Chapter 61 - Paraan

Chapter 61: Paraan

Akala niya isang batang babaeng walang muwang si Huo Mian, nagulat siya sa metikulosang pag-iisip nito.

"Miss Huo, sabihin mo nga sakin, anong kailangan namin gawin para itigil mo na ito? Gaano kalaking pera ang kailangan mo? Bigyan mo ako ng number."

"Sa tingin ko hindi mo ako naiintindihan. Siguro nga kailangan ko ng pera noon, pero nabayaran ko na ang naging operasyon ng kapatid ko. Kaya ang pag-offer sakin ng pera ay wala nang silbi ngayon, at dahil diyan, hindi mo na ako mapipigilan para magsampa ng kaso. Kung gusto mo talaga ito hindi matuloy, bakit hindi mo hayaan ang drunk-driving bastard na nagdulot ng chain crash ay mag-enjoy ng dalawang taon sa kulungan? Kung hayaan niyo nalang din kaya siya matutunan ang aral niya para hindi na siya ulit makapanakit ng iba ulit?"

"Nagbibiro ka ba? Hindi option ang pagsuko ng client ko."

"Talaga ba? Kung ganoon, magkita nalang tayo sa korte, Mr. Luo," biglang tumayo si Huo Mian para umalis.

"Miss Huo, wala na ba talagang ibang option?" pinapatagal pa ni Luo Qing ang pagkumbinsi sa kanya.

Pero sa oras na ito, hindi man lang nagbalik tingin si Huo Mian habang binubuksan niya ang pinto at umalis.

Hindi niya ma-imagine ang iniisip ng lalaki, pagpapatakbo ng mabilis sa loob ng campus gamit ang Porsche niya, nakapatay siya ng isa at matindi ang injuries ng tatlong iba pa, ang namatay pa ay ang kanyang girlfriend. Sa sitwasyon na ganoon, dahil nag-aagaw buhay ang girlfriend niya, hindi ba dapat ang pagtawag sa ng 911 ang top priority niya? Paano niya nagawang umalis at iwan ang lahat para mamatay?! Namatay ang babae dahil huli na noong nadala ito sa ospital pero kung napa-aga ito, malamang may pag-asa pa siyang mabuhay. Paano na lamang mapapatawad ni Huo Mian ang isang taong katulad niya nang ganun-ganun lang? Hindi pa kasama rito ang aksidente na halos maging dahilan ng pagiging paralisado ng kanyang kapatid.

Hindi matutumbasan ng pera ang buhay niya…

- Hatinggabi, sa garahe -

"So, ang sinasabi mo ay ayaw niya makipagsundo? Kahit gaano pang kalaking pera ang i-alok natin?" mahinang tanong ng middle-aged man.

"Yes, Mr. Lu. Matigas ang ulo ng babaeng ito. Gusto niya talagang ipakulong ang anak niyo."

"Kalokohan. Bakit gustong diktahan ng hampaslupa na iyon ang buhay ng aking anak?"

"Yes, Mr. Lu, tama ka. So ano ang susunod nating gagawin?" Maingat na tanong ni Luo Qing.

"Kami na bahala. Basta siguraduhin mong makukuha mo ang pirma ng iba pang tatlong pamilya."

-------

Bumalik si Huo Mian sa kanyang apartment para magpalit ng damit at mabilis ding umalis para pumunta sa ospital ulit. Sobrang nag-aalala siya para sa kanyang ina.

"Ma, okay na si Zhixin. Gigising na siya bukas. Huwag ka nang mag-alala."

"May kailangan ako itanong. Saan mo nakuha ang pera pambayad sa operasyon ni Zhixin? Sabi ng doctor mahigit hundred thousand yuan daw iyon."

"Nang… nanghiram ako sa isang kaibigan."

"Saan ka nakakuha ng kaibigan na sobrang yaman para pahiramin ka ng ganoong kalaking pera? Huwag mong sabihin na nanghingi ka sa walang kwenta mong ama. Hindi, mali, hindi siya ganoon kabait. May ginawa ka bang hindi maganda kapalit ng pera?" tumingin maigi si Yang Meirong sa mga mata ng anak niya habang tinatanong niya ito.

"Ma, hindi," alam ni Huo Mian na isusumpa siya ng ina sa impyerno kapag nalaman nito na nagpakasal siya kay Qin Chu.

"Edi, sagutin mo ito. Anong ganap na sa inyo ni Ning Zhiyuan? Ikakasal pa ba kayo o hindi?" tanong ulit ni Yang Meirong.

Hindi makapagsalita si Huo Mian pagkarinig ng pangalan na iyon. Hindi niya alam ang sasabihin.

"Bakit ang tahimik mo? Pipi ka ba?" tinuloy ni Yang Meirong ang pagtatanong.

Pagkatapos ng panandaliang katahimikan, mabagal na sinabi ni Huo Mian, "Ma, si Ning Zhiyuan at ako… ay wala na. Wala na kaming koneksyon sa isa't isa..."

"Dahil ba ito sa batang galing sa Qin Family?"

"Hindi," mabilis na tanggi ni Huo Mian.

"Huwag mong sasabihin na hindi kita binalaan. Naaalala mo pa ba kung paano namatay ang Uncle Jing mo? Mortal na kaaway natin ang Qin Family. Kapag nagkaroon ka ng koneksyon sa kanila, pagpipira-pirasuhin kita," banta ni Yang Meirong.

"Alam ko," matamlay na sabi ni Huo Mian. Walang nakakaalam ng sitwasyon at kung ano ang kanyang pinagdaanan. Kung hindi niya pinakasalan si Qin Chu, mamamatay si Zhixin.

Biglang nagring ang phone ni Huo Mian. Pagkakita niya sa caller ID, bigla siyang na-guilty -- speak of the devil and he shall appear.

Nagtatapos sa 8866 ang number; maliban kay Qin Chu, sino pa ba?

Related Books

Popular novel hashtag