Chapter 80: Merienda
"Nasa ospital ako."
"Nasa labas ako ng ospital, pwede ka bang lumabas?"
"May kailangan ka ba?" ang tono ni Huo Mian ay walang sigla. Naguguluhan kasi siya; ayaw niya maging masyadong malapit kay Qin Chu, pero dahil nakatira sila sa isang bubong, wala siyang choice.
"Oo," seryosong sabi ni Qin Chu.
Tumingin si Huo Mian sa kanyang relo, may 20 minutes pa siya bago makabalik sa trabaho. May oras pa. Kaya naman, tumayo siya at naglakad papuntang entrance.
Pagkadating niya doon, nakita niya si Qin Chu na nakasandal sa kanyang Volkswagen CC.
Nag-alinlangan ng ilang saglit si Huo Mian bago lumapit.
Iniabot ni Qin Chu sa kanya ang plastic bag, "Ito."
"Ano to?" tanong ni Huo Mian, medyo nag-aalala ito.
"Merienda."
"Salamat," sabi ni Huo Mian habang kinukuha ang bag at tumango ng may halong pasasalamat.
"Para saan kung bakit kailangan mo ako? Pakisabi naman kaagad, kailangan ko kasi makabalik sa trabaho agad," tanong ni Huo Mian. Hindi niya kasi alam kung bakit pa siya nag-abala pumunta sa ospital ng ganitong oras.
"Gusto ko lang ibigay sayo itong merienda."
"..." walang masabi si Huo Mian.
Yun na yon? Sobrang seryoso ng pagkakasabi niya kanina kaya akala niya may importante itong sasabihin.
Hindi niya alam, lahat ng may kinalaman sa kanya ay mahalaga para kay Qin Chu.
"Sige, kung yun lang lahat, babalik na ko sa loob."
"Saglit lang," sabi ni Qin Chu.
Tumingin si Huo Mian pabalik sa kanya…
Dahan-dahang ginamit ni Qin Chu ang kanyang kamay para ipitin ang kanyang bangs sa likod ng kanyang tenga.
Namula kaagad ang mukha ni Huo Mian.
Mukha siyang isang babae na kakahulog lang ng loob…
"Sige, balik ka na sa trabaho. Hindi rin pala kita masusundo mamaya pagkatapos ng trabaho mo, may kailangan kasi ako asikasuhin sa kumpanya kaya hindi rin ako makaka-uwi hanggang mamaya, pero may ipapadala ako para sunduin ka. Pagkatapos, tatawagan ka nila."
"Okay lang, pwede naman ako mag-bus pauwi dahil malapit lang ang ospital sa bahay."
Kahit ano pang sabihin niya, umarte si Qin Chu na parang walang narinig at pumasok sa kotse.
Napabuntong hininga na lamang si Huo Mian at bumalik sa ospital dala ang kanyang merienda.
- Sa loob ng lounge -
Dahan-dahan niyang binuksan ang bag at may nakitang kahon ng pink macarons, kahon ng puffs, isang cup ng kape at kahon ng halo-halong prutas na may melon, watermelon, strawberries at ubas.
Maganda ang pagka-packaged nito at sariwa pa ang lahat…
"Wow, hindi ba ito yung pagkain galing 37 Degrees? Sobrang mahal nito. Narinig ko ang isang cup ng kape nila ay 300 yuan. Huo Mian, bigatin ka pala. Sabihin mo nga sakin, nanalo ka ba sa lotto?" masiglang sabi ni Huang Yue nang makita niya ang packaging ng kahon.
"Hindi, isa lang itong regalo. Hindi ako bibili ng ganito kamahal."
Narinig na ni Huo Mian ang 37 Degrees. Ito ay isa sa mga pinakasosyal na coffee shops sa lungsod at pinaka-pinagmamalaki nito ang kanilang merienda.
Madami kang makikitang mga mayayaman dito dahil hindi kaya ng mga ordinaryong tao ang bumili dito. Ayon sa sabi-sabi, ang isang cup ng kape ay 300 yuan, at ang kanilang ice-cream ay 500 yuan. Kaya ang mga presyo dito ay sobrang mataas.
Ang mga binili ni Qin Chu ay nagkakahalaga siguro ng hindi bababa sa 1000 yuan...
Halos kaparehas nito ang budget niya sa bawat buwan, pero itong si Qin Chu pinambili lang ng kanyang merienda ang ganoong halaga…
Nakaramdam si Huo Mian ng kirot sa kanyang puso.
Siguro dahil nasanay na siyang maging matipid pagkatapos ng mga nagdaang taon.
"Isang regalo? May nanliligaw ba sayo? Sabihin mo sakin, sino?" sabi ni Huang Yue ng may halong misteryosong ngiti.
"Hindi, isa itong regalo mula sa kaibigan ko, yung flight attendant. Kilala mo siya," si Zhu Lingling lang ang kayang idahilan ni Huo Mian.
Pagkatapos, inialok niya rin ang pagkain sa iba pang mga nurses sa kanyang department. Lahat ay nag-enjoy.
Bago pa siya makabalik sa trabaho, may isang lalaking doktor ang kumatok sa pinto at nagtanong, "Andito ba si Huo Mian?"
"Ako si Huo Mian," sabi ni Huo Mian habang pinupunasan ang kanyang bibig at tumayo.
"Ito, para sayo," biglang naglabas ang doktor ng isang bouquet ng rosas na ikinagulat niya.
Pero hindi niya kilala itong fellow na ito…
May makakapagsabi ba sa kanya kung ano ang nangyayari?