Chapter 91 - Weirdo

Chapter 91: Weirdo

"Seventy-three thousand yuan."

Napanganga ng malaki si Huo Mian pagkatapos marinig ang kanyang sagot.

"Ang isang bowl ng noodles ay dalawang yuan, kaya kapag kumain tayo ng isang bowl sa isang araw, magiging apat na yuan ito para sa dalawang tao. Sa isang taon, isang libong apat na daan at animnaput yuan na iyon at pagkatapos ng limampung taon, magiging seventy-three thousand naman ito," pagkakasabi agad ni Qin Chu pagkatapos.

"So, nagdeposit ka na ng sapat na pera para bumili ng noodles para sa susunod na fifty years," namamanghang sabi ni Huo Mian.

"Gusto ko kumain ng ramen kasama ka habangbuhay. Yun lang," sinabi ni Qin Chu habang nakatitig sa mata ni Huo Mian.

Pagkatapos, nakisabat ang may-ari ng tindahan ng noodles, "Pinapangako ko sa batang ito na ipapamana ko sa mga anak ko itong noodle house kapag naging sobrang tanda ko na para gawin ito. Sisiguraduhin naming makukumpleto namin ang binayad niyo."

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin Ah-Xin, sa tingin ko lang ay… kakaiba ito," paliwanag ni Huo Mian.

"Hindi sa akin," inosenteng sabi ni Qin Chu.

"Okay, bahala ka."

Hindi pa rin makapaniwala si Huo Mian sa nangyari habang paalis sila ng noodle house.

Kung gusto ng lalaki na kumain ng ramen kasama ka habang buhay, ang ibig sabihin ba nito ay gusto ka rin niya makasama habang buhay?

Ganun ba yun?

Magiging ganito ba siya at si Qin Chu… panghabang buhay?

Wala siyang lakas ng loob na isipin o pangarapin ang tungkol dito…

"Mukhang may pinag-iisipan kang mabuti… siguro iniisip mo ang mga bagay-bagay na may kinalaman sakin," tumingin si Qin Chu kay Huo Mian, mukha itong wala sa sarili.

"May ikakayabang ka pa ba, President Qin?" inirapan siya ni Huo Mian.

"Mali ba ako?"

"..."

"Alam mo, hindi ako makapaniwala na walang pinagbago ang noodle house na iyon. Hindi ko maisip kung paano nila nagawa iyon kahit na hindi sila nagbabago ng presyo sa loob ng pitong taon. Mabait na business owner si Ah-Xin," sabi ni Huo Mian para mapalitan ang kanilang pinaguusapan at para hindi mapansin ang katotohanan na tama si Qin Chu.

"Nakikita kong sinusubukan mong palitan ang usapan. So tama ako?"

"Nakakaloka ka..." sabi ni Huo Mian. Wala siyang masabi.

"Hindi ikaw ang uod ko sa tiyan, kahit nga kambal ay hindi mahulaan kung ano ang iniisip ng isa't isa," sabi ni Huo Mian. Iniwas pa niya ang kanyang ulo para lang hindi na magpatuloy ang kanilang usapan.

Hindi na nagsalita si Qin Chu. Napangisi nalang ito nang tahimik.

Minaneho ni Qin Chu ang kotse papunta sa First Hospital. Nagdala rin si Huo Mian ng take out para sa hapunan ni Zhixin.

Maayos na gumagaling si Jing Zhixin pagkatapos ng surgery. Ang nanay niya ay dadating para alagaan siya tuwing umaga, habang ang caretaker na kinuha ni Huo Mian ay dadating sa gabi.

Dahil dito, laging naaalagaan si Jing Zhixin.

Saglit lang na nakipagusap si Huo Mian kay Zhixin at napansin na gumagabi na. Iniisip niya kung mananatili pa siya sa ospital dahil kailangan niya magtrabaho rito kinabukasan.

BIglang dumating ang tawag ni Zhu Lingling. Iniimbitahan siya nito maghapunan.

- Sa isang Thai restaurant sa downtown district ng C City -

Ang ganda tingnan ni Zhu Lingling sa kanyang nagbabagang pulang dress. Samantalang, si Huo Mian naman ay suot pa rin ang itim na dress na sinuot niya para sa libing.

"Mian, dito."

"Ang aga mo naman," ngumiti si Huo Mian.

"Baka kasi wala nang matirang upuan kapag di ako dumating ng maaga. Masarap dito ang pineapple rice, dapat tikman mo ito."

"Sige," ngumiti si Huo Mian at mahinhin na umupo.

"Isang Versace dress yan! Ang mapagbigay naman ni Qin Chu!" bilang airline stewardess, minsan si Zhu Lingling ang nagtatrabaho rin bilang private purchasing agent, kaya pamilyar siya sa mga luxury goods.

"HIndi ito ang point, okay? Ang point ay kagagaling ko lang sa libing ni lola Huo. Kaya naman nakasuot ako ng itim na dress."

"Oo nga pala, pakikwento naman sakin ang tungkol sa pamilya na iyon! Yung sobrang yaman mong tatay, nagulat ba siya nung nakita ka niya? Nakita mo rin ba si Prince Huo? Gwapo at maginoo ba siya? Nakakainis pa rin ba si Huo Yanyan katulad ng dati?" Mabilis na nakichismis si Zhu Lingling. "Huo Siqian? Gwapo? Maginoo?"

Hindi maihahambing ang mga salitang ito sa kanya, isip ni Huo Mian.

"Ang dami mo namang tanong, hindi ko tuloy alam kung ano ang una kong sasagutin," humigop ng kaunti si Huo Mian galing sa kanyang tsaa.

"Sige, magtatanong nalang ako ng isa-isa. Ginawa niyo na ba ulit iyon ni Qin Chu?" halos maibuga ni Huo Mian ang kanyang tsaa sa pagkagulat.