"Ahem… ahem… totoo na sampung bote ang kinuha ko pero hindi ako uminom masyado," kaagad na ipinaliwanang ni Huo Mian.
"Sige, edi pag-usapan natin ang tungkol dito ngayon. Sabihin mo sa akin, nasaktan ka ba?"
"Hindi."
"Talaga?" Hindi naniwala si Qin Chu sa kanya.
"Talaga. Hinampas ko lang ang ulo niya ng ashtray pero walang nangyari sa akin." Pinangako ni Huo Mian.
Hindi umimik si Qin Chu. Itinaas niya ang kanang kamay ni Huo Mian at tianong, "Edi saan nanggaling ang dugong ito?"
Pagkatapos, naalala niya na nasugatan siay sa mga bubog ng ashtray na hinampas niya sa ulo nito.
Hindi man lang niya napansin na may sugat siya pagkadating niya sa istayon kaya paanong nalaman ito ni Qin Chu.
Inisip niya na naging maingat siya at laging nakayukom ang palad niya…
"Honey, maliit na galos lang ito, haha." Nakokonsensyang yumuko si Huo Mian. Pagkatapos niya tapusin ang sinasabi niya, pasikreto siyang tumingin kay Qin Chu.