The moon will rise from the east,
and the evil will make us as a feast.
We will be their goal,
for their thirsty spirits and hungry souls,
A curse will begun,
that will made us run.
To run away,
From being a prey.
Darkness will invade,
then the light will fade.
But...
When the sun rise at west.
A deity will came and get us out from the evil's nest.
And in the dark there will be a spark,
a spark that will replace the light from dark.
~•~
Pagkatapos ay biglang binuksan ng manghuhula ang mga mata niya at napatingin sa akin kaya biglang nanindig ang balahibo ko. "And that deity is you, Devona Zil from the Zil Empire."
Bigla namang napaawang ang bibig ko. "A-ako?" nagtatakang tanong ko habang nakaturo ang isa kong daliri sa sarili ko.
Tumango naman ang manghuhula. "Oo nga't ikaw lang. Ikaw, ang nag-iisang Devona Zil."
Napailing na lang ako, okay sana kung si Ate Dem ang tinutukoy na deity pero ba't ako pa?
"Pinaglololoko mo ba ako? Napakahina ko kaya at hindi ko pa gamay ang kapangyarihan ko. Papaanong magiging ako ang tinutukoy ng propesiya na iyan? Baka nagkakamali ka lang."
Hindi sa hindi ako naniniwala sa kakayahan ko. Pero hindi lang talaga ako makapaniwalang ako ang itinutukoy ng propesiya.
"Kung sana nga lang ay niloloko kita. Pero hindi, totoo lahat ng sinasabi ko. Ikaw ang tiutukoy ng propesiya na maaring maging daan kung sakaling sakupin tayo ng mga kalaban. Maniwala ka sana at hindi rin ako nagkakamali sa nakita ko," sagot ng manghuhula habang dahang-dahang umiiling.
Napabuntong hininga na lang si Ama, ang Haring Everson Zil ng Zil Empire. "Kung totoo man ang propesiya na 'yan ay dapat maghanda tayo. Hindi 'to dapat malaman ng mga kalaban."
Tumayo si Ama at sumunod kaming magkakapatid. "Thank you for that information you gave, Aling Jereah."
Yumuko ang manghuhula. "It's my pleasure King Everson. Lahat po ay gagawin ko para sa bayan natin. Sana nga lang ay nakatulong ako."
"Maari ka ng umalis," pagkasabi n'on ni Ama ay tumayo ang matandang manghuhula at ngumiti bago naglakad papalabas ng palasiyo.
Pagkatapos ay tumingin siya sa aming magkakapatid. Kami nila Ate Demetria at Kuya Velix hanggang sa huminto sa akin.
"At ikaw Devona," sabi niya habang itinuro ang isang daliri sa akin. "Mag-uusap tayo, kasama ang iyong Ina. Sundan mo ako."
Napabuntong hininga ako at tumingin sa mga kapatid ko. Ngumiti sila at tumango na sinasabing sumunod ako kaya naman kahit hindi bukal sa aking kalooban ay sinundan ko si Ama patungo sa kwarto nila.
Pagkarating namin sa malaking pintuan ng kwarto nila ay kumatok si Ama ng tatlong beses. Makalipas ang ilang sandali ay binuksan ito ng dalawang nakabantay.
Pagkabukas ng pinto ay nakita ko si Ina na nakahiga sa malaking kama habang hinahawakan nito ang ulo ng nakahigang si Georgina sa kaniya, ang aming royal cat.
Meet Veronica Zil, my mother and the Queen of the Zil Empire.
Itinaas niya ang kaniyang ulo at tinignan kami saka nginitian. Lumapit kami sa kaniya, hinalikan siya ni Ama sa labi habang ako nama'y humalik sa kaniyang pisngi.
"So what happened? Ano ang propesiya?" tanong niya.
Tumingin muna si Ama sa mga taong nakapaligad at sinenyasan na umalis muna sila. Agad-agad namang sumunod ang mga tauhan at isa-isang umalis ng kuwarto.
Now there's only the three of us.
Pumeke ng ubo si Ama bago nagpaliwanag.
~•~
"At ang sabi ng manghuhula ang makakaligtas lang sa atin ay ang ating anak na si Devona," pagkatapos sabihin 'yun ay tumingin siya sa akin kaya napayuko na lang ako.
Naramdaman kong ngumiti si Ina. "Then it's good, kailangan muna nating hasain ang kaniyang kakayahan."
Iniangat ko ng kaunti ang aking ulo at nakita ko ang pag-iling ni Ama na ang ibig sabihin ay hindi siya sumasangayon. "Alam mong mahirap hasain ang gan'tong klaseng kakayahan katulad ng kay Devona."
Umiling naman si Ina at 'saka tumingin sa akin. "Kailangan lang natin siyang i-enroll sa isang paaralan na maaring mahasa ang kaniyang kapangyarihan."
"Pero maari tayong mahanap ng mga kalaban kung i-e-enroll natin siya at gamit pa ang pangalan natin!" hindi pagsangayon ni Ama pero bumuntong hininga si Ina at binuhat si Georgina sa kaniyang mga bisig bago tumayo.
Tumayo siya at lumapin sa salamin na malapit sa kama. "Sino ba kasing nagsabi na ang pangalan natin ang gagamitin para maenroll at mahasa ang kapangyarihan niya?"
Tumingin siya kay Ama. "Gagamit tayo ng ibang pangalan. Alam ko namang mahuhuli agad tayo at kukuhanin ang anak natin sa atin kung sakaling 'yun ang gagamitin. I'm not stupid Everson."
Napatango na lang ako, naiintindihan ko ang sinasabi ni Ina. Nakalimutan ko nga pala na matalino siya.
"Ibig mong sabihin ay gagawa tayo ng mga pekeng papeles at 'yun ang isusumite sa paarapan?" naguguluhang tanong ni Ama kaya't tumango si Ina at bumaling sa salamin.
"May alam na rin akong paaralan kung saan siya pwedeng pagaralin."
~•~
Nagpagulong-gulong ako sa aking malaking kama. Hindi pa rin ako makapaniwala na ako ang tinutukoy nito.
At paano ko naman matutulungan ang aming bayan? Isa lang naman akong hamak na prinsesa na hindi kayang gamitin ang kaniyang kakayahan.
Huminto ako sa paggulong at napabuntong-hininga na lang. Umupo ako sa kama at nagisip-isip.
Napatingin ako sa kamay ko at tinitigan ito. Napatingin din ako sa paligid.
Tumayo ako at tinignan ulit ang aking dalawang kamay. Ikinuyom ko 'to at pumikit. Kailangan kong mag-concentrate para maisagawa 'to.
Habang nakapikit ako'y naramdaman ko ang isang kakaibang enerhiya na nagmumula sa akin. Dahan-dahan kong idinilat ang aking mata at tumingin sa aking kamay, lumalabas na r'on ang isang anino.
Kailangan ko pang mag-concentrate. Nagconcentrate ako sa kamay ko at nagiimagine na may lumabas na isang pusa r'on.
Ayan na, malapit ng magawa. Malapit ko na sanang magawa ang isang anino na pusa pero biglang may kumatok sa pintuan kaya bigla akong nabalisa at nawala ang anino sa kamay ko.
"Mahal na prinsesa, narito na po ang inyong gatas!" sigaw ng isa sa mga katulong kaya lumapit ako r'on at binuksan 'yun.
Pagkabukas ko ng pintuan ay nagbow muna siya at hinayaan ko siyang ilagay 'to sa study table habang nasa malapit ako sa pintuan.
Pagkatapos niyang ilagay ay nagbow siya at akmang aalis ng pigilan ko siya sa pamamagitan ng paghawak sa kamay niya.
"Sandali, may gusto lang akong itanong," desperadong saad ko. Nagulat siya pero hindi niya ipinahalata. "A-Ano po iyon mahal na prinsesa?" kinakabahang tanong niya.
Huminga muna ako bago nagtanong. "Alam mo ba kung ano at saan ang Vermon Academy?"
Kumunot ang noo niya bago umiling pero bahagyang nanlaki ang mata at tumango. "Opo, 'yun po ang isa sa mga pinakamalaki at magandang paaralan ng mahika rito sa bansang Fermila."
Pinakamalalaki at magandang paaralan?
Tumango na lang ako. "Ah, bakit niyo po pala natanong?"
Ngumiti lang ako. "Wala, natanong ko lang kasi may nabasa akong magazine na may kinalaman d'on. Sige maari ka ng umalis."
Pagkasabi ko n'on ay tumango siya at umalis. Napahinga ako ng malalim at pumunta sa kama ko. Napatingin ako sa gatas na nakalagay sa study table ko at ininom 'yun.
Habang ininom 'yun ay napaisip ako.
Maganda kaya ang kakahinatnan ng pag-aaral at paghahasa ko ng kapangyarihan ko sa paaralan na 'yun? Sa Vermon Academy?