Chapter 70 - Banta

Chapter 70: Banta

Itinaas ni Qin Chu ang kanyang ulo mula sa likod ng tumpok ng dokyumento. Hindi siya nagsalita, ngunit ang kanyang mga mata ay malinaw na nagsasabing 'kung ano man ang gusto mong sabihin, sabihin mo na.'

"President Qin, handa na ang inyong kotse. Ipinadala na ng mga tao sa store ang kotse at nasa garahe na ito. Pwede mo na itong gamitin kahit anong oras."

"O sige," dalawang-salita lamang ang kanyang sinagot at pagkatapos, bumalik na ulit si Qin Chu sa kanyang trabaho.

Ngunit, ang kanta ay paulit-ulit na tumutugtog.

"Hinihiling ko na may kasama ako kapag ako'y malungkot,

Na kahit sa mga pinaka-abalang araw, may taong andiyan na kakain ng agahan kasama ako,

Bagamat ang ganitong pag-iisip ay malinaw na sobrang ignorante,

Kahit ano pa ang mangyari sa hinaharap, ang gusto ko lang ay may makasama.

Walang lugar sa pagmamahal ang multitasking,

Hindi ba sayang na mapalagpas ang pagkikitang natural na itinadhana,

Kung sakaling napagdesisyunan kong ibigay ang puso ko sa'yo,

Pwede bang may magsabi sa kanya na huwag akong sasaktan.

Sa tuwing ang pagmamahal ay malapit,

Mararamdaman mo ang hawak niyang mahigpit.

Ginugulo niya ang iyong puso, tinatakpan ang iyong mga mata, ngunit hindi nito sinasabi kung saan siya pupunta,

Sa tuwing ang pagmamahal ay malapit, parang hinihintay nito ang iyong reaksyon.

Ang langit at lupa ay tumatahimik, ang tanging panggulo lang ay ang iyong desisyon." 

Ang rason kung bakit naninibago si Yang ay sa kadahilanang, ang madalas na pinakikinggan na tugtugin ng president ay piano music mula kina Chopin, Mozart, Richard Clayderman, o Franz Liszt.

Si Yang ay wala masyadong panlasa sa music. Kaya kahit naririnig niya ang Beethoven's Moonlight Sonata, hindi niya pa rin magustuhan ito.

Ngunit ang kanyang amo ay iba. Maraming nagsasabi na henyo ang president at nag-aral din ito sa ibang bansa sa loob ng pitong taon, kung kaya't mayroon itong ibang panlasa sa music kaysa sa kanila.

 Ngunit ngayon, ang music mula sa mga maalamat na manunugtog ay napalitan na ng "Ang Pagmamahal ay Malapit" ni Rene 'Milk Tea' Liu.

Ito ay sobrang laking diperensya. Pero, ang mas importante, kailan pa nahilig ang president sa cutesy indie-pop?

"President Qin?" 

"Ano iyon?" tumingala si Qin Chu kay Yang na nakatayo at nauutal, hindi ito sigurado kung dapat ba siyang magsalita.

"Gusto ko rin itong kantang ito. Ako at ang aking asawa ay fans ni Milk Tea," nahihiyang sabi ni Yang habang kinakamot ang kanyang ulo at ngumiti.

"Sino si Milk Tea?" sagot ni Qin Chu na muntik nang ikahimatay ni Yang.

Anong mayroon sa president? Kung hindi niya alam kung sino si Milk Tea, bakit siya nakikinig sa kanta nito nang paulit-ulit?

Anong klase siyang fan?

"Milk Tea… Uh… Siya si Rene Liu, ang kumanta ng kantang ito."

"Oh," naintindihan na ni Qin Chu.

Ang mga tugtugan na nakapaloob sa USB sa kanyang computer ngayong araw, ay hindi niya kadalasang pinapakinggan.

Kahapon, ang USB na ito ay nasa laptop ni Huo Mian at natagpuan ito ng mga taong ipinadala niya para tapusin ang kontrata ng apartment ni Huo Mian.

Iniisip ni Qin Chu na ito ang mga kantang gusto ni Huo Mian kung kaya't pinakikinggan niya ito buong umaga.

Kaya hindi nakakapagtaka kung naninibago si Yang sa kanya…

________________

Pagkatapos kumain ng agahan, pumasok na sa trabaho si Huo Mian. Sa loob ng VIP suite, nagkaroon na ng malay si Jing Zhixin.

Kahit nahihilo pa rin si Jing Zhixin, sinabi na ng doktor na ang kanyang vital signs ay maayos na at kinakailangan na lamang niyang magpahinga.

Sinamahan ni Huo Mian si Jing Zhixin. Pagkatulog nito, dahan-dahan siyang umalis.

Pagkalabas niya, biglang nagring ang kaniyang telepono.

Tiningnan ni Huo Mian ito ay nakita na galing ito sa isang hindi kilalang numero.

"Hello?"

"Miss Huo Mian, si Mr. Luo ito, yung abogado."

"Anong gusto mo?" Pagkatapos marinig ni Huo Mian ang kanyang pagpapakilala, lumamig ang tono ng boses nito.

"Gusto ko lang ipaalala sayo na pag-isipan mo maigi ang aming alok."

"Nasabi ko na ang aking desisyon. Hindi ko na uulitin ang aking sarili."

 "Kung patuloy kang magmamatigas… Hindi na namin masisiguro ang kaligtasan mo at ng iyong pamilya."

"Tinatakot mo ba ako?"

"Miss Huo, matalino kang babae. Hindi ko na kailangang sabihin pa."

"Paano kung sabihin ko na mayroon akong built-in recorder sa aking cell phone? Ibibigay ko ito sa korte bilang ebidensya laban sa'yo," galit na si Huo Mian.

Tumawa si Mr. Luo. "Sa tingin mo ba matatakot ako? Mag-iingat ka. Sinabi ko na ito dati: ang aking client ay mayroong makapangyarihang kapit. Hindi siya matatalo ng isang ordinaryong taong katulad mo."

"Dahil ba sa ordinaryong tao lang kami, hahayaan na naming tapak-tapakan niyo nalang kami? Nakakatawa. Bakit hindi ka nalang dumiretso sa impyerno?" Pagkatapos, walang awang ibinaba ni Huo Mian ang phone..

 "Miss Huo, may naghahanap sayo."

"Sige, papunta na," matapos marinig ang tawag, nagpunta agad si Huo Mian sa Obstetrics and Gynecology Department.

Pagkakita ni Huo Mian sa tao na nasa pinto ng examination room, kitang-kita na siya ay nayamot. "Ikaw?"