Chapter 939: Ang Husay ng Goddess na si Song (10)
"Ahh." Tumango si Huo Mian, hindi niya alam kung bakit sinasabi sa kanya ni Song Yishi ang bagay na ito.
"Pero mali ang nakasulat sa balita. Alam mo naman na nakatira rin ako sa Imperial Park, at kagabi, sabay kami kumain kaya naman sinabay niya na ako pauwi. Hindi lang naman kaming dalawa ang lumabas, naroon ang mga pamilya naming. Isa pa, hindi alam ni Qin Chu na darating ako. Kakabalik niya lang kaya nakipagkita siya sa Dad ko para mag-usap tungkol sa negosyo. Walang nangyaring iba kaya sana naiintindihan mo."
"Oo, tapos?" Mahinahong tanong ni Huo Mian.
"Tapos, 'yon na ang nakita mo. Kinuhaan kami ng mga paparazzi… at 'yon ang dahilan kung bakit may kumalat na balita tungkol sa pagkakaroon ng kabit. Balak kong ipaliwanag sayo ang lahat. Wag mong pag-isipan nang masama si Qin Chi. Mahal na mahal ka niya… Ayokong magkaproblema ang relasyon niyo nang dahil sa akin."