Chapter 72 - Opinyon

Chapter 72: Opinyon

Sa sandaling iyon, hindi alam ni Huo Mian kung paano sasagutin ang tanong.

"Um… Hindi ko siya gaano kilala," dahil ayaw na niyang ipagpatuloy ang usapan na ito, mabilis at kaunti lang ang kinwento niya.

Nang marinig ang sinabi ni Huo Mian, nalungkot ang mga nurses.

Habang hindi pa busy ang OB/GYN Department, si Huo Mian ay pumunta sa VIP suite para makita ang kanyang kapatid.

Ngunit, sa may pintuan, nakasalubong niya ang pamilya ng pasyente noong isang araw. Siya ang nanay ng isa pang batang lalaki na nasaktan sa banggaan. Siya ay isang middle-aged na babae na may suot na kapansin-pansing pulang dress.

"Sandali lang."

"Ano iyon?" Lumingon si Huo Mian para kausapin ito.

"Narinig kong ayaw mong makipagsundo sa pribadong paraan. Totoo ba ito?"

"Oo."

"Hindi ka ba nila binigyan ng sapat na pera? Magkano ang ibinigay nila sa'yo?"

Nagniningning ang mga mata ng babae. Mukhang tinatangka nitong kuhanin ang loob ni Huo Mian upang makakuha ng impormasyon na maaari niyang pakinabangan. Ngunit hindi tanga si Huo Mian.

"Hindi ko tinanggap ang bayad."

"Hindi mo tinanggap ang bayad? Bakit hindi? Hindi ka makagawa ng kasunduan? Hayaan mo kong sabihin sa'yo, kailangan mong gamitin itong oportunidad at manghingi pa ng mas marami. Narinig ko na ang pinsala ng iyong kapatid ay nasa ulo? Maaari mong gawing mas grabe ang pagkakakwento, sabihin mo na nagkaroon siya ng permanenteng pinsala at maaaring maging mabagal ang pag-iisip niya, o kaya naman hindi na niya kayang alagaan ang sarili. Maaari ka nilang bigyan ng mas maraming pera sa ganoong paraan." Binabaan ng babae ang kanyang boses,"Alam mo ba? Ayon sa mga narinig ko, nagtatrabaho ang magulang ng bata sa Ministry of Finance. Hindi lang sila basta mayaman, makapangyarihan din sila."

"Makikipag-usap ako sa legal na paraan at kakasuhan siya. Hindi ako tatanggap ng kahit anong bayad. Ang nagkasala ay dapat maparusahan." Ayaw nang makipagusap ni Huo Mian kaya umalis ito at pumasok na sa suite.

Ang babae ay naiwang tulala. Pagkatapos, umirap ito at sinabing, "Kinalawang na ba ang utak ng babaeng ito o kung ano man?"

- Sa loob ng suite-

Mula pagkagising niya, bukod as pagiging maputla, maayos na ang kalagayan ni Jing Zhixin.

Kumuha si Huo Mian ng tagapag-alaga, nakikipagpalitan ito sa kanilang ina para magbantay. Si Huo Mian din ay madalas bumibisita sa kanyang kapatid.

"Mas maayos ang itsura mo ngayon kaysa kahapon," naglalakad na nakangiti si Huo Mian.

"Ate," ngumingiti si Jing Zhixin matapos makita si Huo Mian.

"Hindi ba dapat nasa duty ka? Anong ginagawa mo dito?" malamig na sabi ng kanilang ina.

"Hindi gaanong abala ngayon sa department, kaya umalis muna ako saglit para tingnan si Zhixin. Kumusta ka, Zhixin? May nararamdaman ka pa rin bang masama sa ngayon?" hinawakan ni Huo Mian ang noo ng kanyang kapatid.

Umiling si Jing Zhixin."Wala, ayos lang ako ate. Huwag ka nang mag-alala."

"Anong sabi nila tungkol sa bayad? Narinig kong tinawagan ka raw nila," tanong ni Yang Meirong habang naggagantsilyo.

Napatigil si Huo Mian at sumagot, "Ma, hindi ako pumayag sa kabayaran. Mayroon naman tayong sapat na pera para sa operasyon ni Zhixin, at tagumpay naman ito. Gusto kong dalhin ito sa korte, para maparusahan ang may sala. Kung hindi, babayaran lang niya tayo at patuloy na tatakas sa batas. Muntik nang namatay ang aking kapatid. Tuwing naiisip ko iyon, hindi ko kayang hayaan lang ito.

Akala niya ay pagagalitan siya ng kanyang ina. Sapagkat, malaki ang alok na pera ng abogado.

Ngunit nagulat siya, hindi nagalit ang kanyang ina. Tiningnan lamang siya nito ng masama at tinanong, "Hindi ba sinasabi nilang makapangyahiran ang kapit ng may sala? Kung itutuloy natin ang kaso at matalo, hindi ba't mas lamang pa rin ang mawawala sa atin kaysa sa makukuha natin?"

"Hindi, hindi tayo matatalo. Ang may sala ay nakikipagkarera sa loob ng school campus, hindi pa kasama doon ang pag-iinom at matulin niyang pagmamaneho. Siya ang nasa mali dahil nagdulot siya ng isang malaki at seryosong aksidente. Hindi tayo matatalo maliban nalang kung bulag ang judge. At kahit na mayroong sapat na kapangyarihan ang pamilya ng may sala na itago ang insidente, maaari akong pumunta sa media o magpost online ng tungkol sa mga nangyari. Kapag nalaman ng publiko ang mga nangyayari, hindi lang basta tatayo at hahayaan ito ng mga awtoridad. Naniniwala ako na kahit makapangyarihan sila, pero hindi nila kayang makontrol ang lahat."

Pagkatapos magsalita ni Huo Mian, ngumiti si Jing Zhixin at sinabing, "Ate, ang talino mo. Pinag-isipan mong mabuti ang lahat."

Sa kabilang banda, inirapan ni Yang Meirong si Huo Mian, "Kung nakapagdesisyon ka na talaga, ikaw na ang bahala," sabi niya. "Ngunit… paano mo mababayaran ang perang hiniram mo? Hindi ba nakakalungkot na tanggihan ang kabuuang bayad nila? Sa liit ng sweldo mo, sinong nakakaalam kung gaano katagal mo matatapos bayaran iyang inutang mo? Alam mo talaga kung paano paguluhin ang lahat. Sinasabi ko sa'yo ngayon pa lang, wala kang makukuha sa akin ni-isang kusing. Alam mo kung ano ang ating pamilya: mahirap lang tayo. Ang tanging magagawa mo lang ay puntahan ang iyong tatay at manghiram ng pera. Ngunit ito ay imposible, alam mo naman kung gaano ka niya ikinakahiya.

Related Books

Popular novel hashtag