Mukhang may nangyaring ganito kalaki kaya hindi na nakakapagtaka kung nagmamadaling umalis si mr. QIn papunta sa t City.
Ang plano talaga nila ay manatili sa kastilyo ngayong weekends, at bumili pa nga si Huo Mian ng mga buto nung napadaan siya sa palengke papunta rito. Gusto niya kasing magtanim ng mga gulay sa hardin kasama si Qin Chu.
Ayos lang kung hindi natuloy ang pagtatanim niya, pero ang mga taong namamatay ay isang malaking bagay.
Wala na siya sa mood para mag-enjoy ngayong weekend; binuksan niya ang bintana para lumanghap ng sariwang hangin.
Ipinagsama niya ang mga kamay niya at ipinagdasal sa isip niya na wala ng mamamatay at ang mga namatay ay makakapagpahing ng mapayapa.
Hiniling niya rin na sana matagumpay na maayos ni Mr. Qin ang insidenteng ito…
- Headquarters ng Imperial Star Entertainment -
Paalis na sana si Su Yu sa trabaho nung narinig niyang kumatok si An sa pinto at nagmamadaling pumasok.