"Su Yu? Bakit ka nakasuot ng ganyan?"
Halos mabaliw si Huo Mian nung nakita niya na ang delivery boy ay si Su Yu…
"Sinusundan ako ng media kaya dapat ay maging maingat ako sa umaga."
"May kailangan ka ba sa akin?"
"Hindi ba pwedeng pumunta ako dahil namimiss lang kita?" Kaswal na hinila ni Su Yu ang upuan at umupo sa harap ni Huo Mian.
Hindi umimik si Huo Mian…
"Patawad sa ginawa ni Zhao Qingya."
"Huwag kang humingi ng tawad, hindi mo ito kasalanan." Tumingin si Huo Mian kay Su Yu.
"Hindi kita sinaktan pero nasaktan ka ng dahil sa akin. Magkaparehas lang yun. Hindi ko ito kasalanan pero sinubukan kang sirain ni Zhao Qingya ng dahil sa akin. Salamat nalang sa diyos at ayos ka dahil kung hindi, pagsisisihan ko ito habang buhay."
"Huwag mong sabihin yan, ipinaghiganti mo nga ako kasi ikaw ang nagpadala ng mga ebidensya, hindi ba?"