Chapter 969: Masyadong Maraming Tao ang Gustong Mamatay Ka (10)
"Hindi, ako na," pagpupumilit ni Gao Ran.
Nakatayo lang sila doon, walang gustong bumigay, haggang sa kinuha ng babaeng empleyado ang IBC bank card ni Gao Ran; iyon ay ang kanyang salary card.
"Sa inyo na po ang kukunin ko, sir." Ngumiti ang babaeng empleyado at kinuha mula kay Gao Ran ang kanyang cad.
Naiwang nakatunganga si Zhu Lingling.
"Ahem… bwisit na pulis, hindi ko naman gustong pagbayarin ka. 700 na ang nagastos mo sa kinain natin kanina, umalis agad ang dalawang punyetang 'yon pagkatapos kumain. Wala akong masabi… Nalulungkot ako para sa ating mga pangkaraniwang tao," pabirong nagreklamo si Zhu Lingling tungkol kina Huo Mian at Qin Chu.
Yumuko si Gao Ran at tumawa, "Ayos lang, hayaan mo, pupunta ako sa mansyon nila para kumuha ng isang bote ng wine niya. Ang isang bote ng wine niya ay katumbas na ng sweldo ko sa isang buong taon."