Chereads / My Youth Began With Him (Tagalog) / Chapter 75 - Panganib

Chapter 75 - Panganib

Chapter 75: Panganib 

Walang ng oras si Huo Mian para makaalis. Tumayo na amang siya doon na parang isang usa, sinusubukang takpan ang ilaw ng kotse gamit ang kanyang kamay.

Nawala sa kanyang isip na nakatayo siya sa pinakamapanganib na lugar. Kung paparating man ang kotseng ito, maaaring masagasaan siya.

Hindi na niya nasagot ang tumawag sa pangalan niya. Naramdaman nalang ni Huo Mian na may bumangga sa kanya, at tumalsik siya.

Ang kanyang tagiliran ay pumipintig…

Matapos buksan ang kanyang mga mata, natagpuan nalang niya ang kanyang sarili na nakapaloob sa isang malambot na yakap.

"Qin Chu, kailan ka pa nakarating dito?" takot at gulat na sabi ni Huo Mian.

Bakit siya nandito ngayon?

Niyakap ni Qin Chu si Huo Mian nang mahigpit. Nakahiga sila sa daanan malapit sa isang electric pole, malapit ang katawan nila sa isa't isa.

"Ayos ka lang ba?" garalgal na pagkakasabi ni Qin Chu. Langit lang ang may alam, na sa ilang segundong yun, halos sumabog ang puso niya.

"O…oo," nabulol ng kaunti si Huo Mian.

Pagkatapos ay tumayo ito at tiningnan ang kanyang mga sugat. Nalaman niya na bukod sa nasaktan ang kanyang tagiliran dahil sa pagkakabangga ni Qin Chu sa kanya, wala na siyang ibang sugat.

Pagkaharap at pagkatingin niya kay Qin Chu, nagulat siya, "May sugat ka sa kamay."

"Ayos lang ako, kaunting galos lang ito."

"Hindi, takpan natin yan. Kung hindi, maaaring magkaroon iyan ng impeksyon," hinila ni Huo Mian si Qin Chu papasok ng ospital.

"Meron tayong first-aid kit sa bahay, pwede mo akong tulungan doon," pagkatapos magsalita ni Qin Chu, hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ni Huo Mian at sinabing, "Gabi na. Umuwi na tayo."

Pagkatapos, hinila niya si Huo Mian at isinakay sa kanyang puti at low-key na Volkswagen CC. Sumakay silang dalawa sa kotse.

Sa passenger seat, nagdalawang-isip si Huo Mian bago tanungin si Qin Chu, "Ngayon lang… bakit ka nandoon?"

"Hindi ba dapat ang tanong mo ay kung bakit may matulin na kotse sa harap ng ospital?" patanong na sagot ni Qin Chu.

"Sagutin mo muna ang tanong ko."

"Hindi kita makausap at hindi ka rin nagtext. Pagkatapos ng trabaho ko, pumunta ako kaagad sa ospital para maghintay sayo."

"Anong oras ka nakarating dito?" gulat na humarap si Huo Mian kay Qin Chu.

"Six."

"Naghintay ka mula six hanggang nine ng gabi?" hindi makapaniwala si Huo Mian.

"Oo."

"Naghihintay ka lang sa kotse?"

"Oo."

"Napaka-…?" hindi alam ni Huo Mian ang kanyang sasabihin. Gusto niyang sabihin na baliw si Qin Chu, ngunit malinaw na hindi siya nababaliw.

"Maswerte ka at dumating ako. Kung hindi, nasagasaan ka na sana."

Ngayon ay naiintindihan na ni Huo Mian. Dumating si Qin Chu para sunduin siya at naghintay ito sa kotse. Pagkakita nito na palabas na siya sa ospital, lumabas ito para tawagin siya.

Ngunit noong mga oras na yun, may truck na lumabas galing sa kawalan.

Sa sandaling iyon, sa pagitan ng buhay o kamatayan, tumakbo si Qin Chu, itinulak si Huo Mian at umiwas sa malaking truck. Ligtas silang bumagsak sa gilid ng kalsada.

Sa sandaling iyon, muntik na silang mamatay…

"Alam mo bang muntik ka nang mamatay?" tanong ni Huo Mian habang tinititigan si Qin Chu.

"Ang alam ko lang ay kung hindi ko ginawa iyon, mamamatay ka," kalmadong sagot ni Qin Chu.

"Hindi mo ba pinagsisisihan?" nagsimulang mangilig ang mga mata ni Huo Mian. Tumingin siya sa bintana pagkatapos niya magtanong.

"Hinding-hindi ko ito pinagsisisihan."

"Ang tanga mo. Ikaw ang Prince ng GK, na ang halaga ay milyon milyon. Bakit mo ibibigay ang buhay mo para lang iligtas ang isang nurse intern?"

Sumandal si Qin Chu. Tumingin ito sa mga mata ni Huo Mian at sinabing, "Sa sandaling iyon, iniligtas ko lamang ang aking asawa. Huwag ka nang masyadong mag-isip."

"Qin Chu…"

"Hindi mo ba naisip na pagkakamali itong ginawa natin?" kalmadong tanong ni Huo Mian.

Matapos marinig ito, nanlamig ang mga kamay ni Qin Chu habang nagmamaneho…