Nakita ng mga assistants niya ang nangyayari at kaagad lumabas ng kwarto…
Lumapit nsi huo Mian sa aknya at tumayo sa may dressing table. "Salamat para sa araw na ito."
"Pumirma ako ng kontrata sa GK at bilang artista sa ilalim ng label niyo, trabaho ko na magpakita sa red carpet. Ikinagagalak ko ito, Mrs. Qin."
Pagkatapos ng ilang sagutan, napagtanto ni Huo Mian na hindi lang maganda at poised si Mo Xue'er; ang pinaka-importante rito, edukada siya.
Ang paghawak niya sa sarili ay hindi kasingsama ng sa mga socialites at sobrang elegante ng pagsasalita nito.
Perpekto ang pagkakakontrol sa mga ekspresyon niya – hindi siya arogante o peke. Hindi rin siya nagpapanggap na mapagkumbaba at umaakto na parang isang spoiled na prinsesa…
Paano nabigo ang isang kamangha-mangahng babaeng katulad niya na makapasok sa Huo family?