-Jane
Nakahiga sa kama, walang kibo sa lahat, I even forgot to eat my meals. It has been a weeks since nangyari 'yon. Ayoko na maalala ang pangyayaring 'yon pero paulit ulit itong lumalabas sa utak ko. May utak pa pala ako noh? Pakshet naman huhu.
*Throwback*
"Jane, you're looking great," Cloyd greeted me as if nothing happened. Parang maglulupasay na ako sa hiya. "I am sorry on behalf of our director, masyadong mainitin ang ulo. And... What you did was epic." After that, he left. Wala siyang sinabing iba.
-end of flashback-
Nakakahiya lang talaga sa part na 'yon ang magmukhang tanga. Lalo na pag rising model na rin ako. Char, hindi. Syempre, I am just a plaintastic woman. May arte sa katawan pero plain lang. Nakagraduate nga, pero tamad magtrabaho. I don't really get myself.
From a deep thoughts, a phone call ruined it. "Chester na naman," sambit ko sa sarili. Nakakainis nga, pero nagpapasalamat din ako sa kanya kasi mabilis akong naka-cope up sa environment because of him.
"Still up? Gala tayo," he said and damn, his voice is husky. Parang bagong gising kahit 1 am pa lang ng umaga. "Gala? This hour?" tanong ko. "Yep. Wala namang nagsasara pa ah? 24/7 naman 'yung ibang stores at pasyalan dito. Tara na, libre ko."
Well, kung tutuusin, libre naman niya lagi eh. I never pay for him.
"Okay, wait me sa labas, ha? 'Wag ka na pumasok sa loob," I said while composing myself from the bed. Ibinaba ko na rin ang call at kumuha lang ng simpleng maong na knee-length short at red t-shirt na may nakaprint na "Coffee" sa gitna. Red tapos coffee? Weird.
"Tagal mo namang lumabas. Tumae ka pa ba?" he asked habang nakaupo sa pavement. "Yep, smell me!" tumakbo ako patungo sa kanya while waving my hands. Tumayo naman siya at patakbong pumunta sa kabilang kalsada.
"Ang baho!" He shouted and as if nababahoan nga.
"Tae oh! HAHAHAHA" naghabulan kami sa harapan ng bahay ko. Well, this is fun. Playing outside and it's 1 am.
"Tara sa swing," he said.
"teka, I thought ililibre mo ako? Libre mo ako ng isang lecheflan please:<"pagmamakaawa ko.
He smiled and puts his hands on his pocket. "Wala akong dalang pera, mamaya nalang after lunch,"
"Ang daya mo talaga!" I exclaimed. Pero tumawa lang siya.
Grabe naman huhu. I was scammed!
He pulled me closer to him that made me shivered when I felt his arms wraps my body. He's hugging me! Bigla namang umihip ng malakas ang hangin kaya sobrang ginaw.
"You, being with me, this time, this moment, it's really great. Never thought of this before." He said.
I smiled. Oo nga noh? Puro lang kami bangayan.
Tinulak ko siya ng kaunti. "Drama mo na naman! Malapit na mag alas dos, tara na sa swing," saad ko. 'Di ko mapigilang 'di ma-awkwardan sa nangyayari. Lol.
"Are you sure you're gonna quit sa career mo?" I asked him. He's slowly swaying me(dinuduyan, baka kung anong iniisip niyo. Hahaha :p)
"Uh, yeah. May iba na akong gustong gawin,"
"Ano pa ba ang mga talent mo?"
"Well, getting sad at night for no reason is my best talent." He answered again.
"Heh! Parang may nabasa na akong ganyan sa Facebook dati, Chest! HAHAHA"
"maka-tawa ka naman. Oo na, pero relate ako." malumanay niyang saad.
Nagiging madrama na 'tong oras na'to. LOL. We smiled at each other. "Alam mo, Chest? masyado kang madrama. Will you please go back to States and just have fun? Parang nadala ka na sa mga kaechosan dito eh HAHAHA," binatukan naman ako ng mokong!
He sat down beside me sa kabilang swing and we're now both staring in the sky. Sobrang clear and the moon is so beautiful. Ang gaganda rin ng mga bituin. I could imagine me with my future husband doing this thing- NO, not with Chester.
"Are you an Astrophile?" He asked while still gazing in the sky.
I shooked my head. Hindi ako mahilig sa ganyan, wala akong taste when it comes to astronomy, stars, galaxies at iba pa.
Napa"ohh" naman siya. "Ikaw ba?" Tanong ko pabalik. He smiles and then slowly shooked his head too. "Hindi rin eh. Hindi sa wala akong pake sa mga gan'to, actually I'm an avid fan of stars, but not that one that you can call astrophile."
Naging tahimik ang paligid. Walang nagsasalita, nakakabingi.
But then he started talking. "When will you get over with Cloyd? I mean, matagal naman na kayong wala, 'di ba? Do you still love him?"
Napasulyap ako sa kanya. I bitterly smiled. "I am here to start my new journey. And for my sister's point of view, I am here to take back what's mine. Haha. Funny. I guess, na-banned na ako sa buhay niya," tears started to race down through my cheeks.
He patted my head. "Shhh. I am here, your friend," he uttered.
-
We stayed for almost 2 hours staring, and talking. Nang dahil sa nangyari, gumaan ang loob ko. Para ba'ng lahat ng dinadala kong sakit sa dibdib, biglang nawala.
After that moment, I became weightless. And after that moment, I became Chester's fan.
I meant, ang galing niyang makipag-usap. Straightforward but it won't hurt you. He's good on things that I am bad at.
Now, I know that if there's a door that closes, there would be that one door that'll open for you.