Nung paiyak na si Mrs. Qin at magrereklamo, kaagad na lumapit sa kanya si Huo Mian para tulungan siya tumayo. "Auntie Qin, ayos ka lang ba? Mapanganib yan. Bakit ka kasi nagsusuot ng high heels sa bahay? Pwede mong masaktan ang sarili mo!"
"Ikaw..."
"Patawad, pero kaya lang kita tawaging 'auntie'. Sa huli kasi, hindi ako binigyan ni Uncle Qin ng permiso at ampao." Patuloy na ngumiti si Huo Mian, itinutulak pabalik ang mga salita ni Mrs. Qin sa kanya.
Nakangiting bumaba si Qin Chu, "Tingnan mo, ang asawa ko ay hindi masaya dahil hindi niyo siya binigyan ng ampao."
"Oo, kailangan natin gawin yan. Pumili tayo ng petsa at magsagawa ng reception para sa inyong dalawa bilang paghingi ko ng tawad." sabi ni Qin Yumin.
"Salamat, Uncle Qin." Ngumiti si Huo Mian habang naglalakad papunta kay Qin Chu.