Chapter 872: Sobrang Tigas Ng Ulo Niya, Ang Hirap Panoorin (3)
"'Wag mo sabihin kay Ni Yang na ako ang mag-dodonate ng liver sa kanya."
"Ha? Bakit hindi?" Pag gumaling na si Ni Yang, gusto sabihin ni Huo Mian kay Ni Yang na si Xie Juan ang nag-donate ng atay para sa kanya. Baka maramdaman niya na may pakialam sa kanya si Xie Juan, at baka mapag-usapan nila ang relasyon nila.
Pero, hindi naintindihan ni Huo Mian kung bakit ayaw ni Xie Juan sabihin kay ni Yang.
"Kasi masyadong malaki ang utang na loob ko sa kanya… Ayaw kong pagbigyan sa kanya dahil lang nag-donate ako ng organ sa kanya… Bilang nanay, kulang ang ginawa ko para sa kanya… Tama ka, masyado akong makasarili. Pareho silang anak ko, pero bakit si Shuai Shuai lang ang minahal ko? Hindi fair para kay Ni Yang… dati ignorante ako at handa akong saktan siya at humingi ng pera sa kanya… Partially responsible ako sa depression niya."