"Hindi ako sigurado pero kahina-hinala siya."
"Aalis nalang ba tayo ng ganun lang? Hindi ba dapat tingnan natin ulit ang lumang bahay ni Uncle Yang ulit?" Natatakot si Huo Min na bumalik sa bahay na yun pero gusto niya pa rin kasi baka may mahanap pa silang ibang clues doon.
Si Qin Chu, sa kabilang banda ay umiling. "Masyado itong mapanganib, kung pinatay talaga si Uncle Yang, ang mga mata ng pumatay ay nasa bahay pa rin. Tapos, galing pa tayo sa ibang bayan at nagdulot na ng ingay sa pamamagitan ng pagbisita sa village na ito kaya kapag sinubukan nating pumasok sa bahay niya, baka magising natin ang natutulog na aso. Idagdag pa rito, kung pinatay talaga siya, sa tingin mo ba ay mag-iiwan ng kahit anong ebidensya ang pumatay?"