Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

TrueLove Has BreakUp

Mayhan
--
chs / week
--
NOT RATINGS
10.5k
Views
VIEW MORE

Chapter 1 - School Begins with Good Friends

True Love Has BreakUp

Part 1

Nasa 4th year high school noon si Målfrid, kung iddescribe siya ng mga kaibigan nya sa ibang tao si Målfrid ay mabait, masipag mag-aral, fun to be with ika nga, and with a pleasant personality. Mukha syang tsinita, maputi, labanos ang tawag sknya ng iba,not really short hair neither long. At bilang anak naman, mapagmahal sa magulang at sa mga kapatid. Pang-apat si Målfrid sa magkakapatid, tatlong babae at tatlong lalake sila sa pamilya.

Pasukan na para sa taong 2001-2002

••4th year Highschool••

Målfrid: Wow, kung ano yung room natin nung 2nd year tayo.. dito pa din tayo!

Reva: (isa sa bestfriends ni Målfrid) Oo nga e... at magka2sama pa din tayo.

Tièra: (isa pa nyang bestfriend) Humanap na tayo ng ppwestuhan sa likod tayo. Mataas naman height natin compared sa iba hayaan na natin sila sa harapan.

Masaya ang simula ng pasukan hanggang silang tatlo ay nakuhang officers ng classroom nila. Si Reva as P.R.O, si Tièra as Sargent&Arms.

Nang magbobotohan na para sa Escort;

Gery: I nominate Cody as escort of the class.

The rest of the class answered, second the motion.

Sunod na ang para sa Muse; When the President started to ask...

Gery: I nominate Målfrid as muse of the class.

(Hiyawan ang mga kaklase... woohooo! Ang iba naman ay Yeeeeeeehhh! Mga kinikilig sa kanilang pagboto) at nasara na agad ang nomination. Muse na sya.

Reva: Mål, ano feeling? Diba sya ang crush mo 2nd yr palang tayo?

Målfrid: Oo, pero secret lang nating dalawa yan ha...promise?!

Reva: Promise, ikaw pa ba. Malakas ka sa kin.

Dumaan ang isang buwan, masaya at kapuna-puna ang pagiging active ng magkakaibigan sa klase. Hanggang sa may mag-offer sa kanila kung nais nilang tumakbo para sa Student Council ng taong iyon. At bilang huling taon nila sa highschool sila ay pumayag..

Sa kanilang pangangampanya bawat klase 1st yr to 4th yr sila ay nag-room by room.. Medyo kilala si Målfrid sa mga students ng 1st yr to 3rd yr for a reason na siya ay isa sa mga Cheerleader ng school kaya naman tinatawag siyang Ate ng mga ito.

Raqui: (Campaign Manager nila) Ok lang ba sa inyo na kumuha tayo ng guitarista natin for the Jingle Song natin? Para mas jolly ang dating ng campaign?

All: Oo sige payag kame.

Isaac: Thank you sa pagkuha sakin as guitarist nyo.

Patuloy pa rin sila pangangampanya at sa tuwing may patay na oras sila sa pagkanta sila nagpapalipas ng oras gamit ang pagtugtog ni Isaac. Hanggang sa...

Allie: Uuuuyyyy, ginagalingan masyado ni Isaac ahhh para kanino ba yang tugtog mo?

Isaac: (Nagtitipak ng gitara habang nakatingin kay Målfrid)

Pero si Målfrid ay abala sa pakikipag-usap sa mga students. Pero ang dalawa nyang kaibigan ay nakita at nalaman ang pagkagusto ni Isaac sa kanilang kaibigan.

Tièra: Mål, halika.. pakinggan natin tumugtog si Isaac.

Målfrid: O sige. Yung madali lang kantahin jajajaja 😁 alam mo naman paos na tayo kakasalita.

Lumapit na sila kay Isaac at napahinto ito sa pagtugtog ng makita ng malapitan si Målfrid.

Mickey: (isa pang kaklase) Oh, lumapit lang si Mål naging bato ka na dyan.

At pinapawisan si Isaac sa mga pangyayari ngunit tinuloy nya at nagpakitang gilas..

Nagpatugtog ito ng When you say nothing at all at kumanta na silang magkakaklase.

Patuloy ang kampanya, naging malapit si Isaac at Tièra kung kaya napadali ang estilo ng panliligaw nya kay Målfrid.

Tièra: Mål, gusto ka nya maging girlfriend. Sasagutin mo ba sya kung sakali?

Reva: (Walang imik sa gilid dahil alam nya kung sino tlga ang gusto ni Målfrid)

Målfrid: Hhhmmm masyado yatang maaga para masabi nyang gusto nya ko ngayon lang natin sya naging classmate. Pero I'll try I want to know him.

Reva: Are you sure?

Målfrid: Kasi naman yung gusto ko, mukhang ayaw naman sakin.. kayo kinakausap ni Cody bakit kapag lalapit na ko sa inyo lumalayo siya? Kaya bigyan ko ng chance yung may effort makipag-usap at kilala sakin.

Reva: Sa bagay, wala nga siya ginagawa at hindi nga nagpaparamdam sa iyo. For me, sana wag ka muna magpaligaw. But its up to you. I'll support your decision.

Målfrid: Thank You. Bestfriend talaga kita!!!