Chapter 782: Laban Ng Mga Socialites(3)
"Naisip ko lang ito bigla… Umupo ako sa pinakaboring na meeting sa bureau… at bigla akong nagcrave sa barbeque…"
"Hindi ka kumain ng barbeque nung summer pero ngayong patapos na ang autumn, gusto mo ng barbeque?"
Walang masabi si Huo Mian...
"Yeah, ano bang koneksyon ng season? Nakakatawa ka, sumakay ka na ng kotse."
"Sige, hindi ako magmamaneho."
Minsan ay iniiwan ni Huo Mian ang kotse niya sa ospital at uuwi sakay sa kotse ni Qin Chu.
Sinundo siya ni Jiang Xiaowei para maghapunan kaya kailangan niyang pumunta. Isa pa, mahilig siya sa barbeque.
"Kumusta naman ang mga bagay sa pagitan niyo ni Wei Liao?" abala si Huo Mian nitong nakaraan at nakalimutan niyang tanuning si Jiang Xiaowei tungkol sa kanila ni Wei Liao.
"Mahirap pakisamahan ang magulang at nakababata niyang kapatid, pero bukod doon maayos naman ang lahat."
"May nakababatang kapatid si Wei Liao?"