Chapter III: Princess Ayamuneth of Ur Nemur
Aya looks out from the wide open window made from dried hard bricks of mud which she guessed made up mostly of the building she's at. She must be on one of the highest room in this building to be able to see the lively and bustling city of Ur Nemur.
She could even make out of the harbor with merchants ships from far distance. From what she learned from Agapara- the Head Priestess, Ur Nemur is a great civilization that bloomed in the heart of great Euforos River. From being a simple tribe of Nemu people who were blessed with abundance because of fertile soil and river, it soon became a large city because of merchants that uses their land as ports. Later on the city became a center of trade.
She still couldn't' believe she was living and witnessing such view. Everyday, since she woke up she would asks questions on everyone that comes in her room then stare outside till its only moon and stars. They thought she lost her memory due to her life and death experience after being bitten by snake while bathing in a shallow part of the river.
She didn't bother looking away from the busy citizen's below her when she heard the jiggles of whatever charms that are hanging on her silk-framed door.
"How are you feeling princess?"
She felt a soft warm hand touches her arm. She turned and was greeted by the wrinkled face of an old yet beautiful woman. The Agapara or High Priestess is her father, the King's older sister making her should be first in line which she has renounced after she learned her royalty status as a child.
Halos araw araw siyang nasa tabi ko ng mga nakalipas na linggo. Minsan ay tahimik lang ding nagmamasid sa kanya o di kaya'y nagkukwento. In a short time span she'd been with her, masasabi niyang napalapit na rin ang loob niya rito. Dito at sa mga taong walang sawang bumibisita at nagtyatyaga sa kanya.
"Maayos naman. Salamat sa pagtatanong. " Sagot ko. Lumapit siya sa tabi ko.
"Something has changed within you." Sabi nito mayamaya habang nakatitig sa kanya. " Nung bata pa ako, sinasabi nilang ang mga mata ko'y parang sa ermitanyo. Sa isang taong namuhay ng mahabang panahon kayat maraming nalalaman sa mundo."
"A-anong ibig mong sabihin?"
"Ang mga mata mo ay kumikinang na parang sa isang sanggol, uhaw sa pagtuklas ng mga kaalaman na lingid dito. Ngunit sinasabi rin nito na ang kaluluwang nasasaiyo ay sa isang taong nakatulas na ng mga bagay na hindi pa nakikita ng ninuman sa mundo."
Napatda ako sa winika nito. Nakangiti lamang siya sa akin ng matuwasay habang nakatitig sa aking mga mata.
Paanong nalaman nito ang bagay na yaon? Mula ng magising ako, pakiramdam ko nga ay nag-iba ako. Ilang araw narin ang lumipas ng tuluyang mawala ang mga alaala ko,-kung alaala nga iyong matatawag- sa isang pangyayari na hindi ko mawari.
"Alam kong labis kang naguguluhan ngayon. Ngunit bakit hindi mo subukang tuklasin ang mga bagay na nais mong malaman? Tignan mo ang mga paru-paro."
Lumingon ako sa tinitignan nito. Sa aking bintana ay naroon ang isang kulay puting paruparo. Nahihimlay ito sa mga bulaklak na nakatanim sa paso na nagsilbing dekorasyon sa aking kwarto.
Paanong nagkaroon ng paruparo sa kinaroroonan ko?
"Ibinigay ng mga tao nagaalala sa iyong kalagayan ang mga bulaklak na iyan. Hindi pitas na nalalanta kundi buong halaman ang inialay nila. Tingin ko'y sinadya rin nila ang paruparong iyan."
Sino? Sinong mga tao? Bakit?
"Labis na nagalala ang mga tao sa kalagayan ng munting prinsesa. Mahal ka ng mga Taga-Nemur, Ayamuneth. Sa tingin mo, bakit ka nila binigyan ng paruparo?"
Ibinuka ko ang bibig ko para sabihing hindi ko alam. Para itanong dito kung paanong nagaalala sa akin ang mga taong hindi ko ni naman matandaan.
Ngumiti lang sa akin si Agapara at lumayo bago haplusin ang aking buhok.
"Malalaman mo rin ang sagot."
Nagpaalam na siya sa akin at naiwan akong nakatitig na lamang sa mga bulaklak at paru paro.
Linapitan ko ito at tinitigan. Nang mapansin ang isang bagay sa nakakapit sa tangkay ng halaman, hinipo ko iyon at laking gulat ng gumalaw iyon. Maya maya pa ay nagbiyak ang bagay na iyon at mula roon ay lumabas ang isang napakagandang pakpak ng isang dilaw na paruparo. Tuluyan na itong nakalaya sa pinagmulan nito at lumipad tsaka dumapo sa aking daliri na nabitin sa ere.
Nanlaki ang mga mata ko. Ang paruparo bago ito nagkapakpak at naging makulay ay isa munang uod, ng natulog ba ito at nagising bilang isang paruparo ay may naalala ba ito? Alam ba nito kung ano ito noon? Lumipad ang dalawang paruparo at masayang nagpaikot ikot sa harap ko.
She felt a warm feeling and a new hope swelled within me after realizing something. She looks up at the bright sky. Hinawi niya ang kurtina at walang takot na dinukwang ang mga nasa ibaba. Ang mga mamamayan ng Ur Nemur.
Nakita niyang tumingala ang iba sa kanya na agad yumukod at kumaway. Hindi ko makita ang mga mukha nila sa kinaroroonan ko ngunit alam kong masaya sila na makitang maayos ako. Nakakalungkot na pinagalala ko sila. Paano ako naging makasarili? Alam kong marami ang nagmamahal sa akin dito.
Hindi ako dapat nagpadala sa takot. Wala man akong maalala mula sa mga nangyari, pwes, gagawa ako ng mga bagong alaala. Aalamin ko ang mga bagay na lingid pa sa akin. Tulad ng mga paruparo, magpapakasaya ako sa bagong mundo na meron ako ngayon.
Sa unang pagkakataon, nakaramdam ako ng kapayapaan at pagasa sa mga araw na darating. Huminga ako ng malalim, nilalanghap ang mabangong samyo habang nakapikit. Tumingala ako at dinama ang masarap na sinag ng araw.
Ako si Ayamuneth ng Ur Nemur, nalilito man ako sa pinaggalingan at dating pagkatao ko, hindi ko hahayaang maging hadlang iyon sa kung magiging sino ako sa hinaharap simula ngayon.
🦋🦋🦋🦋🦋🦋🦋🦋🦋
Please take note that this story uses two languages.
Tagalog as the mother tongue- some ancient language. Like Ancient Egyptian.
And English- madaming dayuhan sa kanila, para magkaintindihan, kailangan nila ng isang language para sa lahat. Imagine it as Old Latin churva.
Thanks.