Chapter 2 - Chapter 1-He's A Beast

[Edited-1/30/19]

----

"Ano ba naman 'yan Khrystal? Sobrang tanga mo naman! Maglalaba ka na lang ng mga damit ko hindi mo pa nagawa nang maayos!" inis na sabi ni John sabay balibag sa kanya ng mga nilabhan niyang damit noong nakaraang araw. Bukod kasi sa butas-butas na ay nawala na 'yong dating tingkad ng mga damit kaya hindi niya masisisi na gano'n ang maging reaksyon nito.

Wala kasi siyang magawa no'n kaya naisipan niyang maglaba ng mga pamasok nitong damit.

"So-sorry, hindi ko sinasadya," naiiyak na sagot ni Khrystal kay John habang yakap-yakap sa bisig niya ang mga damit.

"Hindi ko na alam kung anong gagawin sa 'yo! Kung bakit naman kasi pumayag ako magpakasal sa babaeng hindi ko kilala at hindi ko naman mahal!" malakas na sabi niya pagkatapos ay walang lingon-likod siyang lumabas sa kuwarto ko. Pupunta na naman siguro siya sa bar para uminom. Naisip ni Khrystla na ginagawa siguro 'yon ni John para makaiwas sa kanya. Mag-asawa sila ngunit sa mata lang ng mga taong nakakakilala sa kanila.

Umagang-umaga pa lang pero ang init na agad ng ulo niya dahil sa maling nagawa ni Khrystal. Pinunasan niya ang mga luhang namuo sa kanyang mata't pisngi pagkatapos ay nagpasyang umupo sa dulo ng kama. Tulala lang siyang nakatingin sa gilid ng dingding habang iniisip ang mga bagay-bagay. Akala niya noon hindi na uso ang fixed marriage na 'yan kasi year 2000 na, pero dahil sa ikinasal na siya kay John ay napatunayan niyang nage-exist pa pala.

Pagtuntong niya ng labing-walong taon, June 16, 2000 araw ng kaarawan niya ay sakto namang in-announce ng daddy niya tatlong araw mula ngayon ang tungkol sa pagpapakasal niya.

Iyong akala niya na masayang araw dahil 18th birthday niya ay napalitan ng lungkot at pighati. Gustuhin man niyang magwala noong araw na 'yon dahil kalahati ng mga bisita niya ay puro mga kaklase at kaibigan niya pero di na lang niya ginawa.

Magpapakasal kasi siya sa isang lalaking may mapungay at kayumangging mata, alon-along buhok, mestisuhing balat at may makisig na pangangatawan.

Ang alam niya ay nakilala lang ito ng daddy niya sa isang business meeting na pinuntahan nito sa London isang buwan na ang nakalipas. Hindi niya alam kung anong naisip nito para ipakasal agad siya.

Bilang unica hija niya ay ibinigay ni Daddy Drix ang kailangan ko. Dahil nga namatay si Mommy Felicity sa sakit na breast cancer. Siya na ang nag-alaga't nagpalaki sa kanya simula noong limang taong gulang ako.

Wala naman siyang sama ng loob sa kanyang daddy dahil sa ginawa nitong desisyon na ipakasal siya kay John. Pero simula noong magpakasal sila't magsama ay naranasan niyang makarinig ng ilang masasakit na salita, na hindi niya lubos maisip na magagawa ng lalaking katulad niya. Kaya unti-unting may namuong galit sa puso niya para sa kagaya niya.

Napabalik siya sa ulirat dahil sa naalala niya ang pangako na gantihan si John sa mga pinaggagawa nito sa kanya noong makalipas na buwan simula ng ikasal kami. Hindi siya maldita pero para sa kanya gagawin niya kung paano ang astang maldita at bitchy na asawa.

Kung kanina ay naiiyak si Khrystal, ngayon ay nakaramdam siya ng pagkasabik dahil sa mga gagawin niya na pagpapahirap dito. "I will give whatever you want, my beastly husband," mapang-uyam kong sabi pagkatapos ay tumayo.

Dahan-dahang naglakad siya papunta sa kanyang kuwarto. Pagdating niya sa tapat ng pinto nito ay kumatok siya para malaman nitong nasa labas siya.

Narinig niyang humahakbang si John mula sa loob kaya inihanda niya na ang malapad na ngiti sa kanyang labi habang hawak ang mga damit niya na inihagis kanina. Kita niya kumulimlim ang mukha nito nang makita siya pagkatapos ay unti-unting napalitan ito ng pagtataka.

"What do you want?" inis na tanong ni John sa kanya.

"Nothing! I just want to give you this," nakangiting sabi niya sabay hagis ng mga dala niyang damit.

Kita niyang kumunot ang noo nito at nangigigil na hinayaang mahulog sa sahig ang damit na nasa balikat nito.

"Anong ibig sabihin nito? At bakit bina..." inilagay niya ang kanang hintuturo sa labi nito para patigilin si John sa pagsasalita.

"Bakit? Ikaw lang ba ang may karapatang maghagis ng damit?" mapang-uyam na tanong niya. "Hindi na ako papayag na pasakitan mo at sabihan mo ng mga masasakit na salita."

Nakahawak ang isang kamay ni Khrystal sa kanyang beywang habang ang isa naman ay nakahawak sa pinto. Mataman lang itong nakatingin sa kanya habang tinitingnan ang bawat galaw niya.

"Are you done with your speech, my wife?" nakangiting tanong nito na animo'y gusto siyang asarin.

"May sasabihin pa ba ako? Mukhang wala na kaya paalam." Tumalikod na si Khrystal para bumalik sa kuwarto niya ngunit may bigla siyang naalala kaya humarap ulit siya kay John.

"Gusto ko lang pala sagutin ang sinabi mo sa akin kanina. Hindi nga pala ako tanga, kasi kung tanga ako ay mas tanga ka dahil nagpakasal ka sa tangang tulad ko. Ang mabait, maunawain, iyakin at pasensyosang si Khrystal Kyenn na naging asawa mo ay hindi na papayag pang apihin ng katulad mo. Kaya lahat ng mga masasakit na salita na sasabihin mo sa akin ay ibabalik ko sa 'yo, paalam."

Mabilis na siyang tumalikod at naglakad na nakataas noo pabalik sa kuwarto. Isinarado agad niya ang pinto pagkapasok. Bigla na lang napaupo si Khrystal sa sahig dahil sa kabang naramdaman niya kanina habang kaharap ito.

Sa ilang buwan na naging mag-asawa sila kahit kailan ay hindi man lang sila nakapag-usap at tumingin sa isa't isa nang matagal na hindi nagbabangayan. Dahil sa bilis ng pangyayari noong ipakasal sila ng daddy niya sa simbahan ay hindi na niya matandaan kung ilang beses niya bang nakita nang malapitan ang mukha nito ng hindi ito nakasimangot o seryoso.

Mayamaya ay narinig niyang humarurot na paalis ang sasakyan. Mukhang papasok na si John sa kompanya bilang presidente ng Fuentebella Real Estate na dating pinamamahalaan ng daddy niya. Napabuntong-hininga na lang si Khrystal sa isiping hinayaan lang ng magulang niya sa ibang tao ang pinaghirapan niya pati siya na kanyang anak.

Nagpasya siyang pumunta na sa kusina para kumain ng almusal. Tuwing umaga ay laging siya lang mag-isa ang kumakain sa hapag-kainan dahil maagang umaalis si Beast ng bahay.

Mabuti na nga lang kahit papaano ay may isang siyang kasama sa bahay na puwede niyang makausap dahil kung wala ay baka mabaliw siya dahil siya lang ang bukod tanging nasa bahay kasama si Beast.

"Ma'am Khrystal nakahain na po ang almusal niyo," salubong na sabi sa kanya ni Manang Letty habang nagpupunas ng kanyang kamay sa suot na apron.

"Salamat po manang sa pagkain," nakangiting sagot niya. "Kayo po ba kumain na? Sumabay na kayo sa akin, tutal naman ako lang ang mag-isang kumakain e."

"Salamat Khrystal, pero kumain na kasi ako kanina. Kumain ka na riyan. Maiiwan na muna kita kasi magdidilig pa ako ng mga halaman sa labas. Tawagin mo na lang ako kapag may kailangan ka," paliwanag na sabi ni manang bago umalis sa harap niya.

Nag-umpisa na siyang kumuha ng scrambled egg, bacon at kanin pagkatapos ay inilagay niya sa platong inihanda ni manang. Itinuon ni Khrystal na lang ang puso't isip niya sa kinakain. Kahit ngayon lang ay makaramdam siya ng kalayaan.

"Daddy, bakit mo kasi ako ipinagkatiwala sa kagaya niyang walang puso? Ano ba kasing nasa isip mo at ginawa mong ipakasal ako sa kanya?" malungkot na tanong niya sa kanyang isip na hanggang ngayon ay hindi pa rin nasasagot. Sa tuwing magtatangka kasi siyang alamin ang dahilan sa daddy niya ay bigla na lang nitong iniiba ang usapan o kaya ay laging may kakausap sa kanya sa cellphone.

Pakiramdam niya tuloy ay may itinatago ang daddy niya sa kanya na sa tingin niya ay kailangan niyang malaman.

---

Nang sumunod na araw ay nagising si Khrystal na walang mabigat na dinadala sa kanyang dibdib. Iyon ay dahil sa alam niya na kung paano ang makaganti sa mga masamang ipinakita sa kanya ni Beast. Dati kasi tuwing magigising siya ay lagi siyang umiiyak at lugmok lang sa isang sulok. Ngunit ngayon ay nakakaramdam siya ng pagkasabik dahil sa gusto niyang makita ang reaksyon sa mukha nito.

Ngumiti siya habang tinitingnan ang kanyang sarili sa salamin. Nakita niya na may pagbabago ng nangyari sa sarili niya. Nawala na ang panlalalim at pangingitim sa paligid ng kanyang mga mata dahil sa hindi na siya umiyak at masarap ang tulog niya kagabi. Nag-inat siya pagkatapos para maging mas maayos ang aking pakiramdam niya bago pumunta sa banyo.

Mayamaya ay nakarinig siya nang mahihinang katok mula sa pinto ng kanyang kuwarto. Mabilis niyang sinuklay ang kanyang buhok bago niya ito binuksan. Nakakahiya naman kasi kung pagbubuksan niya iyong tao tapos mukha siyang bruha, baka kasi kung si John 'yon ay masabihan na naman siya ng kung ano kaya naghanda na siya.

"Hey, baka puwedeng ipagtimpla mo ako ng kape para magkaroon ka naman ng pakinabang. Ang sakit kasi ng ulo ko saka wala si manang para gawin 'yon," nakasimangot na sabi niya sa akin sabay hawak sa kanyang sintido. Mukhang masakit pa ata ang ulo niya. Pero pakiramdam ko mas sasakit ang ulo ko sa asal niya.

"Wow ha? Katulong mo ba ako? Kung makapag-utos ka talo mo pang binayaran mo na ako," mataray na sabi niya habang nakataas ang kanyang kilay.

"Sige na, ipagtimpla mo na ako. Di ba asawa kita?" seryosong sagot niya pagkatapos ay bastos na tumalikod papunta sa kanyang kuwarto.

"Edi wow, asawa mo lang ako sa papel kaya wala kang karapatang mag-demand sa akin ng ganyan. Pero sige dahil mabait ako ay ipagtitimpla na kita! Baka mamaya mamatay ka pa dahil sa sakit ng ulo mo maging mamamatay tao pa ako," nakangising sagot niya rito.

Nanlaki ang mata ni Khrystal dahil unti-unting lumalapit sa kanya si John. Napapalunok na lang siya ng laway dahil sa kabang nararamdaman. Naka-boxer at sando pa naman siya tapos idagdag pa na kita ang mga kalamnan nito sa braso at binti. Hindi niya alam kung ano ba dapat ang kanyang magiging reaksyon dahil ito pa lang ang unang beses na makakita siya ng gano'ng kakisig na katawan kaya di niya mapigilang mapaatras.

"Bakit ka umaatras asawa ko?" nakangising tanong niya. "Bakit para kang kinakabahan? Akala ko ba matapang ka? Hanggang salita ka lang ata e!"

Dahil sa pambubuska niyang ginawa ay nagpantig ang kanyang tainga kaya saktong paglapit niya ay buong diin niyang inapakan ang kanang paa niya.

"Holy shit! Why did you do that?" galit na tanong ni John habang nakahawak sa kanyang paa at namimilipit sa sakit at maipinta ang mukha.

"Oops! Pasensya na, akala ko kasi sahig ang inapakan ko. Sige na, magtitimpla na ako ng kape mo."

Mabilis na siyang umalis sa harap ni John dahil baka makaisip pa siya ng kung ano para makaganti. Napapangiti na lang siya dahil sa kamalditahang ginawa niya. "Akala niya magpapatalo pa ako sa kanya ha! Never!"

Dumiretso na siya sa kusina para ipagtimpla ito ng kape. Pagkatapos niyang kumuha ng mug ay pumunta na siya sa harap ng kabinet kung saan nakalagay ang kakailanganin niya para ipagtimpla si John ng kape. Kalahating kutsarang kape, dalawang kutsarang asukal at isang kutsarang coffee matte ang inilagay niya sa baso. Pagkatapos ay nilagyan niya nang mainit na tubig at hinalo ang kape.

"Hmmn...Ang sarap sana lagyan ng lason 'tong kape kaso huwag na lang baka masayang lang ganda ko dahil baka makulong pa ako kapag ginawa ko 'yon," mahinang sabi niya sa kanyang isip pagkatapos ay binitbit  niya na ang tinimplang kape.

Habang umaakyat siya sa hagdanan ay nakita  niya ang wedding photo nilang dalawa na mukhang masaya. "Mukhang hanggang larawan lang ang kasayahang 'yon" malungkot na bulong niya pagkatapos ay tumingin sa pinto ng kuwarto nito.

Ibinaba niya ang basong dala sa lamesa na nakalagay malapit sa dingding ng kuwarto ni John. Pagkatapos ay kumatok siya para malaman nitong handa na ang kape niya. Pagkarinig ni Khrystal na humahakbang na ito papunta sa pinto ay mabilis na siyang naglakad pabalik sa kanyang kuwarto. Napabuga na lang siya ng hangin nang makapasok siya sa kanyang kulay pink na kuwarto.

"Ang galing mo talaga Khrystal, bilib na ako sa 'yo," tuwang-tuwa na sabi niya pagkatapos ay patalong humiga siya sa kanyang kama.

Kinuha niya ang kanyang cellphone na nakalagay sa maliit na lamesang katabi ng kanyang kama. Nag-browse muna siya sa kanyang Facebook pagkatapos ay agad na binisita ang aking Messenger ng wala akong makita ay pinindot niya na lang ang Mp3 Music Player at nakinig ng paborito niyang kanta na Perfect na inawit ni Ed Sheeran.

I found a love for me

Darling just dive right in

And follow my lead

Well I found a girl beautiful and sweet

I never knew you were the someone waiting for me

Cause we were just kids when we fell in love

Hindi pa rin siya makapaniwala na sa edad niya na labing-walo ay may asawa na agad siya at ang malala pa ay mukhang bipolar pa ata dahil sa madalas na pagbabago-bago ng ugali nito.

Not knowing what it was

I will not give you up this time

But darling, just kiss me slow, your heart is all I own

And in your eyes you're holding mine

Noong unang nakita ito ni Khrystal ay inakala niyang ito na 'yong prinsipeng hinihintay niya na dumating at pumalit sa lalaking matagal niya ng crush simula noong elementary pa lang sila at idagdag pang kababata niya.

Baby, I'm dancing in the dark with you between my arms

Barefoot on the grass, listening to our favorite song

When you said you looked a mess, I whispered underneath my breath

But you heard it, darling, you look perfect tonight

Tanda niya pa na pagkatapos ibalita ng daddy niya na ikakasal siya kay John ay nagsayaw pa sila sa stage habang pinapanuod ng maraming tao.

Pakiramdam niya ay isa siyang prinsesang isinasayaw ng isang prinsipe. Idagdag pa na naka-gown siya na kulay pink na katulad ng suot ni Barbie at si John naman ay naka-tuxedong itim at may puting collar na katulad ng suot ni Ken.

Well I found a woman, stronger than anyone I know

She shares my dreams; I hope that someday I'll share her home

I found a love, to carry more than just my secrets

To carry love, to carry children of our own

We are still kids, but we're so in love

Fighting against all odds

I know we'll be alright this time

Darling, just hold my hand

Be my girl, I'll be your man

I see my future in your eyes

Nagkasulubong pa nga ang mga mata nila noong sumasayaw sila ng hindi sinasadya. Ang totoo niyan kilala ko siya kasi nakikita ko na ang mukha niya sa mga advertisement. Isa kasi siyang model at may-ari ng sarili nitong advertisement.

Ilang beses niya na rin bang nasabi sa isip na ang guwapo nito para sa kanya noon. Pero ngayon kinamumuhian niya na ito. Sa lahat kasi ng ayaw niya iyong pinaparamdam sa kanya na hindi siya gusto. Papayag-payag siyang magpakasal tapos aasal siya na akala mo walang pinag-aralan.

Baby, I'm dancing in the dark, with you between my arms

Barefoot on the grass, listening to our favorite song

When I saw you in that dress, looking so beautiful

I don't deserve this, darling, you look perfect tonight

"Khrystal Kenn, strike two!" tuwang-tuwa na sabi niya habang nagpapadyak sa kanyang kama.

Oo nga pala, bukas ay may pasok na siya sa school dahil Lunes na. Makikita niya na naman ang mga immature niya na kaibigan. Gusto na rin niyang pumasok para naman kahit papaano ay makaiwas siya kay Beast dahil baka tumanda agad siyang tingnan dahil sa stressed sa kanyang asawa. Ito na lang kasi ang tanging paraan para makatakas siya sa malungkot na bahay na 'to.

Baby, I'm dancing in the dark, with you between my arms

Barefoot on the grass, listening to our favorite song

I have faith in what I see

Now I know I have met an angel in person

And she looks perfect

I don't deserve this

You look perfect tonight

Napahikab si Khrystal pagkatapos ay dahan-dahang napapikit ang kanyang mga mata dahil sa nakaramdam siya ng antok. Saktong natapos ang kanta ay napunta na siya sa kanyang panaginip kung saan nakikita niya ang sarili at si Beast na magkahawak ang kamay.

Itutuloy...