Chapter 795: Ang Bagsik Ni Master Su Para Sa Maganda (6)
"Hindi ako nagsisinungaling." Tinatanggi pa rin ni Huo Mian.
'Okay, sige magpustahan tayo. Kung nagsisinungaling ka sa akin, tatlong rounds tayo mamayang gabi, okay?"
"No." mariin na tumanggi si Huo Mian.
"Sinasabi mo ba na hindi ka nagsisinungaling?" Hinding hindi maniniwala si Qin Chu sa panloloko niya.
Nang mapansin niyang nadiskubre na ang panloloko niya, nilabas ni Huo Mian ang pulang booklet mula sa bag niya.
Tiningnan ito ni Qin Chu at napangiti siya ng malaki.
"Hindi na masama… perfect in every subject. Sa mark na ito, pwede ikaw na ang tawaging 'number 1 medical scholar sa C City'."
"Anong scholar, wala akong pakielam doon...pero ngayon ang mahalaga ay hindi ko na kailangan mag-alala… Kung hindi, matatakot pa rin ako na baka may magreport sa akin dahil sa pag-assist ko sa surgery. Ngayon, mayroon na ako nitong booklet."