"Uhm… saan tayo pupunta, kailangan ko pa bumalik sa trabaho." Medyo nag-aalangan si Huo Mian.
"Babalik din tayo agad. Huwag kang mag-alala, hindi nito kakainin masyado ang oras mo."
"Okay." Tumango si Huo Mian habang binubuksan ang pinto at pumasok ng tahimik.
Mga sampung minuto o higit pa ang nakakalipas, nakarating sila sa high-end na Western restaurant.
Kumaway si Jiang Xiaowei. "Waiter, handa na kami mag-order."
Pagkatapos, tumingin siya kay Huo Mian at sinabi, "May sobrang sarap silag steak dito. Oordera kita."
"Sige."
Nag-order si Jiang Xiaowei ng dalawang steak, inumin, fruit salad at ice cream.
Pagkatapos, tahimik silang kumain…
Mga tatlumpung minuto ang nakakalipas, natapos na sila kumain at busog na…
Curious na tinanong ni Huo Mian, "Dinala mo ba ako rito para samahan ka kumain?"
"Hindi, sinaman kita rito para sa blind date."