Chapter 865: Kaguluhan sa Huo Family (6)
Nang makita ng lahat ang pangatlong set ng mga dokyumento, naintindihan agad nila kung ano nangyari. Kahit gaano kagaling pa man ang mga hackers, hindi pa rin nila kayang i-transfer ang pera direkta mula sa Finance Department.
Magagawa lang ito ng Finance Department pag pumayag ang isang corporation representative. Tapos, gagamitin ng mga hackers ang pagkakataon para kunin ang pera at i-transfer ito sa isang shell account bago ito i-withdraw.
Sa totoo lang, hindi matalino ang gumawa nito; anong klaseng sitwasyon ang nangyari noong pinirmahan ni Huo Siyi ang mga papeles.
Nagulantang din si Huo Siyi; natandaan niya na isang araw, nilalandi niya ang isa sa mga babaeng assistants sa corporation.
Pinag-usapan ng dalawa ito pagkatapos, kasi matagal nang nagtatrabaho sa corporation ang babaeng assistant, kaya alam niya ang mga bagay na ito.