Tumingin si Qin Chu sa kanya at sinabi ang bawat salita sa ilalim ng gabi, "Alam ko na kailanman hindi mahuhulog ang loob ni Huo Mian sayo pero naiirita ako sa pagsulpot mo sa South Side. Wala ka talagang magawa no? Pero ayos lang, alam ko naman kasi na simhla bukas, magiging avala ka na. Bukas ay… isang magandang araw."
Pagkatapos, tumalikod si Qin Chu ng may misteryosong ngiti, pumasok sa kanyang Maybach at umalis.
Mukhang maganda ang pagmamaneho ni Qin Chu; gusto talaga ni Su Yu na makipagkarera kay Qin Chu pero hindi ngayon ang tamang oras.
Idagdag pa rito, hindi nagmamaneho si Qin Chu ng sports car habang siya ay nagmamaneho kaya parang hindi patas ito…
Ayaw niyang magmukhang bully. Idagdag pa rito, tama si Qin Chu, walang gusto sa kanya si Huo Mian at nilinaw na nito sa kanya na hindi rin sila magkaibigan. Madalas, may dala siyang torch para sa isang tao na wala namang gusto sa kanya.