Chapter 856: Mabuhay Bilang Lalaki (7)
"Hindi pa niya alam na may sakit siya. Gusto kong dalhin siya sa ospital agad. Ikaw ang nanay niya, at magkapareho kayo ng blood type, kaya… Gusto ko sana tanungin kung kaya mo tulungan si Ni Yang."
"Ako… paano ako tutulong?" Hindi kaya sagutin agad ni Xie Juan lahat.
"I-donate mo ang liver mo… i-donate mo 38% ng liver mo. Direct relative ka niya at magkapareho kayo ng blood type, at mataas ang change na hindi ire-reject ng katawan niya ang liver mo. Pag gumana, gagaling siya… Kung hindi… hindi siya mabubuhay for more than three years."
"Liver donation…" Hindi ito inasahan ni Xie Juan.
Normal na babae lang siya at wala masyadong pinag-aralan, kaya nahirapan siyang tanggapin ang biglaang pangyayari.
Hindi siya kasing lapit sa kanya kumpara kay Shuai Shaui, kaya ngayon, nag-alinlangan siya.