Chapter 3 - Chapter 2-Back To School

[Edited-2/3/19]

---

Alas-singko pa lang ng madaling araw ay gumising na siya para makapasok nang maaga sa unibersidad na pinapasukan niya. Ilang buwan din kasi siyang hindi nkapasok simula noong ikinasal sila ni Beast.

Ang New World University na pinapasukan niya ay isa sa mga prestihiyosong unibersidad dito sa Pilipinas. Dahil na rin sa dami ng populasyon ng mga estudyante na pumapasok kada taon at sa paraan ng pagtuturo ng mga guro ay mas nakilala ito.

"Kumusta naman ang buhay may asawa, Kyenn?" nakangiting tanong ni Shaira sa kanya.

"Siguro lagi kang ginagabi-gabi ni Kuya John. Sabagay, hindi ka na lugi sa kanya kasi ang "yummy" siguro ng biceps at abs niya. Kung ako 'yon baka lagi lang ako bu... Aray naman Kyenn."

Kinurot ni Khrystal si Daniela sa kanyang tagiliran para matigil na ito sa kasasalita. Naisip niya na kaibigan niya nga ang dalawa kasi ang galing nila mambuwisit sa kanya.

"Tigilan niyo na nga akong dalawa. Nakakahiya sa mga nakakarinig sa inyo. Baka sabihin ng iba na nagkaasawa lang ako malaswa na agad ang mga pinag-uusapan natin. Alam niyo namang kilala ako ng ibang mga estudyante rito bilang si Khrystal Kyenn Fuentebella-Montecillo na isang inosente, mahinhin at mabait," walang kangiti-ngiting sabi niya.

"Saka alam niyo bang wala pang nangyayari sa amin simula noong ikinasal kami. Siguro wala akong dating para sa kanya. Pero mas gusto ko na 'yon dahil virgin pa rin ako. Ibig sabihin may pagkakataon pa ako na maging kami ng crush ko," dagdag niya pa.

"Hay naku lukaret ka! Tigil-tigilan mo nga 'yan, Kyenn. Kasal ka na kaya wala ka ng takas sa pangako niyo sa isa't isa na magsasama habambuhay," nangangaral na sabi sa kanya ni Shaira.

"Kung alam niyo lang kung gaano ka-bipolar 'yong Beast na 'yon," naaawang sabi niya sa kanyang isip.

Nanahimik na lang siya para hindi na humaba pa ang usapan. Ayaw niya rin kasing sabihin pa sa kanila ang sitwasyon nila sa bahay dahil baka malaman pa ng daddy niya ay mag-alala pa ito. Kahit naman masama ang loob niya sa kanyang ama ay ayaw niyang problemahin pa nito ang tungkol sa kanya dahil matanda na rin siya.

"Alam kong hindi madaling mag-asawa Kyenn. Hindi mo lang siguro minsan maintindihan si John dahil sampung taon ang tanda niya sa 'yo pero kailangan mong tanggapin na kasal ka na," nagpapaunawang saad ni Danella.

"Sana nga tama 'yong sinabi mo," sumang-ayon na lang ako sa sinabi niya. "Tara na sa classroom baka mahuli pa tayo sa klase e hindi pa tayo papasukin ni Ms. Alexa."

Nauna na siyang tumayo sa bench kung saan sila nakaupo kanina. Nandito sila sa garden kung saan paborito nilang tambayan na tatlo.

Nakita ni Khrystal na pareho silang napatingin sa kanilang relo na pambisig. Pagkatapos nilang makita ang kanilang relo ay nagmadali na silang kumilos para tumayo. Sampung minuto na lang kasi ay mag-uumpisa na ang klase nila sa English kaya lakad-takbo na ang ginawa nila makarating lang agad sila sa klasrum.

Simula noong 1st year college hanggang ngayong 2nd year college ay magkaklase na silang tatlo sa kursong Marketing Management. Halos hindi na sila mapaghiwalay dahil nga sa pareho sila na nag-iisang anak ng mga magulang nila maliban kay Shaira na may half-sister at pare-pareho sila ng trip maliban sa ibang bagay. Itinuring na kasi nila ang isa't isa na magkapatid. Kaya ang ibang mga mag-aaral ay ilag sa kanilang tatlo dahil na rin sa impluwensiya na mayroon ang pamilya nila.

Si Danella Ruiz kasi ay anak ng may-ari ng sikat na Talent Agency sa buong bansa, habang si Shaira Arcilla naman ay anak ng isang retired General. Idagdag pa na kaibigan rin ng pamilya nila ang may-ari ng university na pinapasukan nila.

Bumalik lang sa ulirat ang isip niya nang biglang may humila sa kanyang kanang braso.

"Ano ka ba Kyenn bilisan mo naman ang maglakad kasi mahuhuli na tayo. Bakit ka ba kasi huminto?" hinihingal na tanong naman ni Danella kay Khrystal. Habang nakatayo naman si Shaira sa unang baitang ng hagdan.

"Wala naman," nakangiting sagot niya. "Tara na kasi limang minuto na lang ang natitira sa atin."

Sabay-sabay na silang nagmadaling umakyat para makarating sa pangatlong subject nila. Mas nasasabik pa siyang pumasok sa paaralan kaysa ang makasama ang asawa niyang si Beast.

Makikita mo ang gulat sa reaksyon ng mga kaklase nila dahil sa nakitang itsura nila na pawis na pawis.

"Ky-Kyenn talo ko pang hihimatayin sa ginawa nating pag-akyat sa hagdan. Mabuti na lang wala pa si Ms. Alexa rito kung bakit naman kasi hindi tayo gumamit ng elevator," sabi ni Shaira habang nagpupunas ng pawis sa kanyang mukha.

"Masyado na kasi tayong nagmadali kanina kaya hindi na natin naisip na mag-elevator. Pero okay na 'to kasi nakapag-exercise rin naman tayo," dagdag na sabi naman ni Danella.

"Umupo na tayo, baka kasi maabutan pa tayong nakatayo ng teacher natin ay sumimangot na naman siya. Alam mo na masyadong insecure sa kagandahan natin 'yon. Kung di lang magaling magturo e baka pintanggal ko na 'yon," mahinang sabi niya sa kanila pagkatapos ay pumunta na kami sa kani-kaniyang upuan.

Mayamaya ay dumating na rin si Ms. Alex pagkatapos ay nagturo agad siya. Lumipas ang mga oras na nakinig lang kaming lahat sa mga idini-discuss sa kanila.

Natapos ang buong araw na nakaupo lang sila habang nakikinig. Talo pa nilang nasa misa habang nakikinig sa sermon ng pari. Pero masaya pa rin si Khrystal dahil kahit papaano ay may iba pa siyang makakasalumuha. Parang ayaw niya na ngang umuwi sa bahay kasi makikita niya na naman ang kinaiinisan niya. Napabalik lang siya sa ulirat ng tapikin siya ni Daniela. "Kyenn! Tara na, umuwi na tayo. Mukhang nagde-day dreaming ka pa habang dilat ka riyan."

"Pasensya na, may naalala lang kasi ako kaya nawala ako sa wisyo," hinging paumanhin niya sa kanila.

Kinuha niya na ang bag sa kanyang upuan at sabay na silang naglakad palabas ng classroom. Ayaw man niyang umuwi sa bahay ay kailangan, dahil baka magtaka sina Danella at Shaira kung bakit ayaw niyang umuwi sa bahay ni Beast.

Habang naglalakad sila papuntang parking lot ay wala siya sa sariling naglalakad. Kahit kinakausap siya ng dalawa ay hindi niya maintindihan, dahil nga ang nasa isip lang niya ay ang mamamayang pag-uwi niya. Nasa kulungan na naman kasi siya ng halimaw.

"Kyenn gusto mo bang gumala tayo? Mukha naman kasing wala ka pang balak na umuwi e tapos idagdag pang para kang loka-loka na naglalakad sa kalsada," tanong ni Danella sa kanya habang niyuyugyog siya sa kanyang balikat.

"Anong loka-loka ako? Ang ganda ko naman para maging baliw. May iniisip lang kasi ako kaya hindi ako makasabay sa pinag-uusapan niyo. Kung si Alec Montemayor pa 'yang pinagkukuwentuhan niyo puwede pa," sagot naman ni Khrystal sa kaibigan.

Matagal niya na kasing gusto si Alec. Bata pa lang sila ay kilala na niya ito dahil nga sa magkatabi lang ang bahay nilang dalawa. Naging malapit sila sa isa't isa simula noong tinulungan siya nitong itayo no'ng mabagsakan siya ng bike dahil sumemplang siya malapit sa tapat ng bahay nito.  Hinangaan niya na ito dahil doon.

Simula no'n ay palagi na silang naglalaro kaya mas lalong nadadagdagan ang pagkagusto ni Khrystal sa kanya. Nagbago lang si Alec ng pakikitungo sa kanya noong nagsimula na siyang magdalaga at ito naman ay magbinata.

"Demanding pa ang babaeng 'to. Speaking of Alec, alam niyo bang break na sila ng girlfriend niyang bilasa na?" masayang kuwento naman ni Shaira.

"Aba, talaga? Kailan pa?" kinikilig na tanong naman niya sa kabigan.

"Hindi ko alam kung kailan. Huwag ka ng umasa na magkakaroon ka ng pag-asa kay Alec dahil hindi ka na dalaga, Kyenn," pambabara naman na sagot sa kanya ni Shaira.

"Bakit ba? Wala namang batas na nagsasabi na bawal na magkagusto sa iba 'yong may asawa na. Kaibigan ko ba talaga kayo? Alam niyo namang hindi ko gusto 'yong Beast na iyon e."

"Naku, tama na nga 'yan pumunta na lang tayo ng mall para naman makapag-relax ang utak ng kaibigan natin na 'yan at mawala na sa isip pa ang lumandi. Kung ako nasa kalagayan mo baka lagi akong naka-sexy dress kapag umuuwi siya," malanding saad ni Danella habang kinakagat-kagat pa ang kanyang kanang hintuturo.

"Kung alam niyo lang kung gaano ka-bipolar ang lalaking 'yon baka kainin niyo ang sinabi niyong iyan," sabi ko sabay irap sa kanilang dalawa. "Ano? Aalis pa ba tayo o hindi na?"

"Oo na aalis na po tayo," nakangising sagot naman ni Shaira sa kanya.

Nakita niyang nagsikuhan muna ang dalawa bago naglakad. Siguro nasa isip nila na nagbago siya simula noong ikasal siya kay Beast. Lagi na kasing mainitin ang ulo niya at madali na rin siyang mabuwisit. Pakiramdam niya ay nahahawa na siya sa lalaking 'yon at bumabalik na rin ang dating ugali niya.

Nakarating sila sa Robinsons Ortigas ng pasado alas-singko na ng gabi. Dumiretso muna sila sa comfort room sa may 2nd floor para maglagay ng kaunting pulbo at lip tint sa kanilang labi. Pagkatapos ay dumiretso sila sa 5th floor kung saan nandoon ang Tom's World.

Isang oras din ang ginugol nila sa paglalaro ng iba't ibang games. Nang makaramdam sila ng gutom ay kumain muna sila sa KFC, nagkuwentuhan at nagpahinga saglit bago umuwi sa kani-kanilang bahay.

Pasado alas-siyete na nakauwi si Khrystal sa bahay ni Beast. Panigurado siyang wala pa naman ito ng ganitong oras dahil masyadong workaholic ang lalaking 'yon. Pagkababa niya sa kotse na palaging naghahatid-sundo sa kanya ay nakita niya ang pag-aalala sa mukha nito kaya unti-unting nakaramdam siya ng pagkabog ng kanyang dibdib dahil sa kabang naramdaman niya.

"Manong Delfin, bakit po para kayong nag-aalala?" hindi makatiis na tanong niya rito.

"Mukhang nandiyan na kasi si Sir John. Baka po mapagalitan tayo dahil ginabi na tayo ng uwi," takot na sabi nito. Alam kasi nito ang ugali ni Beast kapag nagagalit.

"Ako pong bahala sa kanya. Huwag po kayong matatakot na mapagalitan," pilit na ngiting sagot niya rito.

Pumayag lang kasi kanina si manong na gumala sila ng mga kaibigan niya dahil sa pangungulit niya rito. At ayaw niyang madamay pa ito sa away nilang dalawa mamaya kung sakali, dahil medyo matagal na ruin niya itong drayber.

Tumalikod na siya at naglakad papunta sa pinto ng kanilang bahay. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at mala-ninjang naglakad siya papasok sa loob ng bahay. Panatag siya na tulog na ang mga kasambahay at wala pa ang asawa niya ng ganitong oras. Pero siyempre kailangan niya pa ring mag-ingat dahil baka umusok ang ilong nito sa galit oras na malaman nitong ginabi na siya ng uwi. Maingat niyang isinira ang pinto at humarap papuntang hagdan para umakyat na sa kanyang kuwarto pero parang nakakita ng multo si Khrystak dahil sa nanigas siya mula sa pagkakatayo dahil sa di niya inaasahang makita.

"Why are you late?" malakas na sabi ni Beast na ikinatalon niya dahil sa gulat. Nakita niyang salubong ang kilay nito habang nakatingin sa kanya at naghihintay ng kanyang sagot.

Itutuloy...