalala sa unang hinaharap na tinapos ko. Hindi ko nagawang maging masaya sa katotohanang hindi iyon ang huling pagkakataong masasaktan ako.
Aeiou is lying, pero ang mas masakit pa dito ay ako lamang ang nakakaalam nito.
One down, two to go.